Kabanata 5

43 3 0
                                    

Malamig ang loob ng auditorium nang pumasok ang buong block namin. Pinapapirma muna sa attendance bago makapunta sa designated seats. Katulad ng inaasahan ay wala rito sila Sabrina at Justin kaya naman nakihalo na lang ako sa mga pinaka-matatahimik kong kaklase para walang kumausap sa akin buong programa.

Nang makaupo ay nilibot ko ang mga mata sa paligid para hanapin sila Alie at Risa. Hindi ko sila makita kaya naman nag-chat ako na sabihin kung saan silang banda nakaupo. Nagsimula ang programa sa isang dasal at sinundan ng mga karaniwang opening programs sa mga educational institutions. May mga club representatives din na lumilibot at nagpapamigay ng mga pamphlets para sa gaganaping auditions o gagamiting guidelines para makapasok sa organization nila.

"Hello, baka interesado ka?"

Abala ako sa pakikinig sa nagsasalita nang may mag-abot sa akin ng isang pamphlet. Tumingin ako sa nag-aabot nito at nakita si Noel. Nakangiti siya sa akin at nagulat muna ako bago nakabawing ngumiti rin.

"Noel! Akala ko kasama ka nila Sabrina?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ako sumama, mas interesado kasi ako dito," sagot lang niya.

"Ah, sige, thank you!" sabi ko lang at umalis na rin naman siya.

Binasa ko ang nakalagay sa binibigay niya at nakitang para sa mga aspiring student athletes ito na gusto sumubok ng pag-aarnis. Hindi ko naman kakayanin iyon kaya hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin ang pagbabasa nito.

Natapos ang programa sa pagkanta ng hymn ng university. Walang klase buong araw dahil na rin sa meeting ng mga colleges at department. Kaya naman nagdesisyon akong umuwi na ng dorm. Habang naglalakad ay nakita ko hindi kalayuan si Alie na nakikipagtawanan sa mga hindi pamilyar na mukha kasama si Risa. Mga kaklase yata nila ang kasama ng dalawa.

"Alie!" tawag ko sa kanya at agad naman siyang lumingon. Nakita niya ang kinatatayuan ko pero parang hindi niya ako napansin dahil diretso lang sila sa pag-uusap ng mga kaklase.

Malabo na yata ang mga mata ng babaeng iyon. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang chat ko kanina. Delivered ito at kaka-offline lang din ni Alie, pitong minuto pa lang ang nakakalipas. Hahabulin ko na sana sila nang harangin ako ni Vince.

"Saan ka pupunta bata?!" mapagbiro pa niyang sinabi na ang tono ay pangmandurukot.

"Sumama ka sa 'min Geo, punta tayo sa admission," sulpot din ni Carlo sa gilid ni Vince.

Hindi na ako nakatanggi at tumango na lang. Lumingon muna ulit ako sa tinatahak na daan nila Alie, taliwas sa nilalakaran ko.

"Pagkatapos nito bumalik tayo sa dorm, magluluto ako ng adobo," sabi ni Vince.

"Marunong ka?" natatawang tanong naman ni Carlo sa kanya.

"Oo naman! 'Di mo 'ko katulad na may toyo lang sa utak." Naghabulan pa sila at nagsapukan sa gitna ng daan.

Nang huminto sila sa pag-aasaran ay agad din namang sumabay sa akin sa paglalakad.

"Ano bang gagawin natin sa admission?" tanong ko.

"Mag-aapply ng scholarship, ayaw mo?" sagot at pagbibiro ni Carlo.

"Mayaman na kasi si Geo kaya no need!" panggagatong pa ni Vince.

Hindi ko alam kung magandang desisyon ang pagpayag ko sa pagsama sa dalawang ito. Mukha na rin akong may binabantayang makukulit na bata.

"Bakit si Nathan ay hindi niyo rin hinila na pumunta sa admission?" tanong ko ulit.

"Wala! 'Di pumunta sa orientation, may lakad daw siya, sa girlfriend yata."

Tumango lang ako at pumasok na kami sa building ng admission. Pinaglaruan pa ng dalawa kong kasama ang automatic na pinto ng entrance, buti na lang at walang guard dito. Mabilis ang naging proseso dahil fill up at encoding lang ang ginawa. Nagtagal lang kami sa paglalakad pabalik ng dorm dahil nag-photoshoot sila Carlo at Vince sa magagandang spot ng university. Ako na nga ang nahihiya para sa pose nilang hindi ko alam kung matatawag na malaswa o pang-lumuluwag na ang turnilyo sa ulo.

Huling Awit ng AdarnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon