chapter 3

160 90 0
                                    

CHAPTER 3

Nang makarating kami sa simbahan ay agad ko siyang hinila papasok sa loob.

"Anong ginagawa natin dito?" tanong niya. Nakasuot pa rin siya ng costume at maskara habang mukha pa rin akong white lady. Mabuti nga at walang misa ngayon kaya wala kaming gaanong tao na nakasalubong, nakakahiya pa man din ang hitsura namin. Para kaming nanggaling sa mga Halloween event.

Pinaupo ko siya sa upuan. "Talk to him," nakangiti kong sabi sa kaniya.

"What?"

Napakamot ako sa ulo ko. "Come on, talk to him." Tumingin ako sa altar. "Noong panahon na hinang-hina na ako, dito ako nagpunta. Sa kaniya ko ibinuhos 'yong galit ko, 'yong sakit na nararamdaman ko. Pati mga desisyon niya nga noon pinagdudahan ko. Pero pagkatapos no'n, naging magaan ang pakiramdam ko." Tumingin ako sa kaniya. "You should talk to him, sa kaniya mo ilabas at ibuhos lahat ng nararamdaman mo."

Bumuntong hininga siya na para bang hindi sang-ayon sa sinabi ko, pero kalaunan ay dahan-dahan siyang lumuhod at taimtim na yumuko. Mukhang nagdadasal siya.

Napasinghap ako nang sunod-sunod siyang humikbi na para bang nauubusan na siya ng hininga. Gusto ko siyang yakapin at patahanin pero mukhang kailangan din niyang mailabas 'yong sakit na nararamdaman niya.

Nang matapos siya sa pag-iyak ay doon ko lamang napagtanto na hapon na pala. Ilang oras na pala kaming nawala sa university. Pasimple akong napakamot sa ulo ko, parehas kaming hindi na nakaabot sa cosplay event. Hays! Bahala na nga. Siguro naman puwedeng mag-special project na lang.

Tumikhim ako. "Ahm, ano, hapon na pala. Baka wala na rin tayong abutan sa school kung babalik pa tayo, maaga rin kasi ang uwian ngayon since program lang. Siguro, umuwi na lang tayo." Marahan siyang tumango sa 'kin. "Saan ang bahay mo?"

"Why?"

"Ihahatid na kita," alok ko sa kaniya. Nagulat ako nang marahan siyang tumawa

"Do I look like a gay to you?" he asked.

I shook my head. "Hindi, nag-aalala lang ako sa 'yo. Mas okay nang may kausap ka hanggang makauwi ka."

"Silly! Ako ang maghahatid sa 'yo." pagkasabi niya no'n ay agad niya akong hinila patayo at dinala sa kung saan.

"Teka saan tayo pupunta? Sabi ko naman sa 'yo kahit bumalik pa tayo sa school ay wala na rin tayong aabutan pa," paliwanag ko sa kaniya.

"I know. Pero 'yong motor ko nakaparada malapit sa school natin." Tinanguan ko na lamang siya kahit hindi naman niya nakikita dahil mas nauuna siyang maglakad. Hanggang ngayon naiilang pa rin ako sa ayos naming dalawa. Isang mukhang white lady at isang mukhang bampira. Ano kayang hitsura niya?

Nang makarating kami sa motor niya ay agad niyang ipinasuot sa akin ang helmet niya. "Wait, paano ka?" tanong ko.

Umiling-iling siya. "Nah, I'm good. Besides, may maskara pa ako-"

"E'di tanggalin mo."

"I can't! I look like a shit right now! Mas okay nang mag maskara na muna ako. Ayokong makita mo 'yong mata ko na namamaga, that's awkward you know. I mean, I don't want you to think that I'm gay."

Kumunot ang noo ko. "At bakit ko naman iisipin na bakla ka?"

He shrugged his shoulder. "Men don't cry"

I rolled my eyes on him. "Geez! You actually believe on that? Pare-prehas lang tayong may puso at nasasaktan, kaya hindi porke umiyak ang lalaki ay bakla na agad."

Hindi na siya umimik pa at inalalayan na lamang ako sumakay sa motor niya bago niya minaneho. Halos mamatay ako sa sobrang kaba dahil pakiramdam ko ay mahuhulog ako. "Sa akin ka kasi kumapit," wika niya at saka kinuha ang kamay ko at ipinulupot sa baywang niya bago niya pinaandar ulit 'yong motor ng mabilis. Hindi ko alam kung talaga bang mabilis 'yon o sadyang hindi lang talaga ako sanay na sumasakay sa motor kaya nabibilisan ako.

Itinuro ko sa kaniya ang daan papunta sa bahay namin. Halos buong biyahe ata kami nag-usap ng kung ano-ano.

"D'yan na lang sa tabi," sambit ko nang makarating kami sa kanto ng bahay namin.

"Saan diyan ang bahay mo?" tanong niya. Itinuro ko ang isang masikip na eskinita. "Sa pinaka dulo ng eskinita na 'yan, malapit na diyan 'yong bahay namin," paliwanag ko. Tumango siya at inalalayan akong makababa.

"Salamat sa paghatid, ah," nakangiti kong saad habang inaabot sa kaniya ang helmet na ipinahiram niya. Muli lamang siyang tumango kaya naglakad na ako palayo, nang bigla na lamang niya akong hawakan sa braso."Bakit?"

"Friends na tayo, hindi ba?"

Tinignan ko ang motor niya. May nakatatak na 'Ducati', alam kong mamahalin iyon. "Mayaman ka ba?" tanong ko na ikinatigil niya .

"P-paano kung sabihin ko na hindi?" tinignan niya ako at mukhang napansin niyang nakatingin ako sa motor niya. "Hiniram ko lang 'yan. So, ahm, paano kung hindi ako mayaman-"

"Then we're friends. Ayoko sa mga mayayaman." Bigla siyang nawalan ng imik. "Look, hindi ko naman nilalahat, pero kasi buong buhay ko wala naman akong nakilala na mayaman at maayos ang trato sa akin. So, no offense sa mga rich kid na 'yan. Pero kasi, para sa akin, kapag mas mayaman, mas masama ang ugali. In short, mas basura ang tingin sa aming mga mahihirap."

"Damn! You're one of a kind. Ang tagal ko nang hinahanap 'yong mga katulad mo." Inilahad niya ang kaniyang kamay sa akin. "So, friends na tayo, Bre?"

"Bre?"

Tumawa siya. "Short for break, 'yong break kasi ng motor ko na ito, sa tuwing nasosobrahan ako sa bilis ng pagpapatakbo, kusa siyang humihinto o nasisira. Para bang pinapahinto ako at sinasabing huwag kong ipahamak ang sarili ko. Parang ikaw lang, siguro kung hindi ka dumating at hindi mo ako pinigilan, baka nga pinahamak ko na ang sarili ko."

Napangiti na lamang ako sa sinabi niya. "Bagay sa 'yo na tawaging 'driver' since kaskasero ka at wala kang pakialam kung maaksidente ka man o mapahamak. So, from now on, I'll call you Ver... short for driver."

Parehas kaming natawa sa kalokohan namin. "But seriously, anong pangalan mo?" tanong niya.

Napatingin ako sa ilang bahay na nakasarado na ang bintana. "Ahm, gusto ko pa sana na makipagkilala sa iyo kaso sigurado akong hinahanap na ako sa bahay. Siguro naman magkikita pa rin tayo bukas or next time sa school. Saka na tayo mag get to know each other." Natawa siya sa sinabi ko.

"Alright! Thanks for today. Sobrang gumaan nga ang pakiramdam ko. See you, when I see you!" paalam niya.

Nang makaalis siya ay muli akong napangiti. Hindi ko siya kilala, ni hindi ko nga nakita ang pagmumukha niya. Pero ewan ko ba kung bakit parang ang sarap niyang kasama.


One Love To Go (PUBLISHED UNDER PIP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon