Kabanata 19

19 2 0
                                    

Nasa kabilang bayan kami ngayon hindi ganoon kalayo sa University. Sinadya nilang hindi sabihin sa akin kung saan kami pupunta dahil alam nilang hindi ako sasama kapag nalaman kong iinom sila. Akala ko ay mamasyal lang kami dahil pagkatapos naming mananghalian ay naglakad-lakad pa kami sa loob ng mall.

"Oh! Geo isang baso lang. Hindi nakamamatay promise!" lasing na alok ni Vince. Nakataas pa ang isang kamay na parang nangangako.

Umiling lang ako kaya siya ang uminom no'n. Tumingin ako kay Nathan na pumupungay na rin ang mga mata dahil malapit na malasing. Si Carlo naman ay tumatawa habang pinapanood si Vince, hindi pa siya lasing pero uminom na rin ng ilang baso ng alak kanina.

"Kapag nalasing kayo. Nagagawa niyo 'yong mga bagay na gusto niyong gawin na hindi niyo magawa kapag hindi kayo lasing," paninimula ni Vince.

Kanina pa siya nagbibida at humihinto lang kapag umiinom ng alak.

"Tulad ng... ?" natatawang tanong ni Carlo.

"Katulad ng... " Biglang tumawa si Vince at uminom muli.

"Ikaw Carlo, pinagmumukha mo 'kong malibog, nandito si Geo baka madungisan tingin niya sa 'kin." Dinuro pa niya si Carlo na katabi niya lang.

"Wala naman akong ginagawa? Tinatanong lang kita."

Naniningkit ang mga mata ni Vince na tumingin kay Carlo. Si Carlo ay nakangiti lang namang nakatitig kay Vince.

"Kapag lasing ka, magkakalakas ka ng loob para umamin sa crush mo, yakapin 'yong crush mo, halikan ang crush mo... "

"Bakit puro crush? High school ka ba?" pang-aasar ni Carlo.

"Eh do'n nagsisimula 'yon ah!" pasigaw nitong sagot.

Mga ilang minuto pang dumaldal si Vince bago nakatulog. Tumingin ako sa cellphone at nakitang malapit na mag-alas nueve. Curfew na kami sa dorm sigurado.

"Naiihi ba kayo?" tanong ni Carlo.

Umiling lang si Nathan na may malay pa rin naman kahit lasing na rin.

"Sasama ako," sagot ko.

Sabay kaming naglakad ni Carlo pero pinigilan ko siya nang malapit na kami sa banyo. Paisa-isa lang ang mga dumadaan kaya naman okay lang siguro itanong sa kanya ito.

"Ano'ng gusto mong sabihin sa akin noon?" Nagulat siya sa biglaang itinanong ko.

"Alin ba?" maangan pa niya at napakamot sa batok.

"Sabihin mo na, parang may ideya na rin naman ako kung ano 'yon?" pagkukunwari ko pa. Wala talaga akong ideya.

Mas lalo siyang nagulat. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. Tumingin pa siya sa paligid.

"Sa 'ting dalawa lang 'to ha?" hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. Tumango ako.

"May gusto ako kay Vince." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.

"Bakit parang gulat na gulat ka? Akala ko ba may ideya ka na?" pagtataka niya.

"Joke lang na may ideya ako. Pero totoo nga?"

"Oo! 'Wag mo sasabihin sa iba!" Niyugyog pa niya ako kaya tumango lang ako.

Hindi naman sinasadyang natabig si Carlo ng isang lasing na papunta sa banyo kaya napayakap siya sa akin. Mabilis ang mga pangyayari at biglang sumulpot si Nathan. Marahas niyang itinulak si Carlo palayo sa akin kasabay ng pagsuntok niya rito. Nang makabawi ay si Nathan naman ang sinuntok ni Carlo.

"Ano'ng problema mo?!" sigaw ni Carlo.

"Ano'ng ginagawa mo kay Geo?!" galit na tanong ni Nathan.

Huling Awit ng AdarnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon