Kabanata 14

40 1 1
                                    

"Kaya pala ayaw mo sabihin sa amin kahapon, gagawa lang pala tayo ng float," sabi ko kay Carlo na abala ngayon sa pagpipintura kagaya ko.

"Kung sinabi ko hindi ka sasama rito, hindi rin sasama si Nathan," sabi lang naman niya at matamis pa akong nginitian.

Tumingin naman ako kay Nathan na hindi kalayuan at abala ito sa paggugupit ng mga rubber na pang-design sa float.

"Hindi nga ako nag-prisinta na tumulong sa float ng college namin eh," pangongonsensya ko naman.

"Huwag ka na magreklamo, may libre naman 'tong lunch. Sobrang dami na rin naman ng populasyon ng college niyo, kayang-kaya na nila iyon," pangangatwiran naman ni Carlo.

"Oo na!" Wala na rin naman akong magagawa at nandito na kami.

"Thank you!" pasasalamat lang naman niya

Seryoso ko lang na pininturahan ang pakpak ng Phoenix na college symbol nila Carlo nang may makatisod sa pintura na malapit sa paa ko kaya natalansikan ito.

"Sorry, di ko sinasadya," paumanhin ng lalaki na hindi ko pa nakikita ang mukha at agad na pinunasan ng basahan ang paa kong natapunan ng pintura.

"Okay lang, ako na diyan." Umupo na rin ako para magkalebel kami nang mukha at kinuha sa kanya ang basahan.

"Wait, ikaw 'yong nakapulot ng survey ko noon 'di ba?" tanong ng lalaki kaya napatingin na rin ako sa mukha niya.

Nakita ko na nga siya, malapit noon sa library. Dito siya nagtatrabaho?

"Ah, oo, hi." Ngumiti pa ako sa kanya at tumayo na rin nang malinis ko na ang paa ko.

"Ako nga pala si Steve, anong pangalan mo?" pakilala niya.

"Geo, kasamahan ako ni Carlo," sabi ko lang naman.

"Kilala mo pala ang Council President namin?" manghang tanong ni Carlo sa akin. Hindi pa pala ito nagtatrabaho, council pala siya kaya iba ang kulay ng ID.

"Nagkita na kami noon kaso hindi ako nakapagpakilala dahil nagmamadali na ako umalis," si Steve ang sumagot kay Carlo.

"Nako, mabait 'tong President namin Geo, baka gusto mo mag-shift sa Tourism," biro pa sa akin ni Carlo.

"Hindi ka namin ka-college? Anong course mo?" gulat namang tanong sa akin ni Steve.

"Sa College of Arts and Sciences ako, BS Psychology," sagot ko naman.

"Ang galing naman, ikukwento ko sa kapatid ko na may nakilala akong Psych major. Sana lang din ay hindi magalit sa 'yo ang Psych Council  na sa amin ka tumutulong," sabi pa ni Steve. Itatanong ko sana ang tungkol sa kapatid niya nang magsalita si Carlo.

"Hindi naman 'yon magagalit, mababait ang mga taga-college nila," singit ni Carlo.

"Ah! May papakilala rin pala ako sa 'yo, nahila ko lang din na sumama rito. Si Nathan," dagdag pa ni Carlo sabay turo sa likuran ko.

"Kilala ko na siya, girlfriend niya ang kapatid ko," sabi naman ni Steve.

Hindi ko napansin na nasa likuran ko na pala si Nathan at sobrang lapit niya sa akin. Ako naman na ang lumayo at ibinaba muna ang brush para hayaan silang tatlo na mag-usap doon.

"Talaga? Small world, nandito pala ang bayaw mo Nathan." Hindi ko na napakinggan ang mga sumunod na usapan nila nang makalayo na ako.

Nakakita naman ako ng isang pusa sa ilalim ng puno malapit sa building kaya nilapitan ko ito agad. Hindi naman ito naging mailap at nagpahawak din sa akin at huni ng huni sa pag-aakalang may ibibigay akong pagkain sa kanya.

Huling Awit ng AdarnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon