Mga Alaala

41 1 6
                                    

Mabuhay!

Salamat sa matiyagang pagbabasa ng nobelang ito. Ang bawat oras ay mahalaga kaya naman sa pagbibigay mo ng oras para tapusin ito, ibig sabihin lang na isa ito sa pinahahalagahan mo. Huwag pa rin kalimutan na suportahan ang iba pang mga manunulat.

Plot & Story Background

Konting story-telling at story background muna tayo. Ang Huling Awit ng Adarna ay una kong naisip na gawing fantasy, kaso hindi ko maisip kung anong plot ang gagawin, kaya nagdesisyon akong huwag ng fantasy. Tatlong beses kong binago ang plot at main characters hanggang sa maisip ko na si Geo. Ang ilang characteristics ni Geo sa novel na ito ay mga totoo kong ugali na hindi nakikita ng mga kaibigan, kapatid, at ng pamilya ko. Ginamit ko si Geo para mai-express iyon, kaya nga Psychology major din siya kapareho ng course ko. Espesyal ang novel na ito dahil ito ang unang novel ko na Tagalog ang title, tapos ang setting na university ay mismong university na pinapasukan ko (isa siya sa pinaka-malaking university sa Nueva Ecija) at syempre dahil pino-portray ng main character ang ilang ugali ko.

Naisip ko rin na ipakita sa novel na ito ang ibang side ng gay people. Alam natin na mahilig sila magpasaya ng mga tao kahit karamihan sa kanila ay nakararanas ng diskriminasyon. Pero sa novel na ito, ipinakita ko ang serious side at pagiging empathic nila.

Mapapansin din ang kahirapan ng buhay na naranasan ng character. Ginawa ko iyon para ipakita kung gaano ka-optimistic ang mga Pinoy sa kabila ng hindi ganoon kaayos na pamumuhay at kung paano sila gumagawa ng paraan para mabuhay. Thank you rin sa mga magagandang Pilipinong dokumentaryo na nagbigay inspirasyon sa akin.

In general, ginawa ko ang novel na ito para suportahan ang mga gay people, para ipakita na hindi lang tawa ang ibinibigay nila kundi pati inspirasyon. Bukod roon ay gusto ko rin na ipakitang dapat magpasalamat tayo sa lahat ng mayroon tayo at syempre mahalin ang pamilyang nand'yan para gumabay sa atin.

Behind the Chapters

Ngayon naman ay ipapakita ko sa inyo ang ilang behind the chapters ng novel na ito. Ito ang mga magsisilbing alaala ko sa pagsusulat ng Huling Awit ng Adarna.

a. Notes & Inspiration

Ipinakikilala ang pinakamagating kong notebook.

Dito ko isinusulat ang lahat ng idea na pumapasok sa isip ko para sa novel na 'to

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dito ko isinusulat ang lahat ng idea na pumapasok sa isip ko para sa novel na 'to.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Huling Awit ng AdarnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon