Chapter 11

107 48 0
                                    

"So ano na ang ganap?" tanong ni Rica habang nag-aayos kami ng mga libro dito sa library.

"Anong ganap ang sinasabi mo diyan?"

"Sus! Deny ka pa, para namang hindi ko napapansin na hindi mo na siya iniiwasan. Tell me, na fall ka na rin ba sa kaniya?" mapang-asar niyang tanong.

"Geez! Puwede ba umayos ka nga, puro ka na naman kalokohan, eh," suway ko sa kaniya na ikina simangot niya.

"Nakiki-chika lang, eh," saad niya.

"Alam mo, ewan ko sa 'yo! Ang mabuti pa, asikasuhin mo 'yong mga estudyante doon sa counter at baka may mga hihiramin sila na libro. Ako nang bahala mag linis dito." Nailing na lamang siya sa sinabi ko bago tuluyang umalis.

Ipagpapatuloy ko na sana ang pag-aayos ng mga libro nang bigla na lamang may magsalita sa likod ko. "Iyong puso ko miss, nahulog din. Baka puwedeng pakidampot din."

Boses pa lang ay alam ko na agad kung sino. "Kevin, I'm busy," masungit kong saad pero napasinghap na lamang ako nang hilahin niya ako sa pinakatagong bookshelf at yakapin sa likod.

"Palagi ka na lang busy, huwag kang masyadong magpagod. Kahit naman hindi ka na magtrabaho ay kaya pa rin kita buhayin."

Agad akong kumawala sa yakap niya at pilit na pinipigil ang ngiti na gustong kumawala sa labi ko. "Heh! Tigilan mo nga ako, baliw ka na-"

"Matagal na akong baliw sa 'yo, Bre." Halos mamula ako sa sinabi niya kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ako nakikipag biruan sa 'yo, ah!" giit ko.

Ilang oras akong parang kiti-kiti na nagpipigil ng kilig dahil sa mga kalokohan ni Kevin. Mabuti na nga lang at dumating ang mga basketball player ng school namin, si Kevin ang Captain ball nila.

"Damn! Wrong timing." Napakamot siya sa batok. "I'll see you later, my Bre. Kapag maaga natapos ang practice namin, sabay na tayo kumain, ah?" Hindi ko na siya pinansin pa at nang makaalis siya ay nagsimula na ulit ako sa pag-aayos ng mga libro.

"Grabe ang dami nating homeworks ngayon nakakabanas!" reklamo ni Rica. Nasa cafeteria kami ngayon at nagpa-part time dahil katatapos lang din ng klase namin.

"Iris, Rica, magpahinga na muna kayo," saad ni Aling Enang at pinaupo kami sa isa sa mga table dito sa cafeteria. Mayamaya pa ay naglapag siya ng mga pagkain sa harap naming.

"Teka ano po ito?" tanong ko.

"Binilin 'yan sa 'kin. Ibigay ko raw sa inyong dalawa at siguraduhin ko raw na kakainin n'yo."

"Kanino po galing?" sabat ni Rica.

"Ang bilijn sa akin, sabihin ko na lang daw na galing sa future boyfriend ni Iris at itago na lang daw natin siya sa pangalang 'Ver' "

Halos tumili na si Rica sa kilig nang mapagtanto niya kung sino ang sinasabi ni Aling Enang.

"Ikaw ah! Ang haba ng buhok mo fren. Masyado nang patay na patay sa 'yo ang bebeboi mo, at talagang pinabibilinan ka pa ng pagkain." Napailing na lamang ako at palihim na napangiti.

Agad naming tinapos ang pagkain at bumalik sa pagtatrabaho nang bigla na lamang may lumapit na tatlong lalaki na estudyante sa akin.

"Ikaw ba si Iris Morgan?" tanong ng isang lalaki na ngayon ko lang nakita.

"Ahm, ako nga bakit?"

"Pinapatawag ka ni Mr Arnold, mag part time ka raw sa swimming pool area. Pakilinis daw ang mga kalat doon," paliwanag nito. Si Mr Arnold ang pinaka head at handler ng mga working student, s'ya ang nagde-decide kung saan o ano ang part time job ang gagawin ng estudyante dito sa loob ng University.

"Ah, sige po, magpapaalam lang po ako saglit kay Aling Enang." Tumango sila at nang pinayagan ako ni Aling Enang ay inihatid na rin nila ako sa Pool Area.

Pero agad din na nagsalubong ang kilay ko nang makitang wala namang dumi o kalat ang pool at wala ring katao-tao.

"So, the bitch is finally here!" Napapitlag ako nang may magsalita sa likuran ko.

"Chloe? Anong ibig sabihin nito?"

Tumawa siya ng pagak. "Akala mo siguro ay hindi ko malalaman ang mga katarantaduhan na ginagawa mo?" Pinakatitigan niya ako mula ulo hanggang paa. "Noong una, hindi ako naniniwala sa mga sabi-sabi na naririnig ko. Pero sinong mag aakala na ang manang at dukha na katulad mo ay makakayang landiin ang isang Kevin Wilson?"

Agad akong napalunok. "C-chloe, let me explain-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla na lamang niya akong sampalin ng malakas.

"Stupid bitch! Akala mo siguro hindi ko malalaman na nilalandi mo si Kevin!"

"No! Hindi ko siya-" Muli niya akong sinampal kasama ang envelope na kanina niya pa hawak. Nagkalat ang mga litrato sa sahig at halos manlaki ang mga mata ko nang makita ang nasa larawan.

Lahat ng mga iyon ay picture namin ni Kevin na magkasama.

Napahiyaw ako nang bigla na lamang higitin ni Chloe ang buhok ko. "He's mine slut! So stay away from him!" Marahas niya akong itinulak at hindi pa man ako tuluyang nakakatayo nang bigla na lamang lumapit sa akin ang mga lalaking naghatid sa akin dito. "Go on! Gawin niyo na. I don't care kung mamatay ang isang 'yan."

Halos atakihin na ako ng hika sa sobrang kaba. "No! Chloe, don't do this. Please, kailangan pa ako ng pamilya ko."

"Sana naisip mo 'yan bago mo nilandi si Kevin!"

Nagulat ako nang bigla na lamang nilang lagyan ng kadena ang paa ko. Sobrang bigat no'n dahil may bato na nakasabit sa kadena.

"Chloe please-No!" pilit akong kumakapit sa kanila pero sabay-sabay nila akong itinulak sa pool.

"I hope you die bitch!" sigaw ni Chloe bago sila sabay-sabay na umalis.

Marunong akong lumangoy pero sa sobrang bigat ng kadena na nakakabit sa akin, kahit anong langoy ko ay lumulubog pa rin ako. Hanggang sa unti-unti nang nandilim ang paningin ko.


One Love To Go (PUBLISHED UNDER PIP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon