Chapter 35

1.3K 42 2
                                    


Aiden's P.O.V

Pagkatapos ng naging rebelasyon ni Allison ay umani ito ng atensyon sa buong school. May mga sumuporta at the same time merong hindi. Hindi naman talaga maaalis na merong hindi susuporta talaga lalo na mali ito sa mata ng iba. Pero hanga ako kay Alli dahil hindi ito nagpaapekto na mas lalo kong minahal sakanya.

*Fast Forward*

Ilang months na din akong nanliligaw kay Alli pero hindi ako nagrereklamo dahil willing naman akong maghintay sa "Oo"nito. Hindi ko ito minamadali. Gusto kong mas lalo pa nya akong makilala at ganun din naman ako sakanya.

Napagpasyahan pala namin ngayon na magkita kita sa Bar ni Tiya nina Jean, Madelle, Alysha at ang Tiedoll brothers. Nabanggit na din pala nina Aly at Kevin na ok na sila. In fact, Sila na pala ulit na ikinatuwa naman namin.

"Yun! Nandito na rin sa wakas tong dalawang love birds!" Sino paba? edi si Jean haha. Kaming dalawa nalang kasi ni Allison ang hinihintay.

"Hi guys! What's up? Tara dito kayo dali!" sabi ni Nate samin. Yes, Ok naman kami ni Nate ganun din sila ni Alli. Sinabi nito na move on na sya kay Alli kaya wala daw akong dapat ipag-alala. Napakabait talaga ng lalaking to.

Kanya kanyang bati naman kami sa isa't-isa. Medyo busy na din kasi halos kami lalo na't ilang months nalang din ay ga graduate na kami. Kaya naman ng makaluwag luwag na ay eto, napagpasyahang magkita kita. Namiss ko din naman sila .

"Oh guys let's order some more drinks, mabibitin tayo dito e" sabi ni Madelle.

"Ok sige, Ano pa ba gusto nyo? Kami ng bahala ni Nate mag order"  Prisinta naman ni Kevin.

Sinabi naman nila ang mga gusto pa nila kaya naman inorder na nila Kevin ito.

"So kelan mo balak sagutin si Aiden Alli?" tanong ni Jean habang iniinom nito ang inorder.

Napatingin naman ako kay Alli saglit bago tumingin kay Jean Pagkatapos.

"Tol ano kaba naman? Hindi naman ako nagmamadali eh, kaya ayos lang kahit gano katagal" sabi ko rito

"Haha to naman oh,curious lang kami. Tagal mo na nanliligaw tol, Aba Alli sige ka pag yan, inagaw ng iba" sabi pa nito. langya talaga to oh

"Oo nga, ikaw din Alli, lalo na gumagwapo lalo tong si Aiden oh" pang gagatong naman ni Nate. Nagtulungan na naman ang dalawang to.

Napatingin naman ako kay Alli na halata na sa mukha ang inis. Naku patay

"Guys stop it, kayo talaga pinag tripan nyo na naman ang dalawa" sabi naman ni Mads.

Natawa naman ang dalawa sabay peace samin. Mga walanghiya kayo. -_-.

"Wag kang mag-alala Alli. I know Aiden can stay faithful to you" sabi ni Alysha kay Alli. Kakampi ko talaga sya hays salamat.

"Yeah I know, Kaya naman malapit ko ng ibigay ang matagal na nitong hinihintay" sabi nito na ikinabigla ko naman. Wag nyong sabihing?......

"YUN OH! OH GUYS CHEERS!" ang energetic na sabi ni Jean.

Sobrang enjoy ng gabi na ito dahil kasama ko ulit sila sila. Wala nakong mahihiling pa lalo na nasa tabi ko lamang ang pinakamamahal ko.

"Mahal na mahal na nga talaga kitang babae ka" nasabi ko nalamang sa sarili ko habang nakangiting nakatingin kay Allison.........
.
.
.
.

Nasa bahay na kami ngayon ni Allison, medyo nalasing ang babaeng to. Mukhang sineryoso ata ang mga sinabi nila Nate.

"A-Alli pwede umayos ka? ambigat mo napo" sabi ko rito. Kahit ako'y nahihilo na din pero kailangan kong pilitin dahil kailangan ako ni Alli.

Reaching You (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon