Chapter 28

1.1K 35 2
                                    


Aiden's P.O.V

Ilang weeks na ang nakakalipas simula nung outing namin. Di ko padin makalimutan ang mga nangyare lalo na ang pag payag ko sa favor ni Kevin.

Oo pumayag ako. Pumayag ako na tulungan si Kevin para maging sila ulit ni Alysha. Galing diba? Hindi ko kayang humindi eh. Kaibigan ko na din ito.

"Tol pansin ko lang ha? Parang gumagwapo kana lalo ah? effective yung mga products na binigay sayo ni Mads. Sabi sayo tol e, mawala lang yang mga pimples at parang mga balat mo sa mukha ay lilitaw na ang kagwapuhan mo" sabi naman ni Jean sakin.

Napatingin naman ako sa salamin at tama nga si Jean. Marami na ngang nagbago sakin lalo na ang mukha ko. Lalo na itong kuminis.

After din kasi ng outing namin ay kung anu ano ng mga skin care products ang binigay sakin ni Mads na galing pa talaga sa ibang bansa. Panigurado at mahal pa ito.

Tinanong ko naman ito kung bakit binibigyan nya ako ay ang sagot lang nito ay regalo nya sakin dahil sa pagkapanalo namin sa competition. Nung una ay ayaw ko pa itong tanggapin dahil alam kong mahal ang mga ito pero kalaunan ay tinanggap ko na din dahil magtatampo daw ito kung hindi ko tatanggapin.

"Oo nga no tol, ngayon ko lang din napansin" sabi ko habang nakatingin padin sa salamin.

"Tol pansin ko lang, parang masyadong occupied yang utak mo simula nung outing natin eh, may naging problema kaba?" tanong nito sakin. Napagpasyahan namin na pumunta sa isang coffee shop after ng naging klase namin ngayon.

Bumuntong hininga muna ako bago ko kinwento sakanya lahat.

"Ano? Tol ano kaba naman, bakit ka pumayag? Akala ko ba mahal mo?" sabi nito sakin. Hindi ko na din alam Jean, hindi ko na din alam.

"Tol alam mo naman na kaibigan ko na din si Kevin. Ayokong masaktan sya tol. Alam kong mahal na mahal nya si Aly. Ano naman ang laban ko diba? Isa lang naman akong tomboy" sagot ko naman rito.

"Yan ang problema sayo tol e, Paano ka naman? Ikaw ba hindi kaba nasasaktan? So ok lang na ikaw nalang masaktan wag lang sya? Tol walang problema sayo tol ok?" sabi naman nito.

"Hindi ko na din alam ang gagawin tol, hindi ko na din alam.Gulong -gulo na din ako" sabi ko habang ininom ang inorder kong frappe.

"Tol alam mo eto sasabihin ko sayo ha? base sa observation ko simula pa nung outing natin. The way na tumingin ka kay Allison iba eh, Tol ibang iba kay Alysha. Ayaw kitang pangunahan tol pero gusto kong pakaisipin mo kung ano at sino na ba talaga ang nagmamay-ari ng puso mo" Seryoso nitong turan sakin. Napaisip naman ako bigla sa sinabi nito. Ayaw ko man aminin pero tama si Jean. Hays. Lalo na kong naguluhan.

"Tol hindi ko gustong paguluhin ka lalo ang gusto ko maliwanagan kana sa nararamdaman mo. I want you to be happy alam mo yan" sincere nitong sabi sakin. Napakaswerte ko din talaga sa babaeng to.

Pinili ko na munang manahimik at maya maya pa ay may natanggap akong message galing kay Kevin at hindi ko alam ang mararamdaman ko ng mabasa ko ang text nito.

"Tomorrow bro, Finally, I will ask Alysha to be my Girlfriend again. Please bro I need your help. Thankyou in advance bro! See you!"

"Tol bakit natahimik ka? Sino ba yan?" tanong naman nito sakin.

"Si Kevin tol, Sabi nito tatanungin na nya si Aly na maging Girlfriend ulit" sagot ko rito

"OhMyGosh" nasambit na lamang nito.

Eto na. Eto na ang kinakatakot ko................
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Nice! It's all settled. Kinakabahan ako but wish me luck bro" sabi ni Kevin sakin. Napili kasi namin na gawin sa Gym ang surprise namin para kay Alysha. Oo ako na, ako na dakilang masokista.

Reaching You (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon