Chapter 17

99 45 0
                                    

Mabilis na lumipas ang araw at tuluyan na kaming naka-graduate ng college. Isa na ngayong CEO si Kevin ng isang sikat na kumpanya at tuluyan na niyang inamin sa lahat na matagal ng patay ang kaniyang mga magulang. Siya na rin ngayon ang namamahala ng Wilson University.

Habang kaming dalawa naman ni Rica ay isa ng HR lead at nagtatrabaho sa iisang kumpanya.

"Ate nasa labas si Kuya idol," sigaw ni Inigo na ikinatawa ko. Sa nakalipas na araw ay mas naging maayos ang pamilya namin, wala ni isa sa amin ang nagkasakit. Maski si Papa ay naging maayos na rin at hindi na rin sila nag aaway-away.

"Oo, palabas na," sagot ko bago lumabas ng kwarto at pinagbuksan si Kevin. "Wala ka bang trabaho?" tanong ko sa kaniya at inayos ang neck tie niya.

Napasimangot siya. "Yung Ate mo Inigo, gusto na ata akong paalisin agad."

"Ate naman, huwag mong ganyanin si Kuya idol." Napairap ako nang magkampi na naman ang dalawang ito. Simula nang maging kami ni Kevin ay mas napalapit siya sa pamilya ko, lalo na kay Inigo na hinahangaan siya, gusto niya raw lumaki na katulad ni Kevin na gwapo at mayaman.

"Hala, sige! Pagtulungan niyo na naman ako," asar kong saad na ikinatawa nilang dalawa.

"Kuya idol, parang mas naging pogi ka ata ngayon? Sana ganyan din ako kapag lumaki na ako para habulin din ako ng mga babae."

Napahalakhak si Kevin sa sinabi nito. "Sakit lang sa ulo kapag naging habulin ka rin ng mga babae. Ang dapat na hilingin mo ay ang makahanap ka ng babaeng gaya ng Ate mo."

Napakamot ito sa batok niya. "Ayoko ng katulad ni Ate, kuya idol. Gusto ko 'yong sexy at maganda."

"Aba't loko 'to, ah! Sinasabi mo bang panget ako?" angal ko at mas lalo lamang natawa si Kevin. "Hoy, Inigo! Ipapaalala ko lang sa 'yo na fifteen years old ka pa lang kaya pag-aaral ang atupagin mo."

Lumapit sa akin si Kevin at malambing akong niyakap. "Chill, hon. Nagbibiro lang 'yang si Inigo. Ikaw na kaya ang pinakamaganda at sexy na babaeng nakilala ko."


Siniko ko siya at inirapan. "Tigilan mo ako. Hindi mo ako madadaan sa pambobola mo. Saka ano ba ang ginagawa mo dito? Don't tell me, nag-absent ka na naman sa trabaho?" tanong ko sa kaniya at namaywang pa ako.

Itinaas niya ang kaniyang dalawang kamay na para bang sumusuko. "Chill, day off ko ngayon at nandito ako para sunduin ka."

"Sunduin? Bakit?"

"We're going on a vacation, hon."

"Ha? Sinong kasama natin?"

"Si Rica, inaya ko kasi sila Tita pero ayaw naman nilang sumama. Dalhan nalang daw natin sila ng mga pasalubong," paliwanag niya.

"Ha? Kasama natin si Rica?" Halos ilang linggo ko na rin na hindi nakikita ang babaeng iyon dahil nalipat siya ng department "Andito siya-"

"Of course, my fren! Miss me?" sigaw nito at bigla na lamang sumulpot sa pinto naming.

"Kailan ang alis natin?" tanong ko.

"Ngayon na mismo," sabay nilang sabi ni Kevin.

"Ngayon mismo? Baliw ba kayo? Ni hindi pa nga ako nakakapag empake at-"

"Naayos na ni Tita ang mga gamit mo. Kung hindi ka na magbibihis mas mapapaaga ang alis natin," putol ni Kevin.


Nanliit ang mata ko. "Wow! Nahiya naman ako sa inyo at planadong-planado niyo."

Tumawa lamang sila at sabay-sabay na kaming sumakay ng sasakyan. "So, saan ba talaga ang punta natin?" tanong ko kay Rica na nasa likuran ng sasakyan ngayon.

"I don't know, fren. Basta pumayag na lang ako agad noong inaya ako niyang bebeboi mo. Alam ko naman kasing kapag siya ang nag-aya ay sosyal lagi ang pupuntahan natin." Napa.iling na lang ako sa sinabi nito bago bumaling kay Kevin

Nginitian ako nito saglit. "El nido miniloc Island," simpleng saad nito pero sapat na para sabay kaming mapatili ni Rica.

"Syet! Sabi ko na nga ba sosyal, eh!" Sabay-sabay kaming natawa sa sinabi nito.

Halos buong byahe kami nagkulitan. Sa tuwing magkaka-trafic ay bigla na lamang akong hinihigit ni Kevin at marahan na hinahalikan.

"Hoy, mga leche kayo! Kailangan ba talaga na sa harap ko pa kayo maghahalikan? Ano, nang iinggit kayo? kapag ako napuno, maghahanap talaga ako ng majo-jowa sa resort at magla-laplapan din kami sa harap niyo."

Nagkatinginan kami ni Kevin at sabay na natawa. Sa sobrang haba ng byahe ay gabi na nang makarating kami sa resort.

"Ako nang bahala sa gamit natin, hon. Gisingin mo na lang 'yong walang jowa na nasa likod-"


"Pakyu ka kevin!"

"Pfft." Hindi ko na napigilan na matawa, palagi talaga siyang asar talo kapag inaasar siya na 'walang jowa'.

"So, siguro naman may sarili akong kwarto?" tanong nito nang makapasok kami sa hotel.

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Tumigil ka nga diyan. Nakakahiya ka! Alam mo namang mahal ang mga room rates dito-"

"What? Anong gusto mo, manood ako habang nagju-jugjugan kayo?"

Natawa na lamang sa amin si Kevin. "Kumalma nga kayo." Bumaling siya kay Rica at inabot dito ang isang card key. "You have nothing to worry about, mas gusto ko rin na masolo ang future wife ko. Besides, may konsensya naman ako sa mga walang jowa."

"Pakyu!" Sabay-sabay kaming natatawa na umakyat at pumasok sa room namin.

Habang inaayos ni Kevin ang mga gamit namin ay dumiretso na ako sa Terrace. "Ang ganda talaga dito," saad ko nang maramdaman kong yumakap sa akin si Kevin.

"I love you, hon," saad nito sa malambing na boses.

Agad ko siyang hinarap at ginawaran ng halik. "I love you more, hon."

Kinabukasan ay maaga kaming gumising na tatlo para sabay-sabay na mag-swimming.

Napataas ang kilay ko nang makitang nakasuot ng swimsuit si Rica. "Ano 'yan? Bakit gan'yan ang suot mo?"

Inirapan ako nito. "Duh! Wala naman kasi akong jowa na magbabawal sa akin na magsuot ng mga revealing. Saka hello! May plano ako."

"Like what?"

"Maghahanap nga ako ng majo-jowa. Hmp! Kapag talaga ako nagka-jowa dito, 'who you' kayo sa akin."

"Whatever!" saad ko dito at hinanap si Kevin. Parang kumulo naman ang dugo ko nang makita kong may haliparot na babae na luwa na ang dibdib at nilalandi siya.

"Stay away from me, stupid!" masungit na saad nito sa babae na ikinangiti ko.

"Why? Do you have a girlfriend already?" malanding sagot ng babae at sinubukan pang hawakan ang braso ng boyfriend ko.

Lalapit na sana ako nang bigla na lang akong natulala sa naging sagot ni Kevin. "Wala, wala akong girlfriend." What the hell? Nawala lang ako saglit naging single na siya-"Asawa 'meron," dugtong nito na ikinapula ng mukha ko.

Ilang segundo pa ang lumipas at napabaling ang tingin nila sa akin. Agad na lumapit sa akin si Kevin at basta na lamang ako sinunggaban ng halik. "So, how's my wife?" tanong niya sa akin sa malambing na boses.

Isinandal ko ang ulo ko sa matipuno niyang dibdib. "I'm fine, hon, but I'm kinda hungry. Puwede bang kumain na tayo? Baka kasi ikaw pa ang kainin ng mga hipon dito sa tabi-tabi."

"Damn! My wife is jealous," natatawa nitong saad. Pasimple ko lamang siyang kinurot sa tagiliran at saka siya hinila palayo.

Buong araw kaming nagsaya. Para ngang ayoko nang matapos ang mga oras na 'yon. Pero parang sasakyan ang buhay ng isang tao, may pagkakataon na bigla-bigla na lamang itong magkakaroon ng problema.

"Anak, ayoko sanang mang-istorbo sa bakasyon niyo. Pero kasi anak, nagkaroon ng sunog dito sa barangay natin at isa ang inuupahan natin sa mga nasunog."

Halos manlumo ako sa nalaman ko. Wala akong balak na sabihin ito kay Kevin dahil ayokong masira ang mood nila. Pero nang gabing magpapahinga na kami ay nagulat na lamang ako sa sinabi nito sa akin.

"This is the last time that you'll hide something from me, hon. I won't let it slip next time. Alam ko ng nasunugan kayo"

"K-kanino mo nalaman?" gulat kong usal.

He sighed. "It doesn't matter. I have my ways. Now, you only have one option, hon....move in with me, together with your family.


One Love To Go (PUBLISHED UNDER PIP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon