Chapter 4

1.7K 58 0
                                    


Aiden's P.O.V

Sa unang pagkakataon, Ngayon lng ako kinabahan bago sumayaw. Hindi ako makapaniwalang ang babaeng walang ginawa kundi ang pahirapan ako sa school ay ngayon sasayawan ko? Akalain mo nga naman.

Bago ako pumunta sa Pwesto ko para magstart, Uminom muna ako ng Alak, pampa lakas ng loob, Ok Aiden Kaya mo to. Kailangan mong bigyan ng magandang palabas ang mga tao.

"Ok guys, Enjoy the Show!!!" Sabi ng MC

Pumunta nako sa pwesto ko. Sa may malapit sa Entrance ng Bar. Maingat akong pumunta rito para hindi mahalata ng mga tao kung nasan ako para masurpresa sila.

*That Girl by Justin Timberlake Plays*

Nagsimula ng tumugtog ang napili kong kanta ngayong gabi. Ilang araw kong pinaghirapan ang choreography nito at sana magustuhan nila.

Nasa akin ngayon ang "Spotlight" kaya lahat ng mga customers ay sa likod nakatingin kung saan naroon ako.

"Didn't have to run~
I knew it was love from a mile away
But I had to catch you
You've been running through my mind all day
Baby~"

Nagsimula nakong sumayaw, lahat ng galaw ko ay sinisigurado kong akma sa bawat beat ng tugtugin ngayon. Lahat sakin nakatingin, lahat nakatulala sa bawat galaw ng katawan ko.

"They all say I'm crazy,
Cause anybody even when your father say
That I can't be with you, I don't hear what they say~"

Napangiti ako. Mukhang nagustuhan ng mga tao ang sayaw ko ngayong Gabi.

"Cause I'm inlove with that girl
So don't be mad at me
Cause I'm inlove with that girl
So dont be mad at me~"

Tinignan ko ang babaeng nasa sentro ng stage ngayon na para bang nangaakit ako. Hindi ko na maaalis ang ganito kong istilo kapag nagsasayaw ako, kung nakukuha ko man sya sa bawat tingin at bawat galaw ko ay hindi ko alam.

"So what you're from the other side of the tracks
So what the world don't think we match
I'll put it down like my love's on wax, guess what?
I'm in love with that girl
And she told me
That she's inlove with me~"

Nagsasayaw ako habang papalapit sa kanya. Habang papalapit, napansin kong napaka ganda nya sa suot nya ngayon. Hindi ko maiwasang mapatitig sakanya lalo habang ako'y nagsasayaw. Buti nalang ay napanatili ko pading maayos ang pagsayaw ko kahit pa na didistract ako ng ganda nito. Hindi ko akalaing pupurihin ko ng husto ngayon ang babaeng to.

Nakalapit nako sakanya ngayon, inikutan ko sya habang sumasayaw padin at nakatitig sakanya ng maigi.

Hindi ko alam anong nagtulak sakin para kunin ang kamay nya at halikan ito habang nakatingin parin sakanya. Naghiyawan ang mga tao dahil sa ginawa ko. Nahiya ako ng konti ngunit hindi ko yon pinahalata.

Tumingin ako sakanya at nakita kong namumula ito. teka namumula? Hindi,imposible. namalikmata lang ako.

Sumayaw ako ng sumayaw na nakatingin padin sakanya. Sa bawat galaw ko sakanya lang ako nakatingin at ganun din sya sa akin. Hindi ko mabasa kung nagugustuhan nya ba ang pagsasayaw ko o hindi dahil nakatingin lang ito sa akin. Bahala na nasabi ko nalang sa aking sarili.

Natapos na ko sa pag sayaw at nagpalakpakan at nag hiwayan ang mga tao. Nag bow ako sa mga tao at muli kong tinignan ang babaeng sinayawan ko.

Nilahad ko ang aking kamay para ihatid sya sa table nya. Ineexpect ko na di nya ito tatanggapin ngunit nabigla ako ng kunin nya ito. Tinignan ko ito ulit at nakatingin din sya sa akin. Nag iwas nako ng tingin at inalalayan na sya pababa ng stage.

Patuloy padin sa pag palakpak at paghiyaw ang mga tao. Naihatid ko na ito sa table niya at mabilis na pumunta sa backstage. Hinawakan ko ang Dibdib ko dahil di ko maintindihan bakit ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Ang galing mo talaga iha sa pagsayaw, Napabilib mo ang tao sayo pati na ako syempre" sabi ng aking tiya

"Tiya andyan ka pala, opo tiya, salamat po" sabi ko sakanya na nakangiti

"Osya, Sumunod kana sa office ko para makapagpahinga ka muna"

"Opo tiya, Salamat po, susunod ako" Sabi ko rito

Akmang Maglalakad nako ng biglang..

"Hey you" sabi ng isang boses.

Napahinto ako. Hindi ako pwedeng magkamali, ang boses na yon

"Millenial D Right? Ako nga pala ang babaeng sinayawan mo. I'm Allison and I want to unmask the famous Millenial D tonight" sinabi nya sakin ng nakangisi

Tinignan ko lamang ito mata sa mata. Interesado sya sakin ? mali, Kay Millenial D pala sya interesado.

Papalapit ito ng papalapit sakin at hindi ko alam parang napako ako sa kinatatayuan ko. Akmang mahahawakan na nya ang maskara ko ng biglang...

"Hoy miss, Bawal ka rito, Pano ka nakapasok?" Sabi ng isang Bouncer

"You, Wag mokong ma hoy hoy diyan Mister, Don't you know me?!" sabi ni Allison

Chance ko na to para makaalis. Tumakbo nako papunta sa office ng tiya ko. Dinig ko padin ang pagtawag ni Allison sakin.
.
.
.
.
.
.

Ano bang iniisip mo Aiden? muntik kana don.

Reaching You (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon