Ilang araw na kaming parang nagtataguan ni Kevin, sa tuwing nakikita ko siyang papalapit sa akin ay agad akong magtatago habang s'ya naman ay patuloy na hanap nang hanap sa akin.
Habang tumatagal ay mas lalo akong nakakaramdam ng takot, lalo pa't pakiramdam ko ay nakakahalata na ang karamihan sa madalas na pagsunod sa akin ni Kevin.
Walang araw na hindi ako tinantanan ni Kevin. Bawat araw ay ibat-ibang surpresa ang ginagawa niya para lang mapapayag ako na maging magkaibigan kami at huwag ko siyang iwasan.
"Ano na naman ba ito?" wala sa sarili kong saad nang tumambad sa akin ang sampung libro at tatlong rosas sa loob ng locker ko.
"Mahalig ka raw sa libro, especially romance novel. So, I bought you those books." Hindi na ako nagulat nang bigla na lamang sumulpot sa tabi ko si Kevin.
Napapikit ako ng mariin. "Kevin, please! Just stop this. Hindi na nakakatuwa. Baka mamaya isipin pa ng iba na nililigawan mo ako dahil sa mga kung ano-anong ginagawa mo-"
"Nililigawan naman talaga kita."
"What?" gulat kong usal.
"Hindi ba't kaya nga tayo nanliligaw para mapapayag sa gusto natin o mapasagot ng 'oo' ang isang tao? Since you still want to avoid me, then I'll do everything I can, para lang mapapayag kita na makipagkaibigan sa akin at hindi mo na ako iwasan pa."Napasapo na lamang ako sa noo ko. "Kevin, sinong baliw ang manliligaw para lang maging kaibigan niya ang isang tao-"
"Ako," putol niya sa sasabihin ko.
Naiiling kong inabot sa kan'ya ang mga libro na inilagay niya sa locker. Hindi ko alam kung paano niya nabuksan ang locker ko. Pero kung sabagay, anong hindi mo kayang gawin kung ikaw ang anak ng may-ari? "My answer is still no, so please! Tigilan mo na lang ako. Hindi ko talaga kayang makipagkaibigan sa 'yo."
Muli ko siyang tinakbuhan kahit alam kong mayamaya lang ay susulpot na naman siya sa tabi ko. Balak ko na sanang pumunta sa tambayan ko sa likod ng field nang bigla akong makarinig ng hagulgol.
"Buwiset naman, oh! Letche kayong lahat. Ang aarte n'yo! Mamatay na kayo!" narinig kong sigaw ng isang babae habang nakaupo sa hindi kalayuan at umiiyak, nakatalikod siya sa puwesto ko kaya hindi n'ya ako nakikita.
Dahan-dahan ko siyang nilapitan at marahan na hinawakan sa balikat. "Miss, okay ka lang ba-"
"Ano, ha? Sino ka? Gusto mo rin ng away?" Nagulat ako nang bigla na lamang siyang lumayo sa akin at itinaas ang kamao na para bang dine-depensahan ang sarili niya sa akin.
"H-hey, I just want to help. Narinig kasi kitang umiiyak. Ayos ka lang ba?"
Ilang segundo s'yang hindi umimik bago niya pinunasan ang luha niya at nagsalita. "Ganito ba talaga dito? Puro mga maldita ang mga tao. Kung alam ko lang na ganito, e'di sana hindi na lang ako lumuwas dito sa maynila para makapag kolehiyo at nanatili na lang sana ako sa bukiran."
Unti-unti kong naunawaan kung bakit siya umiiyak "Binu-bully ka rin ba nila?"
Tumango siya. "Oo, buwiset sila! Porke marami sila-teka! Ikaw ba, ano, ah. Bully ka rin ba? Magsabi ka na at hindi rin kita uurungan." Muli niyang itinaas ang kamao niya at umamba na para bang susuntukin ako."Calm down! I'm not one of them... actually katulad mo ako, isa ako sa mga binu-bully nila." Tinitigan ko siya sa mata. "Dapat masanay ka nang kapag mayaman ay basura lamang ang tingin sa mga mahihirap. So, it'll be better kung iiwasan mo na lang silang lahat."
"Gano'n ba talaga 'yon?" Tinanguan ko siya "Eh, ikaw? Mayaman ka rin ba?" Umiling ako "Buti naman. So, puwede tayong maging friends?"
Nangingiti ko siyang tinanguan. "Kung gusto mo bakit hindi? Ni wala nga akong kaibigan dito, eh. I'm Iris by the way, Iris Morgan." Sabay abot ko ng kamay ko.
"Rica Tarayao, pero kung nahahabaan ka kahit 'ganda' na lang ang itawag mo." Halos sabay kaming natawa sa kalokohan niya. "Teka fren, baka naman alam mo kung saan ang pinaka malapit na restroom dito? Kanina pa ako naje-jebs, eh"
"Tara, samahan na kita." Agad ko siyang inihatid sa pinakamalapit na Ladies Room. "Malapit na dito ang cafeteria. Pagkalabas mo, dumiretso ka na lang doon at hihintayin na lang kita." Tinanguan niya ako kaya agad na akong dumiretso sa cafeteria para hintayin siyang matapos.
Pero makalipas ang ilang minuto ay wala pa ring Rica ang dumating. Naligaw ba siya? Agad akong tumayo at bumalik sa Restroom kung saan ko siya iniwan. Malayo pa lang ay dinig ko nang mayroon nag-aaway.
"Matapang ka, ah!"
"Talagang matapang ako! Buwiset kayo. Akala niyo porke mayayaman kayo ay magpapa-api na lang ako? Ano, ha? Sige, kung gusto niyo ng away, hindi ko kayo uurungan!" boses iyon ni Rica.
Nagmamadali akong pumasok sa loob ng restroom at gano'n na lamang ang gulat ko nang makita ko si Rica na basang-basa habang nakikipag sabunutan kina Chloe at ang mga kaibigan nito.
Napabaling sa akin si Chloe. "Oh, girls. Look who's here! The other nerd." Sabay-sabay silang nagtawanan. Lima silang babae kaya kung tutuusin, wala talaga kaming laban ni Rica.
Agad akong lumapit kay Rica na ngayon ay nakaupo na sa sahig. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ng palda ko at agad kong pinunasan ang mukha niya na nabasa. "Oh, so, she's your friend, Nerdy?" mapang-uyam na tanong ni Chloe na tinanguan ko na lang.
"Ano ka ba, Chloe, can't you see? Parehas sila na hampas lupa, so obviously, magkakasundo silang dalawa," saad ng isa sa mga kaibigan nito at sa pagkakatanda ko ay Zyra ang pangalan. Sabay-sabay silang naghalakhakan.
Agad na tumayo si Rica. "Hoy! Kayong mga impakta kayo, huwag niyong idamay dito ang kaibigan ko, ako ang harapin niyo. Mga letche kayo!" sigaw nito. Agad ko naman siyang hinawakan sa braso para pigilan siya na sugurin sina Chloe.
"Oh, isn't she sweet, Iris? Ipinagtatanggol ka ng loser friend mo-ahhhh." Nagulat ako nang bigla na lamang makawala sa pagkakahawak ko si Rica at agad na sinabunutan si Chloe, pero dahil lima sila ay mas dehado si Rica.
"Tama na!" sigaw ko at isa-isa silang itinulak. Agad kong niyakap si Rica para iharang ang katawan ko. Pumikit ako at nag-antay na makaramdam ng sakit sa gagawin nila. Pero makalipas ang ilang segundo ay walang nangyari.
"K-kevin?"
"Prince K-kevin?"
Sa pagbanggit ng pangalan na iyon ay agad akong nagmulat ng mata at lumingon. Nasa labas ng pintuan si Kevin habang nakatitig sa aming lahat at madilim ang anyo.
"Trying to hurt my girl? Go on, give it a try... then I'll kill you all!" he said firmly.
BINABASA MO ANG
One Love To Go (PUBLISHED UNDER PIP)
Novela JuvenilHighest Rank Achieve; #1 Chicklit Noon pa man ay itinatak na ni Iris Morgan sa kaniyang isipan na walang magandang maidudulot ang mga mayayaman: dahil kapag mas mayaman, mas basura ang tingin sa mga mahihirap. Namuhay siyang simple at kontento na s...