Chapter 2

2.3K 50 0
                                    


Aiden's P.O.V

Bumalik na ulit ako sa aming classroom at nakitang nagsisimula na ang pagtuturo ng aming propesor. Napangiwi nalang ako dahil alam kong mapapagalitan ako.

"And Why are you late Ms. Dela Cuesta?" Sabi nito sa akin na naka taas ang kilay.

"I'm sorry Ma'am, may nangyari lang po kaya hindi po ako agad nakarating, Pasensya napo at di na mauulit" paumanhin ko rito

"Make sure this would the last time na malelate ka, dahil kung hindi, Hindi kana makakapasok sa subject na to, you may take your seat" striktong turan nito sa akin.

"Maliwanag po ma'am, pasensya napo ulit" nasabi ko na lamang

Tinignan ko ang babaeng may kasalanan kung bakit napagalitan ako ngayon at nakita ko kung pano sya ngumisi sakin. Blanko ko itong tinignan at umiwas nalang ng tingin Dahil sobra ang hiyang dinanas ko ngayon.

Pagkatapos ng klase ay dali dali nakong lumabas. Bago ako makalabas ng front gate namin ay sumilip muna ako sa gym at sinulyapan ang babaeng gusto ko. Sobrang ganda nya, habang ka kwentuhan ang mga kaibigan nya. Masaya nakong ganito na nasusulyapan lang siya sa malayo dahil tanggap kong wala akong pag-asa sakanya.

Nakarating nako sa pinagtatrabahuan ko. Sa Dance Central Bar. Dancer ako rito. Hindi ako isang alam nyo na kung yun ang iniisip nyo. Disenteng Bar ito na pag aari ng aking tiya. Napagpasyahan ko kasing magtrabaho dito upang kahit papano ay makabawi ako sa aking tiya sa pagkupkop nya sakin.

Bukod sa pagluluto ay hilig ko din ang magsayaw. Mapa hiphop o lyrical pa yan. Sa tuwing sasayaw ako dito ay nakamaskara ako kaya maraming may gustong matuklasan kung anong nakatago sa likod ng maskara ko. Ayokong may makakita sakin dito. Sapat na sa akin na nailalabas ko dito ang aking talento.

Pumunta ako sa office ng aking tiya upang makausap ito.

"Tiya Magandang Gabi" Bati ko rito

"O Aiden Iha, Kamusta ka naman kanina sa school?" Tanong nito sa akin

Hindi alam ni tiya ang nangyayari sakin sa School dahil ayaw ko ng magalala pa ito.

"Maayos naman Tiya, Nagaaral po ako ng mabuti" nakangiti kong sagot rito

"Kung nasan man ang mga magulang mo ngayon ay proud na proud sila sayo at ganun din ako" nakangiti nitong turan sakin

"Maraming salamat sayo tiya kundi dahil sayo hindi ako makakapag aral ulit at salamat dahil tanggap moko"

"ano kaba iha, kung buhay lang ang mga magulang mo ay matatanggap ka din nila gaya ko at hindi ako nagsisisi dahil napakabuti mong bata"

Niyakap ko si tiya at at ganun din sya.

"Osge na iha , pumunta ka na don at ipakita muna
ulit sa kanila ang talento mo" sabi ng tiya ko

"Salamat tiya" sagot ko rito at pumunta na backstage para maghanda..
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"ARE YOU GUYS READY FOR MILLENIAL D?" Sigaw ng MC

"YES!!!!!" excited na sagot ng mga tao.

"But before that, Bigyan natin ng twist, haha, ngayong gabi, pipili tayo ng isang Girl na maswerteng sasayawan ni Millenial D. so girls you ready?" Tanong ng MC

"YES!!!!" sagot ng mga babae

Hindi ako na inform na ganito pala ang pakulo nila ngayong gabi.

"Ok GIRLS, BE READY" sabi ng MC

Nagpalinga linga ang MC at napangiti ng may makita na ito at agad nitong tinuro. Napatingin ako kung san ito nakaturo. Ganun nalamang ang gulat ko ng mapagtanto kung sino ito.

"Ok guys, And the lucky girl is...YOU" sabi nito.

Hindi ko alam kung pano ako makakasayaw ng maayos nito. Kaya napadasal ako bigla.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Panginoon , kayo napo ang bahala sakin ngayong gabi.

A/N: Lalisa Manoban as Allison on the media

Reaching You (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon