Chapter 37

1.2K 35 2
                                    


Aiden's P.O.V

"Hello Kia?" Tanong ko sa kabilang linya. Bigla kasi itong napatawag ng ganitong disoras ng gabi kaya naman sinagot ko ito.

"Hello po Good evening, is this Aiden Dela Cuesta po?" napakunot naman ang noo ko. Sino to? at alam nya Name ko?

"Opo speaking, Sino to?" Tanong ko rito

"Hello po, Sorry po sa abala pero lasing na lasing po kasi si Ma'am Kianna, at ikaw po ang sabi nyang tawagan ko, Pwede nyo po ba syang sunduin? " tanong nito sakin. Nagtataka man dahil ako ang gusto nitong sumundo sakanya ay pumayag nalamang ako. Bakit ba naglasing ang babaeng to?

"Sige po, san po ba?" tanong ko ulit rito

"Sa Levi's Bar po near ancheta ave. po" sabi naman nito na sa tingin ko'y 10 mins. ang papunta doon. Mabuti nalang at alam ko ang lugar na iyon.

"Sige, on the way nako, pakibantayan lang po muna sya habang wala pako, thankyou" sabi ko rito at pinatay na ang call.

Nagbihis nako at dali daling kinuha ang susi ng kotse.

"San ka pupunta iha?" tanong ng tiya ko ng makasalubong ko ito sa may sala. Hindi pa pala ito tulog.

"Sorry tiya, alis lang po ako saglit, lasing daw kasi ang kaibigan ko at kailangan kong sunduin at ihatid. Pahiram muna ng kotse tiya" paalam ko rito

"O sige iha, basta magiingat ka ha? Late na masyado. " bilin nito.

"Opo Tiya salamat po, Alis napo ako" Paalam ko rito at hinalikan ko na sa noo.

Kasalukuyan nakong nagbabyahe papunta sa lugar na iyon ng mapansin kong parang may sumusunod sa akin na itim na kotse.

Kung san kasi ako dumadaan ay doon din ito.

" Baka assuming lang ako at baka parehas lng kami ng way." nasabi ko nalamang sa sarili ko

Nandito nako sa lugar. Nagpalinga linga ako at nakitang nakayuko na nga sa may bar area si Kia. Nilapitan ko na ito.

"Ikaw po ba si Aiden?" tanong ng bartender na sa tingin ko'y sya din ang nakausap ko kanina.

"Ako nga po, salamat po sa pagbantay sakanya. Mauna na kami at ihahatid ko na ito." Sabi ko rito.

"Sandali lang po, hindi pa po kasi nagbabayad si Ma'am Kia. " Naku po.

"Ay ganun ba? M-magkano ba?" sabi ko rito. Naku baka kulang pa ang dala ko.

"10, 756 pesos po lahat" nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig, ano ba ang ininom ng isang to at sobrang mahal naman ata?

Pikit mata kong dinukot ang wallet ko sa bulsa. Inabot ko na 11,000 tip ko nalamang ito sa bartender na nagasikaso kay Kia

"Maraming salamat po" sabi nito sakin at tumango na lamang ako.

Binuhat ko na ito bridal style kahit pinagtitinginan na kami. Hay naku naman oo.

Naipasok ko na ito ng maayos sa kotse at sobrang hirap ng dinanas ko. Napakabigat kasi nito.

"Kailangan ko na talagang mag gym ulit hays" sabi ko ulit sa isip ko.

Nakapasok na din ako sa kotse ko ng bigla nalang maalala na di ko pa alam kung san ito nakatira.

"Kia, Kia huy" yugyog ko rito ng medyo mahina lang baka kasi mahilo ito lalo.

"Hmmm" yun lng tanging naging response nito at bumaling na sa kabilang pwesto. Napabuntong hininga na lamang ako. Mukhang sa bahay ko na ito papatulugin.
.
.
.
.
.
.

Reaching You (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon