Kabanata 28

26 2 0
                                    

Tumingin ako kay Baste nang maisuot niya ang binili kong damit noon para sa kanya. Maaga kaming gumayak para pagdating nina Anne ay aalis na lang kami.

"Ang gwapo ah!" komento ko at inayos pa ang kwelyo ng polo shirt niya.

Hindi na halatang mumurahing damit lang ang suot namin.

Lumabas muna kami ng bahay at pinanood ko si Baste na makipaglaro sa mga kaibigan. Humangin at naramdaman ko ang paghaplos sa palapulsuhan ng makulay na balahibo ng Adarna na nasa bracelet ko. Bahagya kong inangat ang string ng bracelet at nakitang nagkaroon na ako ng tan lines dahil dito.

Nang mapalingon ako sa labasan ng squatters' area ay nagulat pa ako nang makita si Gab doon. Napatayo ako mula sa kahoy na upuan at lumapit naman siya sa gawi ko. May ilang tumitingin sa kanya dahil siguradong kilala siya ng mga ito at anak pa ng Mayor.

"Aalis na ba?" gulat ko pa ring tanong nang makalapit siya.

"Hindi pa tapos ang gathering, umalis lang ako roon." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

Ngumiti lang ako sa kanya at hindi ko alam kung iimbitahan ko ba siya maupo o hindi. Para naman kasing hindi siya sanay sa ganitong lugar.

"Pwede bang samahan mo muna 'ko magpahangin?" tanong niya na ikinagulat ko.

Napalingon ako kay Baste at nakitang nakatingin na rin ito sa amin. Ngumiti lang siya at nag-thumbs up kaya ibinalik ko na rin ang tingin kay Gab.

"Babalik din naman tayo bago dumating sila Anne," dagdag pa ni Gab.

Nalilito tuloy ako sa kanya. Ang alam ko ay ayaw niya sa akin dahil hindi siya nagtitiwala. Pero ngayon, ako pa ang pinakiusapan niya na sumama sa kanya. Huminga muna ako ng malalim at tumango rin naman sa alok niya. Pumunta na kami sa kotse niya at hindi na ako nagtanong pa kung saan kami pupunta. Nalaman ko lang rin nang huminto ang kotse sa parking lot ng isang unibersidad. Sumunod lang ako sa kanya pagbaba namin.

Tahimik siya kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na sulyapan ang paligid. Kung ikukumpara sa unibersidad na pinapasukan ko ay maliit lang ito. Naalala ko tuloy sina Vince at Carlo. Sa palagay ko ay madalas magkausap ang dalawa, iniisip ko lang kung nagtataka na ba sila na hindi na nila ako ma-contact o alam na ba nila na umalis ako sa amin.

Tumingin naman ako kay Gab at nakitang nakatingin din pala siya sa akin. Na-conscious tuloy ako kung anong itsura ko habang iniisip ang mga kaibigan.

"Bakit ka nga umalis sa inyo?" bigla niyang tanong.

"Mahabang kwento at personal," iyon lang ang isinagot ko.

Tumango lang siya at tumingin na ulit sa nilalakaran namin. Naisip ko naman na magtanong sa kanya ngayon.

"Akala ko ba wala kang tiwala sa 'kin. Bakit ako ngayon ang inaya mo rito?" Tumingin siya sa akin saka huminto sa paglalakad.

Huminto rin ako at matapang na humarap sa kanya. Ngayon ay mas napansin kong mas matangkad siya sa akin ng ilang pulgada. Tinaasan ako ng kilay ni Gab bago sumagot.

"Hindi ako madali magtiwala pero hindi naman ibig sabihin no'n na hindi na kita magugustuhan," sagot niya at naglakad na muli.

Para akong kinabahan sa sagot niyang iyon. Bumilis ang tibok ng puso ko kaya hindi pa ako agad nakahabol sa paglalakad niya.

"Tara na!" pag-aaya niya kaya naglakad na rin ako.

May mga nakita kaming ilang estudyante pa rito para sa summer program. Dumaan kami sa canteen at nilibre ako ni Gab ng ice cream. Medyo natawa pa ako dahil hindi ko akalaing sa itsura niyang 'yon ay mahilig siya sa ganitong pagkain. Huminto at naupo naman kami sa bleachers ng oval na may ilang athletes na tumatakbo.

Huling Awit ng AdarnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon