Kabanata 12

32 3 0
                                    

Lumipas ang dalawang araw na hindi ko nakikita si Alie. Kaya naman nang makita ko si Risa ay tinanong ko ito agad kung nasaan ang kaibigan namin. Nagpasalamat ako nang sabihin niyang madalas ito sa bleachers ng oval para hintayin si Mark.

Pumunta agad ako sa lugar na sinabi ni Risa at nakita nga ang kaibigan na mag-isang nakaupo sa matataas na bleachers. Lalapitan ko na sana ito nang mag-ring ang cellphone ko at hindi naka-register na number ang tumatawag. Pinatay ko ang tawag at inilagay na sa bulsa ang cellphone. Naglakad na ako palapit kay Alie ng walang pagdadalawang-isip.

"Alie, pwede bang kausapin mo ako, pakiusap," sabi ko nang makalapit pero sinukbit lang niya ang bag at akmang aalis.

Hinawakan ko siya sa braso para pigilan pero agad niyang marahas na hinawi ang kamay ko. Labis ang naging pagkabigla ko roon at tumindi pa ng makita ang galit niyang mukha.

"Ano pa bang kailangan mo? Iniwan ka na ba ng mga kaibigan mo kaya ka lumalapit sa akin ngayon?" sarkastiko niyang tanong.

"Hindi tungkol doon ang ipinunta ko rito, ang gusto ko lang sabihin ay tigilan mo na ang pagsama kay Mark," mahinahon kong sinabi iyon at napangisi lang naman siya na tila naasar.

"Tigilan para mapunta sa kaibigan mong si Justin? Gago ka pala eh!" Para akong sinilaban sa galit nang sabihan niya ako ng ganoon.

Pinigilan ko naman ang sarili kong maging pisikal dahil babae ang kaharap ko.

"Hindi sila kasali sa usapang 'to. Alie naman, hindi mo ba naiintindihan na manloloko si Mark?" paliwanag ko pero umiling lang siya.

"Huwag kang manghusga ng taong hindi mo pa lubos na kilala. Wala kang karapatan na makialam sa akin Geo," sabi niya sa akin.

"Alie, ginagawa ko ito bilang kaibigan." Umiling siya saka humarap sa akin ng maayos.

"Layuan mo na ako simula ngayon Geo, wala na akong pakialam sa 'yo at lalong wala akong kaibigang bakla na katulad mo!"

Tinalikuran niya ako pagkasabi ng mga salitang iyon. Lahat ng mga bakod na binuo ko para hindi lumabas ang mga luha mula sa patong-pato na problema ay nawasak na sa sandaling 'yon. Kinuha ko ang sariling panyo at pinunasan ang mga luha bago nanghihinang umalis. Gusto kong umuwi na lamang sa dorm para mag-isang umiyak pero pinanghawakan ko ang sinabi ko noon na pag-aaral ang prayoridad ko rito. Hindi ako maglalaan ng oras para sa mga kalungkutang ganito.

Nararamdaman ko ang mga nakabiting tanong sa dila ni Sabrina simula nang bumalik ako galing sa oval. Ngayon nga ay abala kami sa paggawa ng activity sa isang minor subject at puro buntong-hininga ang naririnig ko sa kanya. Napapansin niya siguro ang pagiging matamlay ko.

"Sab, patingin nga ng drawing mo?" tawag sa kanya ni Justin.

Ipinakita niya iyon at nagpakita lang naman ng pag-apruba si Justin.

Natapos namin ang huling klase na iyon na tahimik lang ako. Mas napansin pa iyon ni Sabrina kaysa kay Justin na nagbibida lang tungkol sa pagkuha ng uniform namin sa garment production sa Lunes dahil required na itong isuot next week.

"Naka-all white tayo! Sobrang linis at magmumukha na siguro akong estudyante no'n kapag sinuot ko na ang uniform," pantasya pa ni Justin at pinilit ko namang ngumiti bilang pagsang-ayon.

Huminto na kami sa paglalakad nang makarating sa facade ng college. Hinatid ko lang sila rito pagkatapos ay hihiwalay na rin ako dahil ibang way ang papunta sa dorm ko.

"Wait lang Sab, tatawagan ko lang si Tita," paalam ni Justin at dumistansya sa amin.

"Geo," tawag naman sa akin ni Sabrina bago pa ako makaalis.

Huling Awit ng AdarnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon