Chapter 30

1.2K 41 1
                                    


Aiden's P.O.V

"I'm serious Aiden" sabi nito pagkatapos ako nitong halikan. Dahil sa nangyari ay mas lalo akong naliwanagan sa nararamdaman ko.

Ilang weeks akong hindi nagparamdam sakanilang dalawa ni Alli para maliwanagan na ako tungkol sa nararamdaman ko. Ginamit ko ang mga oras na yon para maliwanagan na ako gaya ng gustong mangyare ni Jean.

Ngumiti ako sakanya at Niyakap ko ito ng mahigpit.

"Simula palang nung makita kita sa school na to ay naging interesado nako sayo. Nakamasid lang ako sayo sa malayo kasi alam kong wala naman akong pag-asa sayo eh. Halos lahat gusto kang makuha dahil sa bukod sa maganda kana, ay mabait at matalino kapa" kwento ko rito. At kumalas na sa yakap at naupo kaming pareho.

"Sapat na sakin noon na nasisilayan ka lamang sa malayo. Naalala mo ba nung nasiraan ka? Hindi ko akalain na ikaw yon. Sobrang saya ko noon ng makita at makausap ka ng malapitan. At yun na nga, naging close na tayo sa isa't-isa na sobrang ikinatuwa ko" pagpapatuloy ko sa kwento ko.

"Lahat ng mga moments natin, sobrang saya ko at siguradong hinding hindi ko makakalimutan yon. Until one day, dumating si Kevin, ang ex boyfriend mo pala. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nung malaman ko iyon. At nangyare nga ang celebration at outing. Dun ko mas nakilala si Kevin Aly. Napakabait nito at napaka maginoo. Nakikita ko rin na mahal na mahal ka niya Aly. Nang mas nakilala ko pa ito ng lubusan, hindi nako nagtaka kung bakit mo ito nagustuhan" Tumingin ako rito at nag smile. Nakatitig lamang ito sakin at animo'y hinihintay pa ang mga susunod kong sasabihin.

"Aly gusto kitang sumaya. Gusto kitang makitang laging nakangiti. Aly siguro nga gusto moko pero hindi gaya ng pagmamahal mo kay Kevin" at nakita ko nalamang na parang nagulat ito sa mga sinabi ko. Ngumiti naman ako sakanya bago nagpatuloy.

"Mahal mo padin sya Aly. Takot ka lamang na tanggapin sya uli dahil baka ulitin na naman nya ang pag-iwan sayo. Aly takot kang subukan ulit yung sainyo. Takot kang iwan nya ulit kaya hindi mo sya sinagot. Aly sana gaya ko maliwanagan kana din. Gusto kong sumaya ka at alam kong si Kevin ang makakagawa non" Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nito at iniangat ang mukha nito para matignan namin ang isa't-isa. Nagtitigan kami ng ilang minuto.Hinayaan ko itong makapagisip isip tungkol sa sinabi ko.

Bumuntong hininga naman ito. Ngumiti ako rito at sya naman ay maluha luha na.

" It's too late. Hindi na nya ako kinakausap" sabi nito at tuluyan na ngang umiyak.

Niyakap ko ito at muling nagsalita.

"Shhh wag kana umiyak Aly, tutulungan kita na makausap sya uli don't worry. " pag aassure ko rito.

"Thankyou so much Aiden for helping me sort my feelings. I guess you're right. Takot ako. Takot akong iwan nya ulit" sabi nito.

"I assure you hindi ka na nya iiwan pa. Nakikita ko kung gano sya nagsising iwan ka. He loves you with all his heart. Aba, kung ipapaubaya ko nalang din ang first love ko ay kay Kevin nako boto" sabi ko na sinusubukang pagaananin ang usapan namin. At hindi naman ako nabigo dahil tumawa naman ito at natawa na rin ako.

"Aminin mo nga Aiden, Do you love Allison? Sya ba ang pumalit sakin?" bigla na lamang tanong nito

"H-ha? "

"Don't deny it Aiden, the way you look at her sabi ko na iba eh" sabi naman nito. Mukhang wala na talaga akong takas.

Bumuntong hininga na lamang ako at tumango bilang sagot.

"Haha see? sabi ko na eh, now I'm jealous" pabirong sagot naman nito.

"Hindi ko alam kung kailan pa ito nagsimula, naramdaman ko nalang na may iba nakong nararamdaman sakanya. Iniwasan ko muna kayo para makapag-isip isip at kung sino naba talaga ang mahal ko kasi gaya mo, gulung gulo na din ako noon Aly. " kwento ko rito.

Reaching You (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon