Chapter 6

121 60 0
                                    

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa natuklasan ko. Si Kevin si Ver? Paano nangyari 'yon?

Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang gabing iyon at hanggang ngayon ay nalulutang pa rin ako sa nalaman ko.

Si Ver na naging kaibigan ko na muntik nang mag suicide at nagkwento tungkol sa pagkamatay ng pamilya niya. At si Kevin Wilson na anak ng may ari ng University na ito ay iisa? I still don't get it, pakiramdam ko ay nananaginip lamang ako, I mean, bakit naman makikipag-usap o makikipagkaibigan sa akin ang isang Kevin Wilson? And all this time, akala ko buhay pa ang mga magulang niya, so it turns out na ulila na pala siya. How come na hindi alam iyon ng karamihan?

Sa dalawang linggo na nakalipas ay maraming nagbago. Walang araw na hindi ako nakatanggap ng mga pagkain na ipanabibigay daw ni Ver, laking pasasalamat ko na lamang na lahat ng mga nakakakita na binibigyan ako ng pagkain ay walang ideya kung kanino talaga galing ang mga iyon.

Sigurado akong kapag nalaman ng lahat na kinausap o naging kaibigan ko si Kevin ay malalagot ako lalo. Alam ko naman ang posisyon ko, kaya sa tuwing nagtatagpo ang landas namin ni Kevin ay agad akong umiiwas o tumatakbo palayo.

"So sinong tanga ang nanliligaw sa 'yo, Nerdy?" tanong ni Chloe nang mapansing may nagdala na naman ng pagkain sa desk ko.

Napalunok ako. "K-kaibigan ko lang ang nagbigay niyan."

"Kaibigan na Dom?" Sabay-sabay silang nagtawanan lahat dahil sa sinabi ni Chloe.

Naiyukom ko na lamang ang palad ko. Hindi ako dapat magpa-apekto sa sinasabi nila. Hindi ko na lamang sila pinansin at laking pasasalamat ko nang dumating na ang Prof. namin.

Pero tuluyan din akong nanghina nang makitang pumasok din si Kevin sa room namin. Anong ginagawa niya dito? Halos mabingi na ako sa sigawan ng mga babae kong kaklase.

"Settle down class! Alam kong masaya kayo na makakasama niyo na si Mr Wilson sa buong class hour. Pero please! Lower down your voices. Ayokong mag reklamo ang ibang section na oras-oras kayong nagtitilian," biro ni Prof Salazar pero ako lang yata ang hindi natawa.

Inikot ko ang paningin ko at nakahinga ako ng maluwag nang makitang sa harap na lang may bakanteng upuan. Nasa likuran ako kaya kapag doon s'ya umupo ay magkalayo kami, mas mapapanatag ako ng kahit paano kapag gano'n.

Pero agad din naglaho ang pag-asa ko nang makitang lumapit sa puwesto ko si Kevin at itinuro ang katabing upuan ko. "I prefer this seat."

"No problem, Mr Wilson. Is that okay with you, Mr Mendoza?" tanong ni Prof sa katabi kong lalaki na kaagad namang tumango at lumipat ng upuan.

Ramdam ko ang mabilis na kabog ng puso ko nang makaupo na sa tabi ko si Kevin. Napatingin ako sa gawi nila Chloe at tama nga ang hinala ko, lahat sila ay masama ang tingin sa akin.

"Sir, puwede po bang lumipat din ako ng mauupuan?" lakas loob kong tanong sa Prof. namin.

Natigilan ang lahat habang bumaling naman si Prof Salazar kay Kevin. Nakita ko ang bahagyang pag-iling ni Kevin na para bang hindi sang-ayon sa gusto kong paglipat. "I'm sorry, Miss Morgan, but it'll be better if you'll stay on your seat. Nakagawa na rin kasi ako ng seat plan baka malito ako sa attendance niyo."

Napilitan na lamang akong tumango kahit alam kong nagpapalusot lamang siya. Kahit sino naman atang Prof. ay susunod sa gusto ni Kevin dahil siya ang anak ng may-ari ng University na ito. Not to mention na wala na ang kaniyang mga magulang kaya malamang ay siya na ang nagmamay-ari nitong buong school. Sigurado akong kapag nalaman ito ng lahat ay mas lalo lamang siyang titingalain.

Nagsisimula na mag-lesson si Sir nang bigla na lamang bumulong sa tabi ko si Kevin. "So, how's my bre?"

Napalunok ako at nagkunwari na lamang na hindi ko siya naririnig. Buong class time niya akong sinubukan na kausapin pero ni isang beses ay hindi ko siya inimik. Ayokong malagot, lalo pa't alam kong pasimpleng nasulyap sa direksyon namin ang iba.

Nang mag break time ay agad akong tumakbo paalis sa room at dumiretso sa Cafeteria.

Agad kong pinuntahan si Aling Enang para kausapin. "Aling Enang may gagawin po ba ngayon?"

Umiling siya. "Naku! Wala Hija, pero may good news ako sa 'yo. Bukas ka na susuweldo."

Agad akong napangiti sa narinig ko. "Talaga po? Naku! Salamat po, ah."

"Huwag ka magpasalamat, pinagtrabahuan mo iyon. Oh siya, sige na, baka may gagawin ka pa. Ay teka! Kakain ka ba?"

Muli akong umiling. "Hindi na po, tapos na po akong kumain. Mag re-review na lang po muna ako dito." Tumango s'ya sa akin kaya naman agad na akong umupo sa isa sa mga upuan sa Cafeteria. Mas gusto ko talagang magbasa dito kaysa sa library. Open Area kasi dito kaya naman mas sariwa ang hangin, hindi katulad sa library na sobrang lamig dahil sa aircon.

"Bakit hindi ka pa kumakain?"

Nagulat ako nang bigla na lang sumulpot sa tabi ko si Kevin at mayroong dala-dalang mga pagkain na nasa tray. "What are you doing here?" natataranta kong tanong habang lumilinga sa paligid. Sana lang ay hindi pumunta dito si Chloe kung hindi ay malalagot ako.

"Masama ba kung gusto kitang kasabay na kumain? We're friends, right?" Agad ko siyang inilingan. "Nah, hindi mo na puwedeng bawiin ang sinabi mo."

Napapikit ako ng mariin. "Kevin, I can't! Please lang, layuan mo na ako." Agad kong inayos ang gamit ko at katulad nang palagi kong ginagawa ay muli ko siyang tinakbuhan. Pero sadyang makulit ata siya dahil agad din niya akong sinundan.

"Iris, wait!" sigaw niya pero hindi ko siya pinansin.

Nang makarating ako sa likod ng Field ay agad akong tumakbo at nagtago sa mga puno. Ilang beses akong huminga ng malalim para mawala ang hingal ko. Pero gano'n na lamang ang gulat ko nang maramdaman kong may bigla na lang yumakap sa akin mula sa likuran.

"Give me one good reason para layuan kita."

Napalunok ako at nagbuhol-buhol lalo ang hininga ko. "Kevin, we can't be friends"

"Because?"

Nakagat ko ang pang ibabang labi ko at agad na nag isip ng sasabihin. "K-kasi pobre lang ako! Hindi puwedeng maging magkaibigan ang mahirap at mayaman. Saka ano ahm, ayaw kitang maging kaibigan. Saka ahm, ayokong masira ang image mo nang dahil lang sa akin."

"Are you done? Is that all?" I nodded my head. "Well, sorry to disappoint you, but that's not good enough." Ipinatong niya ang kaniyang baba sa balikat ko. "You can resist me all you want but, I'll do everything to change your mind. And no can stop me." Pagkasabi niya no'n ay mas hinigpitan niya pa ang yakap niya sa akin.


One Love To Go (PUBLISHED UNDER PIP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon