Matapos ang gabing iyon ay hindi na naman ako nakapasok dahil muli na naman ako inatake ng hika ko.
"Ayan ang sinasabi ko! Bakit kasi pinapasok mo pa ulit iyan?!"
"Bakit sa akin na naman napunta ang sisi, ah?!"
"Saan tayo kukuha ng pera kapag nagpatuloy pa 'yong pag sumpong ng sakit niya?"
Napapikit ako ng mariin at tinakpan na lamang ng unan ang tenga ko. Ilang saglit pa ay tuluyan na silang nanahimik at saka ako nakarinig ng katok. Sa isiping baka si Rica iyon ay agad akong lumubas ng kwarto "Ako na po ang magbubukas," saad ko bago dumiretso sa pintuan at binuksan ito.
"Hindi ka ba pumasok ngayon Rica-Anong ginagawa mo dito?" gulat kong usal at halos manlaki ang mata ko nang tumambad sa akin si Kevin na may dala-dalang plastic na puno ng mga pagkain.
"You look pale, Bre," he said worriedly.
"I don't need you here. Umalis ka na." Isasara ko na sana ang pinto nang bigla na lamang niyang iharang ang paa niya.
"Ouch! Fuck!" daing nito at agad naman akong nataranta kaya pinapasok ko siya at ipinaupo sa loob.
"Bakit ba kasi ang kulit mo, ah?" naiinis kong saad bago ko hinubad ang sapatos na suot niya at saka sinuri kung nagkaroon ba siya ng sugat. Sinamaan ko siya ng tingin nang makita kong mukha namang maayos ang paa niya.
Itinaas niya ang kaniyang dalawang kamay na para bang sumusuko. "Hey, chill! masakit talaga 'yong pagkaka ipit ko, ah."Inirapan ko lamang siya at umupo sa tapat niya. "Ano ba kasing ginagawa mo dito?" tanong ko at nang akmang sasagot na siya ay bigla na lamang sumulpot ang pamilya ko.
"Ano ito? Bakit may lalaki dito?" galit na sigaw ni Papa.
"Huminahon ka nga, Ernesto!" Bumaling sa akin si Mama."Sino ba ang lalaking iyan, Iris?"
Nakagat ko ang labi ko. Magsasalita na sana ako kaso inunahan ako ni Kevin. "Kaibigan po ako ni Iris"
Kumunot ang noo ni Papa. "Kaibigan lang?"
Saglit na natigilan si Kevin at napakamot sa batok. "Ahm, opo magkaibigan lang po kami. Pero hindi na po ako magsisinungaling, gusto ko pong manligaw sa anak niyo."
"Kevin!" sigaw ko. Agad kong tinignan ang reaksyon nila Mama at Papa at agad akong kinabahan nang makitang sumeryoso pa lalo ang hitsura ni Papa.
"Ngayon ka lamang pumunta dito at gusto mo na agad manligaw sa anak ko?" pabalang na saad ni Papa.
"Pasensya na po, alam ko pong mabilis pero matagal ko na po kasi talagang mahal ang anak niyo, Sir. Hindi ko na po kaya na pakawalan pa siya."
Naiyukom ko ang kamao ko. Habang tumatagal ay mas kinakabahan ako. Nagulat na lamang ako nang marinig kong humalakhak si Mama. Ngayon ko na lamang ulit narinig na tumawa siya ng gan'yan. "Narinig mo 'yon, Ernesto? Gan'yan na gan'yan din ang sinabi mo noon sa magulang ko, mas malala ka nga lang dahil kasal na agad ang hinihingi mo." Mas ikinagulat ko ang pagngisi rin ni Papa dahil sa sinabi ni Mama.
"Samahan na muna kita sa palengke, Marta." Bumaling ng tingin si Papa kay Kevin. "At ikaw... huwag kang aalis hangga't hindi pa ako nakakabalik. Mag-uusap pa tayo ng masinsinan!"
Agad namang tumango si Kevin at sabay naming pinanood ang pag-alis nila Mama at Papa."What now?" tanong ka sa kaniya.
"Aren't you hungry? May mga dala-dala akong pagkain at energy drink. Bumili rin ako ng nebulizer solution, pero hindi ko alam kung ano ang ginagamit mo dito kaya bumili na ako ng iba't ibang brand."
"Paano ka naman nakabili ng nebulizer solution? May hika ka rin ba? Saka teka nga... paano mo nalaman na may sakit ako?"
He shrugged his shoulder. "Rica told me-I mean, I bribed her that's why she told me your address and she said that you're sick." Sasagot pa sana ako nang bigla na lamang sumakit ang ulo ko. "You okay?" Inilapat niya ang palad niya sa noo ko. "Sh*t! You have a fever."
I gasped when he carried me bridal style. "Where's your room?" Ilang segundo akong natulala bago ko itinuro ang kwarto ko. Marahan niya akong ipinahiga sa kama. "Take a rest for a while, ipaghahanda lang kita ng makakain mo." Hindi na ako nakipagtalo pa.
Matagal din akong naka tulog bago ko naramdaman na tumabi sa akin si Kevin. "Nakaidlip ka ba?" Tumango ako sa kaniya bilang sagot, dahan-dahan akong umupo at doon ko lamang napansin na may hawak na siyang lugaw na nasa tasa.
"Ikaw ang nag luto niyan?" tanong ko.
Alanganin siya na ngumiti. "Yeah, ahm, sorry kung medyo natagalan. Bumili pa kasi ako ng ibang ingredients sa pinakamalapit na super market dito sa inyo." Napansin niya ata ang pagtitig ko kaya agad na kumunot ang noo niya. "Why are you looking at me like that?"
"Nothing." I shook my head. "A-akala ko lang lahat ng mayaman ay hindi marunong magluto."
He chuckled. "I'm not one of those immature rich kid, Bre."I just shrug. Kukuhanin ko na sana sa kaniya ang lugaw nang siya na mismo ang magsubo sa akin no'n. "Kaya ko naman kumain ng mag-isa-" Napahinto ako saglit. "Ang sarap," wala sa sarili kong saad na ikinatawa niya. "So, puwede na ako mag-asawa?" tanong niya na agad ko namang tinanguan. "Okay then, just tell me when you're ready to get married. Para makapag asawa na ako." Halos maibuga ko ang kinakain ko kaya naman tinampal ko siya ng malakas sa kaniyang balikat.
"Ano ba, puro ka banat. Ang corny mo. Saka hello! Gusto ko twenty-eight na ako bago ako ikasal. Puro ka talaga kalokohan," pagtataray ko kahit ang totoo ay nangi-ngiti na ako.
"I'm dead serious." He kissed my forehead. "I love you, Bre...so damn much and I'll do everything to steal your heart."Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko kaya naman agad akong nag-iwas ng tingin pero agad din niyang hinawakan ang baba ko at muli niya akong ipinaharap sa kaniya. "Kumain ka pa, kailangan mo ng lakas."
Bigla akong napatingin sa noo niya na puro na pawis. "You're sweating." I sighed. "Puwede ka ng umuwi, Kevin. I'll be fine. Masyadong mainit at masikip dito sa amin-"
"Kung magiging mag-asawa tayo, kahit wala tayong bahay ayos lang, basta ba kasama kita araw-araw."
Napailing na lamang ako puro talaga kalokohan ang isang 'to.
BINABASA MO ANG
One Love To Go (PUBLISHED UNDER PIP)
Teen FictionHighest Rank Achieve; #1 Chicklit Noon pa man ay itinatak na ni Iris Morgan sa kaniyang isipan na walang magandang maidudulot ang mga mayayaman: dahil kapag mas mayaman, mas basura ang tingin sa mga mahihirap. Namuhay siyang simple at kontento na s...