Kabanata 2

54 4 0
                                    

"Carlo! Bilisan mo, 'wag ka na gumawa ng himala d'yan," sigaw ni Vince kay Carlo na nasa loob ng comfort room.

"Bugok! Mahina kasi 'yong gripo."

Kanina pa silang dalawa roon at buti nalang ay maaga akong nagising at gumagayak na. Pumasok ako sa kitchen para uminom ng tubig at nakita si Vince na nakaupo na sa tapat ng banyo at si Nathan naman ay nagluluto ng agahan.

"Nangingilabot na 'ko dito Carlo, kanina pa 'to!" Tumawa ako sa sinabing iyon ni Vince.

Nang maihanda ko na ang mga gamit ko ay nagpaalam na ako sa kanilang mauuna na pumasok. Iba-iba rin naman kami ng schedule. Paglabas ay nakita ko na sila Alie at Risa, sabay-sabay kaming tatlo na lalakad papunta sa college namin.

"Ito 'yong mga 2x2 pictures ko, may index card na rin ako, iba-iba pang sizes 'yan." Wala sa sariling pinanood ko lang si Alie na ipinapakita ang mga nakalagay sa maliit niyang bag. Tinitingnan daw niya kung may nakalimutan ba siya.

Bigla naman akong napatigil sa paglalakad nang matauhan. Hindi ko pala alam kung saang building ang una kong klase. Nakalagay lang sa schedule ko ay room number.

"Bakit Geo? May naiwan ka?" tanong ni Alie.

"Wala, bilisan na natin lumakad at maghahanap pa pala akong room. Kayo ba, alam niyo na ang mga room niyo?" Tumango sila at lalo akong nainggit na magkaklase sila.

Ganoon na nga ang nangyari sa natitira kong thirty minutes bago ang klase. Nagtatanong ako kung saan ang building ng room number. May mga nagsasabi na malapit sa college ng ganito, sa college nito, katabi ng kulay ganitong building at kung ano-ano pa.

"Ah, sa gilid yan ng College of Business. Kulay blue na building na may mga glass wall," sabi ng isang senior na Psychology na nakausap ko.

"Thank you po."

Agad na akong tumakbo papunta roon dahil five minutes na akong late.  Pagdating ko ay nahanap ko naman agad ang room ko at nagsasalita na ang professor. Pagbukas ko ng pinto ay tinginan lahat ng nasa loob, dumiretso lang ako sa isang bakanteng upuan at naglabas ng pagsusulatan ng mga notes. Orientation lang naman ang sinasabi ng professor pero idiniin niya roon ang kahigpitan niya pagdating sa mga late, pinagbigyan lamang daw niya ngayon dahil unang araw. Hindi lang naman ako ang nahuli sa klase at may mga mas nahuli pa sa akin.

Pagkatapos ng klase ay kanya-kanya na kaming labas ng room at iyong iba naman ay may mga kasa-kasama ng kaibigan. Tumingin ako sa labas at sobrang lakas pala ng ulan, hindi ko narinig dahil air-conditioned ang mga rooms ng building at salamin pa ang dingding sa hallway.

"Hi, ikaw 'yong nakasabay ko noon sa department interview di ba?" biglang tanong sa akin ng isang matangkad na babae, pamilyar nga ang mukha niya.

"Oo yata? Sorry, nakalimutan ko na." Ngumiti lang siya at naglahad ng kamay.

"Sabrina pala, ikaw anong pangalan mo?"

"Geo," sagot ko at nakipagkamay lang.

"Sab! Tara na sa gymnasium, vacant natin ngayon," biglang hila sa kanya ng isang kaibigan niya.

"Wait lang, isama na natin si Geo," sabi naman niya.

"Tara na Geo," pagyaya niya sa akin.

Hindi na ako tumanggi nang magkaroon naman ako ng makakasama sa buong vacant dahil hindi ko alam kung saan na niyan sila Alie at Risa. Dumaan kami sa College of Veterinary at nakakita ng mga nakaupong seniors. Marami ring mga pusa ang nakakalat at natutulog sa mga bench. Gusto ko tuloy huminto at hawakan iyong isang nakita ko.

"Saan ka umuuwi Geo?" tanong sa akin ni Sabrina.

"Ah, naka-dorm ako," sagot ko lang.

"Wow, kung gano'n ay malayo ka sa pamilya mo. Independent ka pala eh." Tumawa lang ako ng bahagya sa sinabi niyang iyon.

Huling Awit ng AdarnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon