Mabilis na lumipas ang araw at halos makalimutan na namin ang nangyari. Linggo ngayon kaya naman parehas kaming walang pasok ni Kevin at kasalukuyan na nagmo-movie marathon kasama ang pamilya ko at ang ilang mga kasambahay. "Let's go somewhere," biglang saad ni Kevin.
"Ha? Saan?"He just shrug. "I don't know, kahit saan basta solo kita," mahina nitong bulong sa akin na ikinatawa ko.
"Puro ka kalokohan. Oh, siya! Magbibihis na muna ako, ikaw na lang din ang magpaalam kila Mama." Ngumiti ito at tumango.
Nang matapos ako magbihis at mag-ayos ay agad kaming lumabas at sumakay sa sasakyan niya. "Ready?" He asked and I nodded.Ilang oras din kaming nagbyahe hanggang makarating kami sa... "Theme Park?"
"Yup, nasabi sa akin ni Mama na gustong-gusto mo raw pumunta dito noon, kaso wala naman daw kayong pera."
Napangiti ako habang pinagmamasdan ang paligid. "Tama ka. Iyon nga siguro ang dahilan kung bakit gandang-ganda pa rin ako sa mga amusement park kahit ang laki ko na. Hindi ko naman kasi naranasan 'yong ibang nagawa na ng mga bata."
"It's fine hon, I'm here now. Sasamahan kita sa lahat ng gusto mong gawin," he said and kissed my forehead. "So, saan tayo unang pupunta?" tanong niya nang maka pasok kami sa loob ng theme park
"Ahm, may claw machine ba dito at ferris wheel? Gusto ko no'n"
Ginulo niya ang buhok ko na parang bata. "Mas malapit ang mga claw machine dito sa puwesto natin kaya unahin na natin 'yon." Agad naman akong tumango.
Para akong bata na tuwang-tuwa sa claw machine kahit wala naman akong nakukuha. Ilang oras din kaming nag-stay sa doon pero wala talagang nangyayari kaya naisipan na lang naming na sumakay sa mga rides.
Ang pinakahuli naming sinakyan ay ang ferris wheel. "Malapit na palang dumilim," saad ko nang matanaw ko ang labas habang nasa itaas kami ng ferris wheel. Naramdaman kong yumakap si Kevin mula sa likod ko.
"Nag-enjoy ka ba?"
I nodded my head. "Sobra! Nakakahiya nga, eh. Twenty-four na ako pero para akong bata na kinikilig kanina dahil lang sa mga rides."
"Who cares? You're my baby, anyway"
Halos hindi mapuknat ang ngiti ko kahit pa noong tuluyan kaming makalabas sa Theme Park.
"Teka, simbahan ba 'yon?" turo ko sa simabahan na nadaanan naming.
"Yup."
"Tara punta tayo," aya ko sa kan'ya.
He smiled at me. "Ayan din ang balak ko. I-park na muna natin ang ang sasakyan, hon." Agad naman akong sumang-ayon.
Mukhang tapos na ang misa, pero hindi na namin 'yon inalala pa at nang makapasok kami sa simabahan ay agad kaming nagdasal na dalawa
Ilang minuto kaming walang imik na dalawa, hanggang sa maramdaman ko na lamang na hinawakan niya ang kamay ko habang nakatingin pa rin sa harap ng altar. "They say, life is like a car, you must drive it even if you don't want to. There is so many ways and turns, you must choose one of them. And in my case, I am the car and you're my fuel, loving you is like the accelerator that's keeps me going." He looked into my eyes. "I need you to keep my life going, Iris."
Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. "I'm just here, hon. Hindi na ako mawawala pa sa 'yo."
"Pangako ba 'yan?" Tumango ako bilang sagot.
"So, anong hiniling mo kay God?"
He just shrugged. "Nothing much. Pinaalam ko lang sa kaniya na gusto kitang makasama habang buhay."
"Kevin...""Hmmm?"
"Alam mo naman na masasakitin ako, di'ba? Hindi malabo na manghina ako o maging pabigat ako kapag tumanda na tayo. Okay lang ba 'yon sa 'yo?"
Saglit siyang natigilan bago sumagot. "I don't care, kahit pa maging baldado ka, gugustuhin pa rin kitang makasama. Ikaw ang huli kong gustong makita bago ako umalis sa mundong 'to."
"Kapag matanda na tayo at malapit nang mamatay. Can you promise me something?"
"What is it?" tanong niya.
Huminga ako ng malalim. "Promise me na pauunahin mo ako. Masyado akong mahina, Kevin. Hindi ko kakayanin na gumising ng isang araw na wala ka na sa tabi ko at hindi na kita nahahawakan. So promise me, na kung may mamamatay man sa atin balang araw ay pauunahin mo ako."
Hindi siya sumagot agad pero mayamaya lang ay niyakap niya ako ng mahigpit. "I promise, hon. I'll stay by your side." Tumikhim siya. "Ayoko na ng usapan na 'to, hon. Bakit ba nagda-drama tayo, eh, magpapakasal pa tayo at bubuo ng sarili nating pamilya."
Sabay kaming natawa nang mapagtanto naming nagdadrama na pala kami ng sobra.
"Halika na uwi na tayo," aya ko sa kaniya.Magkahawak kamay kaming bumalik sa sasakyan.
Nakakailang minuto pa lang siyang nagmamaneho nang mapansin ko sa rear mirror na para bang sinusundan kami ng isang truck.
"Kevin, bakit parang sinusundan tayo ng truck na nasa likod natin?" kinakabahan kong saad.
"I know hon, napansin ko din. It's fine, calm down. Ililigaw natin-Fuck!"
Sabay kaming napahiyaw nang bigla na lamang banggain ng truck ang likod ng sasakyan naming.
Nagpa gewang-gewang ang sasakyan namin. Pilit na kino-control ni Kevin ang manibela pero tuluyan na kaming bumangga sa malaking puno.
Hindi ko na namalayan kung anong nangyari, basta ang alam ko lang ay masakit ang buong katawan ko at parehas kami ni Kevin na duguan.
"Fuck! Hon, y-you okay? Anong masakit?" nag-aalala niyang tanong habang pinupunasan ang dugo sa ulo ko.
"I-im fine," pagsisinungaling ko kahit pa nanlalabo na ang paningin ko."J-just hold on, o-okay? Dadalhin kita sa hospital."
Sasagot na sana ako nang makita ko ang isang lalaki na nasa harapan ng sasakyan namin at tinututukan kami ng baril.
"K-kevin," mahina kong usal sa kaniya pero sapat na para mapalingon siya sa tinitignan ko.
Bago pa ako mawalan ng malay ay naramdaman kong niyakap ako ni Kevin para protektahan ako.
BINABASA MO ANG
One Love To Go (PUBLISHED UNDER PIP)
Teen FictionHighest Rank Achieve; #1 Chicklit Noon pa man ay itinatak na ni Iris Morgan sa kaniyang isipan na walang magandang maidudulot ang mga mayayaman: dahil kapag mas mayaman, mas basura ang tingin sa mga mahihirap. Namuhay siyang simple at kontento na s...