Kabanata 1

79 4 0
                                    

Mabilis ang mga naging pangyayari, parang isang kisap-mata lamang ang lahat.

"Dito na ang room mo. Bawat room ay may apat na residente, pumili ka na ng bed at locker mo," sabi ng isang dormitory student assistant na naghatid sa akin sa room ko.

Pagpasok ay bumungad sa akin ang dalawang double deck na bed at may dalawang tao nang nag-occupy ng isang double deck.

Ngumiti ako sa kanila at ganoon din sila sa akin. Una kong kinuha ang bakanteng locker at nilagay ang mga gamit doon. Sunod ay kinuha ko na ang dala kong bed foam na nasa harapan ng room namin at inayos ang bed ko. Pinili ko ang nasa taas na parte. Apartment type ang bawat room dito kaya naman may sariling kusina, toilet at bathroom kami.

Pagkatapos maiayos ang lahat ng gamit ay hindi ko na alam kung anong sunod kong gagawin, nahihiya naman ako makipag-usap sa mga makakasama ko rito sa room.

Maya-maya'y narinig kong may nagsasalitang student assistant sa labas, mukhang dumating na iyong huli naming ka-room. Pumasok nga ang isang lalaki na seryoso ang mukha. Hindi siya tumingin sa isa man sa amin na nadatnan niya dito. Iniwas ko na lang ang tingin ko at nag-type ng message para kay Alie.

To: Alie

Tapos ka na ba sa pag-aayos ng gamit mo? Lumabas muna tayo, 'di ko feel 'yong mga ka-room ko.

Dahil kami nga lang dalawa ni Alie ang nakapasa sa university, kami lang din ang magkakilala rito. Naka-dorm din siya at hindi naman ganoon kalayo iyon sa dorm ko. Malaki ang buong university dahil mayroong mga church, ospital, hostel, food court, dry market, food stalls, dorms at ilang boarding houses sa loob nito. Sikat din ito sa buong probinsya namin kaya napili ko talagang dito mag-aral dahil ayaw rin naman ako payagan sa Maynila.

Nang ma-receive ko ang reply ni Alie ay agad na akong bumaba ng bed at naagaw noon ang atensyon ng kadarating ko lang na ka-room na nasa ibaba ng double deck. Ngumiti ako sa kanya at tumango lang naman siya. May pagkasuplado ang dating.

Paglabas ko sa room ay nakita ko pa ang ilang kadarating lang din na mga residente, karamihan ng naglilipat ay mga first year din. Bukas na kasi ang simula ng klase.

"Geo!" tawag sa akin ni Alie at nakita kong may kasama siyang isang babae.

Ang bilis naman niya nagkaroon ng kakilala.

"Ang bilis mo naman nakapunta dito," sabi ko lang.

"Galing lang kami sa food court d'yan malapit sa dorm niyo. Ito nga pala si Risa, ka-room ko." Ngumiti ako kay Risa at ganoon din siya sa akin.

"Tara, maglibot-libot tayo," pag-aaya ko na sa kanila.

"Geo ha, ang daming gwapo dito sa dorm niyo! Sarap maging lalaki tuloy," bigla namang sinabi ni Alie.

"Ang ingay mo, mahiya ka naman," bawal ko lang sa kanya.

"Sus! Ang sungit, pero tuwang-tuwa 'yan deep inside!" pang-aasar pa niya.

Inirapan ko lang siya at nauna nang lumakad.

Kung noon ay sobrang namangha na ako sa unang pagtapak ko sa university na ito, ngayon ay nadoble ang pagkamanghang iyon. Maraming mga halamanan sa paligid at tanim na mga puno kaya naman ang presko. Malinis din ang mga sementadong daan.

"Alam mo Risa, tulong-tulong tayo sa paghahanap ng jowa. Ayokong maka-graduate ng college na hindi man lang nakakalandi rito." Mangha akong napalingon kay Alie.

"Iyan pa talaga ang inuuna mong isipin ha!" pagsisimula ko.

"Bakit? Ayaw mo ba magka-boyfriend?" tanong niya sa akin.

Huling Awit ng AdarnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon