Epilogue

166 40 5
                                    

Napahiyaw ako sa gulat nang bigla na lamang akong kilitiin ni Kevin sa likod.

"No, Stop!" Tawa lamang kami ng tawa at halos maubusan na ako ng hininga bago niya ako tinigilan.

He kissed my forehead. "Good morning hon, mas maganda ka pa sa umaga."

I rolled my eyes on him. "Sige mambola ka pa, puro ka kalokohan." Tumawa lamang ito at hinalikan ako sa labi. Ang akala ko hindi na ito mangyayari pa.

"I love you, Iris"

"And I love you more," sagot ko sa kaniya.

Ilang minuto kaming walang imik at patuloy lang na nagyakapan. "Anong gusto mong gawin ngayong araw?" tanong niya.

Nag-isip ako saglit. "Puwede ba na pumunta tayo sa Wilson University? Gusto ko lang maalala lahat ng memories natin doon."

"Oo, naman. Magbibihis lang ako."

Tumango ako. "Okay, me too."

Nang matapos kami parehas sa pagbihis ay agad na kaming nagbyahe papunta sa dati naming school.

Muli naming pinuntahan ang mga lugar kung saan kami madalas magkita noon. "Diyan kita unang Nakita," turo niya sa field na walang ka tao-tao. "Nagbabasa ka no'n ng libro."

Napangiti ako sa sinabi niya. "So, ikaw pala ang unang nakakita sa akin?" Tumango siya. "Ang akala ko, ako. Noong pangalawang araw ko kasi dito sa University nakita kitang naglalakad sa hallway habang nagtitilian ang mga babae."

He chuckled. "Kaso 'yong babaeng gusto ko ang nag-iisang hindi tumili."

"Pfft! You have no idea." I look at his eyes. "Matagal na akong attracted sa 'yo, sadyang pinipigilan ko lang ang sarili ko kasi sabi ko, hindi naman tayo nababagay."

"Buti naman at hindi mo na napigilan." Sabay kami na natawa sa sinabi niya.

Ilang oras din kaming nag libot sa University at nang mapagod ay agad kaming dumiretso sa mall para mamili ng mga makakain.

"Ako ang magluluto ngayon, ah," saad niya.

I gave him a thumbs up. "Okay, basta sarapan mo, ah."

"Yup, pero syempre may bayad-"

"Na kiss?" Natawa ako ng tumango ito. "Geez! Hon, you're a freakin' kiss addict."

"Yep, I am."

Nang matapos kami sa pamimili ay agad na kaming dumiretso ng uwi.

Habang nagliligpit ako ng ibang kalat ay sinimulan niya na ang pagluluto. "Need help?" tanong ko sa kaniya pero agad siyang umiling.

Ilang minuto ko siyang tinitigan habang naghihiwa ng kung ano-anong gulay. Nang hindi na ako makatiis ay agad ko siyang niyakap mula sa likod. "Puwede bang magyakapan na lang tayo at huwag ng kumain?"

Natawa siya. "Hon, I know I'm hot. Pero hindi puwedeng hindi ka kumain. Ayokong nagpapalipas ka ng gutom."

"I love you so much, Kevin. Sobrang miss na miss kita." Nagbuntong hininga ito at hinarap ako saka hinalikan sa noo. "And I love you more, Iris. No one can change that." Then he crashed his lips into mine.

Buong araw kaming nagkulitan at nag-asaran kaya naman nang matapos kaming kumain ay agad na kaming umakyat sa kaniyang kwarto para magpahinga.

Ipinatong ko ang ulo ko sa dibdib niya at mas niyakap ko siya ng mahigpit. Sinubukan ko ring pakinggan ang pag tibok ng puso niya pero wala akong marinig.

"Kevin..."

"Hmmm?"

"Panaginip lang ito, hindi ba?" Ramdam kong natigilan siya sa tanong ko.


"Paano mo naman nasabi na panaginip lang ito?"

Napapikit ako ng mariin. "Ang daming nagtatanong kung paano ko nakayanang mabuhay ng matagal kahit halata namang nangungulila na ako sa 'yo. Isa lang ang lagi kong sinasagot..." Tiningala ko siya para matitigan. "Kasi tanggap ko ng wala ka na." Hindi ko na napigilan na umiyak "Masaya ako Kevin, masaya ako na kahit panaginip lamang ito ay muli kitang nakita at nahawakan-"

"Shhh! Hindi 'to panaginip, Iris. I'm here to fetch you and it's up to you kung gusto mo nang sumama sa akin o manatili pa dito."

"T-talaga? Puwede na akong sumama sa 'yo?"

Tumango siya. "Narinig ng Panginoon ang araw-araw mong dasal kaya narito ako ngayon para sunduin ka kung gusto mo na akong makasama ulit."

"Makakasama na kita ulit?"

"Oo, Iris and this time, hindi na natin kailangan na magkahiwalay pa. We'll be together as long as you want to."

I nodded my head. "Sasama na ako Kevin. Please, isama mo na ako, gusto na kitang makasama ulit."

"I love you, Iris."

"I love you, Kevin."


(Third Person's POV)

"Daddy! Lolo Inigo,. tulong!!" Sigaw ni Alia

"Anong problema?" tanong ng matanda na naka wheelchair.

"Lolo Inigo, si Lola Iris po hindi na humihinga," naiiyak na saad ng kaniyang Apo.

Agad na lumapit si Inigo sa kaniyang kapatid na nakahiga. Itinapat niya ang kaniyang kamay sa bibig nito at tuluyan na niyang naunawaan ang sinasabi ng kaniyang Apo.

"Dad what happened? Tatawag na po ba ako ng ambulansya?" Tanong ng Anak nito sa kaniya.

Umiling si Inigo. "Hindi na. Wala na siyang pulso at hindi na rin humihinga... mukhang oras na niya." Muli niyang tinignan ang kaniyang kapatid na wala ng buhay. "Tanggapin na lang natin na wala na siya. Mukhang magkasama na sila ngayon ng asawa niya."

"May asawa po si Lola Iris?" tanong ni Alia.

Tumango si Inigo at pinunasan ang luha ng kaniyang Apo. "Oo, 'meron. Si Kevin... si Kevin Wilson ang asawa niya at mukhang masaya at magkasama na sila ngayon."

Iris Morgan Wilson died at the age of 84 at exactly 12:59pm

THE END

One Love To Go (PUBLISHED UNDER PIP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon