Kabanata 11

32 3 0
                                    

Giniginaw ako nang dumating sa dorm. Agad kong tiningnan ang laman ng bag ko at buti na lang ay hindi nabasa ng husto ang mga gamit ko. Kinuha ko ang cellphone na nasa inner pocket ng bag at hindi ito nabasa.

"Oh? Anong nangyari sa 'yo?" tanong ni Carlo na lumabas mula sa kusina.

"Ah, tinangay ng hangin ang payong ko, nabasa tuloy ako." Ngumiti pa ako ng pilit.

"Magbihis ka na, pareho pa kayo ni Nathan na basang-basa na umuwi rito," sabi pa niya.

Nilibot ko naman ang mga mata ko sa loob ng bedroom at nakita nga ang gamit ni Nathan na nasa upuan.

"Kung hinahanap mo, wala rito. Umalis ng walang sinasabi," biglang putol naman ni Carlo sa pag-oobserba ko.

"Wala naman akong sinabing hinahanap ko," sagot ko lang.

"Okay," sabi lang niya at dumiretso na sa bed niya.

Nagbanlaw na ako ng katawan at nagpalit ng damit bago pa man ako makaramdam ng hindi maganda. Habang nagbibihis ako ay dumating na si Vince na nakapaa na lang, basa rin at puro putik ang suot na damit, nadulas daw siya dahil sa pagtakbo pauwi.

"Kung gusto niyo magkasakit, huwag dito, aalagaan ko pa kayo," pabirong sabi naman ni Carlo.

"Napaka-thoughtful mo naman," sabi ni Vince at pinahiran pa ng putik sa mukha si Carlo.

Naghabulan na ang dalawa at naggantihan. Pumunta naman na ako sa kusina para magtimpla ng kape nang maibsan ang panlalamig ko. Nasa loob na ng bathroom si Vince at si Carlo naman ay pumunta yatang laundry area. Nalagyan ko na ng kape ang mug ko pero hindi ko mahanap ang asukal.

"Vince," tawag ko dito na naliligo pa rin.

"Bakit?"

"Nasaan ang asukal?" Tumawa pa siya bago sumagot.

"Kapag asukal ako talaga eh, nandiyan sa tabi ng thermos" sagot nito.

"Wala naman," sabi ko nang hindi pa rin ito nakikita.

"Ito." Nabigla ako nang iabot sa akin ni Nathan ang garapon ng asukal.

Nagkatitigan pa kami bago nanginginig ang kamay na kinuha ko iyon mula sa kanya. Hindi ko naman namalayan na nakabalik na pala siya.

"Nakalagay sa itaas ng locker ni Vince," sabi pa niya bago pumunta sa comfort room.

"Nakita mo na Geo?" tanong ni Vince na walang kamalay-malay na hawak ko na ang garapon ng asukal.

"Oo, nasa akin na."

Ilang segundo pa akong natulala bago nakapaglagay ng asukal sa mug ko, natauhan lang ako nang pumasok si Carlo sa kitchen mula sa laundry area at binati si Nathan na nasa likuran ko na pala ng hindi ko namamalayan.

Sa dumating na gabi ay tanging sila Vince at Carlo lang ang nagbibigay ng ingay sa room namin. Nakikisali minsan si Nathan sa dalawa at ako naman ay nanatiling nakabalot lang sa kumot habang nakaupo sa bed ko. Nang makaramdam ng antok ay tuluyan na akong nahiga at natulog.

Maganda ang pagsikat ng araw kinabukasan. Hindi nga lang pumasok si Sabrina at ang sinabi lang ni Justin ay nilalagnat ito. Sa lahat ng klase ko sa umaga ay tahimik lang ako dahil may iba rin namang kinakausap si Justin. Ayos na rin iyon dahil nakapakinig ako ng maayos sa lesson namin sa Math.

"Saan ka pupunta niyan?" tanong ni Justin sa akin habang sabay kaming naglalakad sa hallway ng college namin pagkatapos ng pang-umagang klase.

"Hindi ko alam eh, saan mo ba gustong mag-lunch?" tanong ko rin sa kanya.

Huling Awit ng AdarnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon