Chapter 21

1.2K 41 0
                                    


Aiden's P.O.V

Naiisip ko padin ang naging usapan namin ni Madelle kahapon. Hays, Napasubo ata ako. (_ _").

*Flashback*

"Actually.................Ikaw ang gusto kong maka Partner"

Ano daw?? Bakit naman ako?

"B-bakit a-ako?" nagtatakang tanong ko sakanya. Mas close sila ni Jean at mas nakasama nya ito kesa sakin.

"Hmm let's say when I first saw you dance, You caught my attention instantly" sagot nito na nakangiti sakin na ikinapula ko na naman. Napuri ba naman ako.

"S-salamat hehe" wala nakong ibang masabi dahil alam kong pulang pula nako nun sa hiya.

Dumating na ang mga foods na inorder nya at lahat ay sa tingin ko ay masarap. Tamang tama dahil gutom na gutom na din ako.

"So let's eat" sabi nito.

Habang kumakain ay nagkwento lang ito about sa event na tinutukoy nito.

"It's a special event organized by my Father. Suportado kasi ako ng father ko sa pagsasayaw kaya naman naisip nya ito. Instead of a extravagant celebration dahil sa lumalagong businesses nya ay naisip nyang gawin ito like a Dance competition. My Dad's purpose is to make the people around him see that his Daughter is a professional Dancer. Ganun ako kamahal ng father ko that's why I'm so blessed to have him as my father." Sabi nito. Mababakas mo talaga na masaya ito. Sino ba naman ang hindi kung suportado ka ng parents mo sa mga gusto mong gawin.

"Natutuwa ako dahil nakikita ko talaga na mahal mo ang ama mo at ang pagsasayaw. Kung buhay lang ang parents ko siguro ako din ay sinusuportahan nila kagaya mo" Nalungkot ako bigla ng maalala ko ang parents ko. Siguro kung buhay pa sila ngayon, Sinusuportahan din nila ako.

"Im sorry, I know you've been through a lot. I know your parents are so proud of you" sabi nito na nakingiti sabay hawak sa kamay ko. Ngumiti na din ako.

"Tama ka, tinatanggap ko na favor mo" sabi ko sakanya na ikinagulat nya

"Really? wala ng bawian ha? Thankyou!" sagot nito  na tuwang tuwa. Natawa nalang ako at kumain na kami ulit at nagdiscuss pa ito about sa event.
.
.
.
.
.
.
*End of Flashback*

"Tol, Tingin mo tama ba yung naging desisyon ko na pumayag?" Hays, hindi ko alam pero parang ngayon palang nawawalan nako ng pag-asa dahil bigatin ang mga ibang sumali.

"Ayan kana naman Tol e, nega mo talaga. Kaya mo yan ano kaba, ikaw ang pinili ni Madelle so ibig sabihin malaki ang tiwala nya sa kakayahan mo" sabi nito habang kumakain ng Parfait.

Tama sya pero di ko padin maiwasan e (_ _").

"Wag ka ng mag-alala dyan tol, ienjoy mo lang yung competition. Opportunity natin to na makalaban ang mga ibang professional dancers haha" sabi nito. Oo, kasali din si Jean.

"Tama ka tol, yun dapat isipin ko. Salamat" sabi ko sakanya at ngumiti. Ngumiti din ito at pinagpatuloy ang pag kain.

"Nga pala, nabanggit naba sayo na invited sina Mr. Valmond at Mr. Villafuerte sa event na yon dahil isa sila sa magiging judge? which means......andun din ang mga anak nila so Goodluck satin tol hahaha"

A-ano?! S-seryoso?!..............
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Allison's P.O.V

I'm at my room right now thinking what me and alysha talked about the other day.

Reaching You (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon