Chapter 36

1.1K 36 1
                                    


Aiden's P.O.V

"Kelan pa naging kayo ng anak ko?" tanong ng ama ni Allison sa akin. Nasa may Garden nila kami  ngayon. Pagkatapos kasi ng tagpo na iyon ay sinabi agad ni Mr. Villafuerte na magusap kaming dalawa lang.

Sobrang kaba ang nadarama ko ngayong oras na to. Sino bang hindi hindi ako naging handa sa nangyayare ngayon. Kakasagot lang sa akin ni Alli at ngayon ay meet the parents agad.

"K-kagabi lamang po Sir. P-pasensya napo kung h-hindi ko po agad nasabi na l-liligawan ko po ang anak ninyo. Patawarin nyo po ako at sana wag po kayong magalit sa anak ninyo. Kasalanan ko po ito." Sincere kong sabi. Baka pagalitan kasi nila si Allison lalo na at pumatol ito sa gaya ko.

"Hindi ugali ni Allison ang maglihim samin. Ngayon palang. I wonder what did my daughter saw in you" Nakatingin ito ngayon sakin na sobrang seryoso. Kabado man ng sobra ay lakas loob akong sumagot.

"S-sir alam ko po na sa mata ng iba mali ito, na mali ang relasyon namin,na mali ang makipagrelasyon sa kapwa mo kasarian dahil sabi nga nila na ang babae ay para lamang sa lalaki. Inaamin ko po hindi ko din po lubos maisip na mamahalin ko po ng sobra ang anak ninyo." putol ko sa aking sasabihin pa at tumingin muna na may konting ngiti sa aking labi kay Mr. Villafuerte.

"Dati ay tingin ko po sa anak ninyo ay matapobre, Pangit ang ugali, Maarte, wala ng pag-asa pang bumait dahil wala naman po itong ginawa sa akin kundi ang pahirapan ako sa araw araw ko sa University." Napatingin ako rito at nakitang bahagya itong ngumiti bago ininom ang kape nito.

"Pero isang araw, nagbago po ang lahat ng pananaw ko sakanya simula ng makilala ko po ito ng lubusan. Ibang iba po sya sa Allison na akala ko nung una. Nung una, ay ayaw kong tanggapin sa aking sarili na mahal ko na ito pero nangyare na po at hindi ko na kayang pigilan pa. Hindi napo ako magpapaligoy-ligoy pa, Mahal na mahal ko po ang anak ninyo Sir.Hindi po ako mangangako ng kahit na ano, gagawin ko nalamang po at ipapakita sainyo na Handa ko pong gawin ang lahat matanggap nyo lamang po ako para sa anak ninyo" determinado kong sabi rito. Hindi ito umimik muna. Ininom nito ang kape nito at maya maya pa'y sumagot na.

"Well then if you're willing to do anything for my daughter then...............


"One month, Stay away from my daughter for One month...."

"P-po?" sabihin ninyo sakin na mali lang ako ng dinig.

"Layuan mo muna ang anak ko sa loob ng isang buwan. Kapag nagawa mo ang inuutos ko. Hindi na ako tututol sainyo."

"P-pero b-bakit po? H-hindi ko po ata k-kaya" sabi ko rito. Isang buwan ko itong lalayuan? hindi ko ata kaya.

"Then you won't have our blessing, better stay away from my daughter forever" Akmang tatayo na ito ng bigla ko itong pigilan.

"S-sandali lang po Sir. K-kapag ba nagawa ko ang hinihiling ninyo ay t-tanggap niyo na ako para sa anak ninyo?" Kung eto ang challenge nito para sa akin ay gagawin ko para sa amin ni Allison.

"You have my word." Sabi nito ng seryoso.

"P-pumapayag na po ako"

"Well then, I'll give you a chance para masulit na makasama sya ngayon araw so Magsimula kana bukas" Sabi nito at tumalikod na upang maglakad papabalik sa loob ng mansion nila.

Naiwan naman ako na iniisip parin ang naging usapan namin.

Maya maya pa ay nakita kong papalapit sakin si Allison.

"Hey, you okay? What did my father say to you? did he hurt you? Did h--" pinutol ko na ang sasabihin pa nito dahil alam kong nagaalala ito sakin. Niyakap ko naman ito ng mahigpit.

Reaching You (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon