Buong byahe ako na hindi mapakali, lalo pa't panay ang sulyap sa amin ni Rica habang ngumi-ngisi na para bang nang-aasar. Paminsan-minsan ay nagkakadikit ang kamay namin ni Kevin, hindi ko alam kung aksidente lamang ba iyon o sinasadya niya, pero nagkukunwari na lamang akong wala akong napapansin.
"We're here students! Pakibaba na lang ang mga box para maipamigay na iyan mamaya sa lahat," sigaw ni Mr. Cruz na agad naman naming sinang ayunan at sinunod.
Ako ang pinaka-unang bumaba habang buhat-buhat ang dalawang box, gusto ko na talagang makalayo kay Kevin as much as possible. Sa El nido island resort ang unang destination ng field trip namin kaya naman masaya ang lahat, isa kasi ito sa mga sikat na 'luxury island resort' kaya naman marami raw na magagandang view at amenities ang makikita rito.
Kukuha na ulit sana ako ng another box nang makita kong pababa si Kevin sa bus habang may mga buhat din. "What do you think you're doing?" tanong ko sa kaniya.
He smirked at me. "Trying to impress you, I guess."
"What?"
He just shrugged his shoulder and walked away. Napailing na lamang ako, palala na siya nang palala habang natagal.
"Hoy! Fren, patulong. Mamaya ka na kiligin kay bebe boi mo." Sinamaan ko ng tingin si Rica at agad na inagaw sa kaniya ang box na dala niya. Ang daldal niya talaga.
Nang matapos kami sa pag-ayos ng mga box ay agad na ibinigay sa amin ang card key ng room na nakatoka sa amin. Share kami ni Rica, dahil bawat isang room ay dalawang tao ang magkasama. Well, except kay Kevin dahil siya ang may-ari ng University.
"Grabe, ang sosyal dito. Bawat room may dalawang bed tapos may sarili pang bathroom. Kung tutuusin, puwede na 'tong tirhan ng dalawang tao," namamangha na saad ni Rica na agad ko namang sinang ayunan.Parehas naming inilibot ang buong room hanggang sa makarating ako sa mini terrace nito at tanaw dito ang dagat. Napangiti na lamang ako sa sobrang ganda ng lugar, pero agad din iyon nabura nang mapabaling ako sa katabi naming terrace at makita ko si Kevin na nakatitig sa akin.
"Ang ganda ng view 'no?" nakangiti niya na saad habang nakatitig pa rin sa akin.
"Hoy! Fren, sabi ko halika sa banyo kasi ang bongga ng-ay gwapo!" Hindi na natuloy ni Rica ang sasabibin niya nang makita niya si Kevin na tinititigan ko na rin ngayon. Nahimasmasan na lamang ako nang bigla niya akong sikuhin. "Kaya pala ang tagal mo na dito sa terrace, ah," bulong niya sa akin.
Agad akong umiwas ng tingin at tumikhim. "Mag-aayos pa pala ako ng mga gamit na dala ko," wika ko at agad na pumasok sa loob ng room. What the hell is that? Bakit katabi namin ang room ni Kevin? Sa pagkakaalam ko ay siya ang may pinakamaganda at mahal na room. So, bakit kahilera namin siya?
"You okay? Para kang nakakita ng multo diyan," tanong ni Rica at umupo sa kama niya na katapat ng akin.
"Hindi ka ba nagtataka? Bakit katabi natin ang room ni Kevin? Narinig kong sabi ng iba na ang room daw niya at ang mga kahilera nito ang may pinakamahal na room rates. In short, napunta tayo sa luxury room, paano nangyari 'yon?"
Ngumiti siya ng nakakaloko. "Ewan, basta ang alam ko lang ay iba ang nagagawa ng pag-ibig." Sinamaan ko siya ng tingin at binato ng unan. "Puro ka kalokohan!" sagot ko sa kaniya.
"Ano palang isusuot mo na pang-swimming?" tanong niya sa akin.
I shrugged my shoulder. "Ewan, kahit ano na lang."
Ilang minuto kami nagpahinga saglit bago nagbihis at pumunta sa restaurant kung saan sabay-sabay kaming kakain lahat. Sagot din ng University ang lahat ng kakainin namin.
Halos mahiya naman ako sa suot ko dahil lahat ata ng mga estudyante ay mamahalin ang mga suot. "Ang daming naka-swimsuit. Kainis! Puro mga pa-sexy, ang iitim naman ng kuyukot-" Agad kong tinakpan ang bibig niya, minsan talaga sumusobra ang pagiging madaldal ni Rica.
"Tumahimik ka na nga lang at baka may makarinig pa sa 'yo. Ang mabuti pa, kumain na lamang tayo." Agad kaming kumuha ng makakain namin at umupo sa pinakadulong upuan kung saan medyo malayo sa lahat ng estudyante na nakatingin sa amin ngayon, mukhang kami na naman ang pinagtatawanan."Narinig mo ba 'yong sabi ng ibang mga haliparot? Kaya daw siguro hindi tayo nag-swimsuit dahil puro tayo peklat o bilbil sa tiyan. Isa-isa ko kaya silang sampalin? Mas sexy pa nga tayo sa kanila-"
"Hayaan mo na lang okay? Isipin mo na lang na ang suwerte pa rin natin. Bihira lang ang nakakapunta at nakakakain dito sa resort na ito dahil sa sobrang mahal ng rates. Pero tignan mo, nakapunta tayo dito at nakakain ng libre."
Sasagot na sana siya nang bigla na lamang lumapit sa amin si Chloe. "That's right, mag-enjoy kayo. Tandaan niyo, kami ang mga nagbayad. In short, nakapunta kayo rito dahil sa binayad namin. So, enjoy bitches!" Matapos niyang sabihin iyon ay agad na siyang umalis at pumunta sa buffet table para kumuha din ng pagkain.
Hinakawan ko sa kamay si Rica para pakalmahin siya. "Buwiset! Hello, 'yong University kaya ang sumagot sa atin at hindi ang mga binayad nila! Nakakainis ang kapal ng mukha na pumunta dito para sabihan tayong bitch! Tignan mo nga ang hitsura niya, mukha siyang malanding turon, May pasuot-suot pa siya ng two piece, flat chested naman!"
"Sshh! Ano ba," suway ko sa kaniya, Pinilit na lamang namin na kumain kahit pa dinig na dinig namin ang iba't ibang tukso ng karamihan."Omg! He's so hot."
"Damn! Bakat 'yong abs niya."
"Shit! Ang gwapo niya talaga."
Sigaw ng karamihan nang bigla na lamang dumating si Kevin at dumiretso sa buffet table para kumuha rin ng pagkain."Sana dito siya sa table natin maki-upo."
"Nope, malabo. Gusto niyan palagi mag-isa lang s'yang kumakain."
"Hello! Wala naman kasi atang nababagay na tumabi sa kaniya."
Nagpatuloy lamang ako sa pagkain na para bang walang pakialam sa nangyayari sa paligid. Nang bigla na lamang lumapit sa amin si Kevin at nakiupo sa mismong table namin.
Halos masamid ako sa sobrang gulat, mabuti na lamang at inabutan ako agad ni Rica ng tubig. "What the hell are you doing here?" halos pabulong ko ng tanong.
Luminga sya sa paligid. "Bakit may nakaupo ba dito? Bawal ba dito Miss..." Tumingin siya kay Rica.
Agad na umiling ang baliw kong kaibigan. "Rica, I'm Rica. And no, walang nakaupo diyan, echosera lang itong bespren ko."
Napapikit na lamang ako ng mariin at binilisan ang pagkain nang biglang magsalita ulit si Kevin. "I don't like what you're wearing, Bre." Alam kong ako ang kinakausap niya.
"What?" mataray kong tanong.
"Masyadong maiksi ang short mo. Hindi maganda na nagsusuot ka ng ganiyan at baka dumami pa ang kaagaw ko."
"Puwede ba tigilan mo ako sa mga trip mo?"
"I'm dead serious!""Woah! Chill lovebirds, baka ma-tsismis kayo na may LQ kayong dalawa," suway sa amin ni Rica.
Napairap na lamang ako sa hangin at akmang magsasalita na ulit ako nang bigla na lamang lumapit si Chloe at malanding hinawakan si Kevin sa balikat. "Hey, anong ginagawa mo dito? Sa table ka na lang namin kumain-"
"Leave me alone, Chloe," madiin niyang saad saka ako tinitigan ng nakakaloko. "Besides, ayoko ng turon," dagdag pa niya.
"Pftt! Hahaha," malakas na halakhak ni Rica. Nasapo ko na lamang ang noo ko. Sumasakit ang ulo ko sa dalawang ito
BINABASA MO ANG
One Love To Go (PUBLISHED UNDER PIP)
Teen FictionHighest Rank Achieve; #1 Chicklit Noon pa man ay itinatak na ni Iris Morgan sa kaniyang isipan na walang magandang maidudulot ang mga mayayaman: dahil kapag mas mayaman, mas basura ang tingin sa mga mahihirap. Namuhay siyang simple at kontento na s...