Kabanata 8

32 2 5
                                    

Abala ako sa pagbabasa ng reference book sa library nang may naupo sa tabi ko. Si Sabrina ito at hindi niya kasama si Justin.

"Kaibigan mo ba iyong Charlie sa kabilang block?" tanong niya sa akin.

"Si Alie, oo kaibigan ko," sagot ko naman at sinara na ang librong binabasa.

"Iyon ang kinakawayan mo lagi sa college natin?" tanong ulit niya at tumango lang ako.

"May kailangan ba kayo kay Alie?" tanong ko na.

Huminga ng malalim si Sabrina at isinukbit na ang bag niya.

"Wala naman. Magkita na lang tayo mamaya after ng klase sa student hall," sabi lang niya at iniwan na ako.

Agad akong nag-type ng text message para kay Alie. Hindi ko na siya sa chat tinanong dahil hindi naman niya pinapansin. Hinihintay ko pang mag-reply siya sa pagbabaka-sakaling papasinin niya ako dahil sinabi kong importante ito, pero hindi pa rin ako nakatanggap ng kahit ano.

Pagkatapos ko sa libro ay sinauli ko lang ito sa section na pinagkuhanan ko at lumabas na rin ng library. Matinding sikat ng katanghalian ang bumungad sa akin sa labas at pinangharang ko lang ang palad ko sa init nito.

"Geo! Long time no see," tawag sa akin ni Vince na hindi ko napansing nasa gilid ko at hawak ang cellphone, mukhang may katawagan kanina.

"Baliw, kala mo 'di tayo magkasama sa dorm ah." Tumawa lang siya.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko pa.

"Hinihintay ko si Carlo, nag-chat sa akin na magkita raw kami sa library. Nakita mo ba siya sa loob?" sagot niya at may pinindot-pindot ulit sa cellphone.

"Hindi eh," sagot ko sa tanong niya.

Nagpaalam na rin naman ako na aalis na para sa susunod na klase at kumaway lang naman kami sa isa't isa. Habang naglalakad ay isang malakas na hangin ang umihip at nagulat ako sa isang bond paper na tumama sa mukha ko. Bumagsak din ito sa sementadong daan at pinulot ko para basahin ang naka-print.

"Ah! Thank you sa pagpulot." Biglang sulpot ng isang lalaki sa harapan ko.

Tiningnan ko ang ID niya at iba ang kulay nito, hindi katulad ng sa mga estudyante. Mukhang kaunti lang din ang agwat niya sa edad ko at nagtatrabaho yata siya rito sa university.

"Sa 'yo pala 'to," nahihiyang nakangiti kong sinabi at iniabot na sa kanya iyon.

"Thank you!" pagpapasalamat niya at ngumiti sa akin. Napatulala ako sa pagngiti niya dahil lumabas lalo ang kagwapuhan niya, pamilyar ang pares ng mga mata niya at parang lagi ko itong nakikita.

Ilang segundo rin iyon at natauhan lang ako nang kumaway na siya sa akin para umalis. Umiling-iling naman ako para alisin ang pagkalutang ng isip at nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa building ng klase ko.

Mabilis ang naging klase ko sa hapong iyon dahil sa nagkaroon ng biglaang meeting ang huli naming professor. Hindi pumasok sila Sabrina at Justin kaya naman nag-chat ako sa kanila habang mag-isang naglalakad. Saan naman pumunta ang dalawang 'yon? Napagdesisyunan ko na lang na pumunta na sa student hall dahil doon naman talaga ang usapan namin para sa pag-aasikaso ng group report.

Napili kong dumaan sa gilid ng mga building malapit sa graduation site dahil madalang lang ang mga dumadaan doon kapag hapon. Marami pang nakatanim na puno sa gilid ng konkretong daanan. Sa dulo ng daan ay may nakita akong apat na babae, hindi ko maaninag ang mga mukha nila dahil malayo pa ako pero sa kulay ng suot at gamit na backpack ay alam kong si Sabrina at Justin ang dalawa sa mga babaeng iyon. Nagmadali akong lumapit sa kanila at nagulat sa nasaksihan. Ang dalawa pang babae ay sila Alie at Risa. Itinulak ni Alie si Justin kaya napaupo ito saka sinunggaban ng sabunot, hindi naman alam nila Sabrina at Risa ang gagawing pag-awat kaya lumapit pa ako para makiawat.

Huling Awit ng AdarnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon