Chapter 8

124 56 0
                                    

'Trying to hurt my girl? Go on, give it a try... then I'll kill you all!'

Ganoon lang naman ang sinabi niya, wala naman siyang sinabi na girlfriend niya ako. Pero sadyang mabilis na kumalat ang balita

'Sila ba ni Kevin?'

'So, nilalandi ni Iris si Kevin?'

'Paano nagkakilala sina Kevin at Iris?'

At iba't iba pang mga haka-haka ang naririnig namin ni Rica sa tuwing papasok kami. Maski siya ay naguguluhan na rin sa nangyayari, mabuti na lang at hindi niya ako masyadong pinipilit na magkwento at tinutulungan na lamang ako na iwasan si Kevin.

Field trip namin ngayon at kasalukuyan kaming nagbubuhat ni Rica ng mga box na inilalagay sa bus.

"Ano ba kasi ang mga ito? Ang bigat ng iba fren, nakakapagod na," reklamo niya.

"Ano ka ba! Mga snack ito ng mga estudyanteng sasama sa field trip," suway ko sa kan'ya saka kinuha ang bitbit niyang box kaya dala-dalawa na ang buhat ko ngayon. "Tiis na lang muna, okay? We need the money remember? Mabuti nga at may part time job tayo dito sa University, eh. Saka maging thankful ka na lang kasi masasama tayo sa field trip kahit wala tayong bayad. And take note, may sarili pa tayong bus."

Napa iling-iling ito. "Sariling bus na katabi ang mga box na ito at kasama tayo kasi tayo ang magbubuhat ng mga gamit."

Natawa na lamang ako. "Sige na, kaya mo 'yan. Kunin mo na 'yong iba doon para matapos na tayo." Tumango siya.

Nang matapos kami sa pagbubuhat ay agad kaming sumakay ng bus at doon na rin nagpahinga.

"So ahm, since tayong dalawa pa lang naman ang narito, puwede mo bang i-kwento kung bakit ka sinusundan at pinagtatanggol ng isang Kevin Wilson?"

I sighed. "Akala ko hindi ka na magtatanong." napakamot ako sa batok nang maka ilang ulit niyang sinabi ang 'Dali na mag kwento ka na please. Atin lang naman, eh'

Pinagsiklop ko ang dalawa kong kamay bago nagsimulang mag kwento. "Actually, pangalawang pasok ko pa lang dito sa Wilson University ay siya na agad ang nakita ko. Nalaman ko na siya pala ang anak ng may-ari ng school kaya talagang mayaman siya at sikat. Simula noon ay umiiwas na ako at ni minsan ay hindi ko binalak na makiisa sa mga babaeng sunod ng sunod sa kan'ya. Pero ewan ko ba, kung bakit palagi kaming pinagtatagpo ng landas. Katulad na lang noong nag part time ako sa library, nalaman ko na siya lang ang ka isa-isang estudyante na palaging tumatambay doon. Pero kahit ganoon ay hindi ako sumubok na lapitan s'ya o kausapin."

Muli akong napabuntong hininga. "Hanggang sa nagkaroon na ng costplay event and as usual, napag trip-an na naman ako ng grupo nina Chloe. Sobrang sama ng loob ko that time, kaya naman agad akong tumakbo papuntang rooftop... then I saw a man wearing a vampire costume and sitting on the railings."

"As in sa railings ng rooftop?" Tumango ako. "Omg! Magpapakamatay 'yong guy?"

I chuckled. "Gan'yan din ang unang pumasok sa isip ko, kaya agad ko siyang nilapitan at pinipilit na pababain, kaso lang ayaw niyang makinig kaya naman tinabihan ko siya. Nagkakwentuhan kami at parehas namin nasabi sa isa't isa 'yong mga pinagdadaanan namin sa buhay. Pumunta kami sa simbahan, hinatid niya ako sa bahay at sa huli ay naging magkaibigan kami. Ni hindi nga namin alam kung anong name ng isa't isa, kaya naman inisipan niya na lang ako ng nickname na itatawag niya sa akin at ganun din naman ang ginawa ko. Ako si Bre at siya si Ver. Short for break and Driver"

"What weird nickname."

Muli akong natawa. "I know right! Sobrang saya ko na nagkaroon ako ng kaibigan. Not until one day, I found out na si Ver at si Kevin...ay iisa."

Nanlaki ang mga mata niya. "What? What the hell! paano nangyari 'yon?"

I shrugged my shoulder. "I don't know either. Shit happened."

"So, kaya ka niya sinusundan at pinagtatanggol kasi gusto ka talaga niya kaibiganin? Iyon lang 'yon?"

"Hindi ko alam, malay mo tumatanaw lang siya ng utang na loob kasi ako 'yong andoon para i-comfort siya."

She rolled her eyes on me. "That's impossible, hindi niya 'yon gagawin kung walang dahilan." Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. "Actually, hindi ka naman panget, eh, mas maputi ka pa nga sa akin. Tinatawag ka lang nilang nerdy kasi hindi bagay sa 'yo 'yong ayos at pananamit mo, lalo na 'yong malaking salamin na sinusuot mo minsan."

Kumunot ang noo ko. "Sandali, bakit naman napunta sa physical appearance ko ang usapan?"

"I think..." Muli niya akong tinitigan. "He likes you."

Napamaang ako sa sinasabi niya. "Y-yeah, siguro. I mean, oo, he likes me as a friend-"

"No." Umiling siya. "Hindi ka niya ipagtatanggol, susundan na parang aso at mag-e-effort na parang nanliligaw kung kaibigan lang ang tingin niya sa 'yo. Like I said, hindi ka panget at idagdag mo pa na mabait ka talaga at masarap kang kasama." Huminga siya ng malalim. "Believe it or not, but I think... he likes you Romantically."

Nanlaki ang mga mata ko. Kung may iniinom lang ako ay baka naibuga ko na dahil sa sinasabi niya. "Aish! Ano ba, puro ka kalokohan. Matutulog na nga lang muna ako." Agad akong umusog palayo sa kaniya at nagkunwaring natutulog, kahit ang totoo ay iniisip ko pa rin ang sinasabi niya

He likes you Romanticall.

Damn! Huwag ka ngang mag-assume self!

Agad akong napamulat ng mata nang maramdaman kong nagsidatingan na ang iba pang working student na makakasama namin dito sa bus. Isa ito sa hinahanggan ko sa Wilson University, talagang binibigyan nila ng part time job sa loob ng University ang bawat estudyante na sobrang nangangailangan ng pinansyal.

"Miss Morgan." Agad akong napaayos ng upo nang lumapit sa amin si Mr Cruz na makakasama din namin dito sa bus. "Paki-reserve ng seat sa tabi mo, okay? May uupo pa diyan mamaya." Agad naman akong tumango at sumagot ng "Yes sir, noted."

Wala naman akong pakialam kahit sino pa ang umupo sa tabi ko dahil alam ko namang puro mga working student ang makakasama namin dito. Pero laking gulat ko na lamang nang pumasok si Kevin sa bus at para bang may hinahanap siya.

"Shit! Anong ginagawa niya dito?" mahina kong usal.

Dinig ko ang mahinang halakhak ni Rica. "Kung ako si Kevin at may gusto rin ako sayo. Trust me, gagawin ko rin lahat ng mga ginagawa niya. Gano'n naman talaga hindi ba kapag gusto mo ang isang tao? Gagawin mo ang lahat, makasama lang siya."

Napalunok ako at lalo akong kinabahan nang mag tama ang mata naming dalawa ni Kevin. Halos kapusin ako ng hininga nang nakangiti siyang umupo sa tabi ko.

"Found yah," mahina niyang usal pero sapat na para marinig ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Hindi ko na napigilan na tanungin siya. Nasa pinaka likod kaming nakaupo na tatlo at napapagitnaan nila akong dalawa. Si Kevin ang nasa kaliwa ko na katabi ng bintana ng bus, habang sa kanan ko naman ay si Rica at katabi niya ang ibang box na binuhat namin kanina. Para akong nasisikipan sa puwesto namin dahil magkadikit na ang braso namin ni Kevin. Pero wala naman akong magawa dahil wala ng ibang bakanteng upuan at sa laki ng mga box na katabi ni Rica ay hindi ko na rin siya mapapausog pa.

"Masama bang makisakay sa bus niyo?" pa-inosente niyang tanong.

"Mayaman ka, kaya bakit ka makikisakay sa bus ng mga working student na tulad namin? I'm sure, kayang-kaya mo rin na bumili o magrenta ng sarili mong bus na puwede mong solohin ang lahat ng upuan."

He smirked at me. "I used to be like that, sanay na akong mag-isa. But after you came into my life, I realize how sad and boring my life is." Tinitigan niya ako sa mata. "I don't want to be alone anymore. I want to be with you every single day. At 'yon mismo ang gagawin ko kahit pa ipagtabuyan mo pa ako."

Inilibot ko ang paningin ko. "Masikip dito dahil sa mga box, hindi ka makakahiga kapag inantok ka na. For sure mabo-bored ka lang. So, if I were you, sa ibang bus ka na lang sumakay."

Muli niya akong nginisian. "Kapag may maganda kang babae na katabi, kahit yata malapit ka pa sa basurahan at kahit pa masangsang ang buong paligid ay mag-e-enjoy ka."

Nakagat ko ang labi ko at nagpapasalamat na lamang ako na nasa likod kami kaya medyo natatabunan ng mga box na nasa harap namin ang puwesto namin. Kaya naman hindi kami gaanong makikita o maririnig ng ibang mga tao na nasa harapan. Ang kulit niya talaga kahit kalian.


One Love To Go (PUBLISHED UNDER PIP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon