Halos tanghaling tapat pa lang ay nambubulabog na si Rica.
"Akala ko ba 6 pm pa 'yong prom? Nakit nag-aayos na tayo?" tanong ko
Umirap siya sa hangin habang ipinapagpag ang makeup brush na hawak niya "Fren! Mahirap din mag makeup, ah! Kailangan nating agahan para siguradong hindi tayo male-late." I just shrug."Saan mo naman pala nahiram 'yang mga dress na 'yan?" turo ko sa dalawang tube dress na magkahawig ng style pero magkaiba ang kulay. Ang isa ay kulay yellow at may slit sa gitna, habang ang isa naman ay black at nasa gilid ang slit
"Binili ko 'yan dati sa UK, ang ganda hindi ba? Mukha siyang imported"
"UK? United kingdom?"Mahina niya akong binatukan. "Gaga! Ukay-ukay, I mean. Saan naman ako kukuha ng pera papuntang United kingdom?"
"Malay ko ba-teka nga! hindi ba ako mag mukhang ewan d'yan sa dress na iyan? Eh, parang sa'yo lang babagay 'yan, eh." Sinamaan niya ako ng tingin. "Fine! Wala na akong sinabi."
Nang matapos siya sa pagme-makeup sa akin ay agad niya nang ipinasuot sa akin ang isa sa mga dress na dala niya.
"Mas babagay sayo 'yang yellow dahil mas maputi ka," paliwanag niya habang inaalalayan ako sa pagsuot ng dress. "Damn! Mas lalo kang pumuti tignan, kainis! Ang ganda mo!"
Naiiling kong tinignan ang sarili ko sa dala niyang salamin at halos hindi ko nakilala ang sarilo ko. "Geez! Ang galing mo mag-ayos. Gumanda ako tignan."
"Gaga! Matagal ka ng maganda, sadyang hindi ka lang pala-ayos kaya ka natatawag na manang." Hindi na ako umimik pa at muling tinignan ang sarili kong repleksyon. Tama nga siya, mas pumuti ako na tignan. Hapit na hapit din sa akin ang dress kaya nagmukha akong payat lalo.
Halos 4:30 p.m. na kami natapos sa pag-aayos dahil kinulot pa ni Rica ang mga dulo ng buhok namin.
"Omg! Para tayong magandang Kambal!"
"Bakit may kasama pang maganda?" Inirapan niya ako na ikinatawa ko. "Fine! Oo na, mukha na tayong magandang kambal. Pero ipapaalala ko lang na 4:30 na at kapag hindi pa tayo umalis ay baka ma-late na tayo."
Pagkasabi ko no'n ay agad niyang inayos ang mga gamit niya at hinila na ako palabas ng bahay.
Pansin ko ang panaka-nakang sulyap ni Rica sa akin. "Bakit ba kanina ka pa sumusulyap sa akin?" tanong ko nang makarating na kami sa University.
"Wala ang ganda mo kasi! Na-realize ko lang na mas bongga ka pa tignan kaysa sa mga ka schoolmates nating mayayaman nga pero wala namang ganda." Madiin kong kinurot ang tagiliran niya kaya naman napahiyaw siya ng malakas. "Puro ka kalokohan! Tara na nga."
Halos hindi ako mapakali nang makapasok kami sa loob. Hindi ko alam kung anong uunahin ko isipin, kung 'yong mga tao ba na panay ang sulyap sa amin ni Rica o ang isiping baka bigla na lamang sumulpot si Kevin. "Magkano kaya 'yong tinitinda nilang mask?" pabulong kong tanong kay Rica.
Agad niya akong tinaasan ng kilay. "Hoy, babae! Sobara akong nahirapan ako sa pag makeup sa'yo tapos itatago mo lang sa maskara? Hell no!" Napakamot na lamang ako sa batok at hindi na umimik pa. "Sino kaya ang magiging first dance natin?" saad ni Rica habang umiinom ng mga drinks na ibinibigay ng waiter. "Grabe! Ang sosyal talaga dito sa University natin, para tayong nasa five star hotel."
Napa iling na lamang ako at hindi na pinansin ang mga pinagsasabi niya. Halos mag-iisang oras na akong nakaupo lang sa tabi at nakamasid sa paligid, habang si Rica naman ay nakikipag sayaw sa mga nag-aaya sa kaniya."Something is fishy, parehas naman tayong ubod ng ganda pero bakit walang gustong makipag sayaw sa 'yo kahit isa?" nagtatakang sambit ni Rica nang makabalik siya sa table namin.
"Ano ka ba, don't mind me. Bumalik ka na doon at marami pang gustong makipag sayaw sa 'yo," pagtataboy ko sa kaniya.
Ngumuso siya. "Aish! Fine, pero promise babalik din ako agad para may kasama ka na dito, masakit na rin paa ko, eh."
Nginitian ko lamang siya at muling pinagmasdan ang paligid nang bigla na lang may sumulpot na lalaki sa harapan ko. Naka coat at mask siya pero halata ang pagiging matikas ng pangangatawan niya.Napapikit ako ng mariin nang bigla na lang dumagundong sa kaba ang dibdib ko. Aish! Ang paranoid ko na yata, hindi lang naman si Kevin ang may matipunong pangangatawan, hindi ba?
"May I have this dance?" hindi ko masyadong marinig ang boses niya sa sobrang ingay ng tugtog sa paligid pero halata naman na gusto niyang makipag sayaw, tatanggi na sana ako nang makita ko si Rica na binibigyan ako ng 'Go with it' look.
"Ahm, sure." Agad kong tinanggap ang kamay niya at sabay kaming naglakad papunta sa dance floor. Parehas kaming walang imik pero halos mailang ako dahil ramdam ko ang titig ng lalaki sa akin.
Nang magkadikit ng sobra ang katawan namin ay agad kong nalanghap ang pabango niya na pamilyar sa akin. Agad akong lumayo ng kaunti. "K-kevin?" nauutal kong saad.
"I miss you, my Bre," nakangisi niyang saad.
Nanlaki ang mata ko at bago pa siya muling magsalita ay agad na akong naglakad palayo. Balak ko na sanang lumabas para makauwi na nang bigla na lamang isara ng mga guard ang pinto ng event hall kung nasaan kaming lahat, mayroon ding mga lalaki ang humarang sa harapan ko."Stop right there!" sigaw ni Kevin na ngayon ay nasa stage na at may hawak ng microphone. Halos lahat ata ng mata ay nakatingin sa amin. "You owe me a lot, Iris. I've been in hell because of you, isang linggo akong balisa at walang maayos na pahinga na para bang may nanakaw sa akin na kayamanan." Hinuli niya ang mga mata ko at marahan na ngumiti. "Ngayon ko lang napagtanto na tama ka sa palagi mong sinasabi. We can't be friends, Iris."
Parang bumigat ang paghinga ko sa sinabi niya. Lalayuan niya na ba ako? Iyon naman ang gusto ko pero bakit parang nasasaktan ako?
"Pagod na ako na palagi mo na lang ako pinagtutulakan palayo." Saglit siyang huminto. "I won't let you go this time, Iris." He smirked at me. "Naalala mo pa noong sinabi ko na liligawan kita para maging kaibigan ko? Well sorry, but I already changed my mind. Simula ngayon liligawan kita hindi para maging kaibigan ko. I'm gonna court you to be my girlfriend. You can reject me all you want Iris, but this time, I'll double my effort just to make sure that you'll be mine and mine alone." Lahat ay napasinghap at napanganga sa sinabi niya.
Hindi ko namalayan na nanginginig na pala ako at nag uumpisa nang tumulo ang luha ko. Nang makita kong bumaba siya sa stage at balak niya na akong lapitan ay agad kong tinulak ang mga nakaharang sa harap ko at tumakbo palabas sa lugar na iyon.
Lakad, takbo ang ginawa ko hanggang sa naramdaman kong kinakapos na ako ng hininga kaya agad akong napahinto. Nang makabawi ay sinubukan ko na ulit maglakad pero agad akong napahiyaw nang bigla na lamang may yumakap sa 'kin ng mahigpit mula sa likod. "I'm not gonna let you go, Iris. I'll chase you down until you realized that you are stuck with me."
Marahas akong umiling habang sinusubukan kong makawala sa pagkakayakap niya. "N-no! Let me go!"
"Nah, you can't change my mind. Kung gusto mo talagang umiwas at tumakbo ay hindi kita pipigilan. Pero umasa kang para akong aso na susunod nang susunod sa 'yo at hindi ka hahayaan na makawala pa." Agad akong napasinghap nang basta na lamang niya akong ipaharap sa kaniya. "You're stuck with me, Iris and I won't stop until I make you mine." Then he kissed me passionately.
BINABASA MO ANG
One Love To Go (PUBLISHED UNDER PIP)
Teen FictionHighest Rank Achieve; #1 Chicklit Noon pa man ay itinatak na ni Iris Morgan sa kaniyang isipan na walang magandang maidudulot ang mga mayayaman: dahil kapag mas mayaman, mas basura ang tingin sa mga mahihirap. Namuhay siyang simple at kontento na s...