I came from a poor and simple family but I'm not ashamed. In fact, I feel so blessed to have them in my life. Not until, I turned 14 and I become a sick person. Halos lahat na ata ng sakit pinakyaw ko na. Asthma, scoliosis, liver problem, pneumonia, dengue and so on.
Kitang-kita ko kung gaano naghirap 'yong pamilya ko, kung ilang beses silang mangiyak-ngiyak sa pagkataranta dahil wala na kami halos pera na pangkain dahil sa pagiging masasakitin ko. Hanggang sa umabot sa punto na 'yong dati kong masayang pamilya ay naging miserable nang dahil lamang sa katulad ko.
Iyong dati kong responsableng Tatay ay naging manginginom, madalas na uminit ang ulo at ilang beses na rin kaming muntikan na pagbuhatan ng kamay. Iyong dati kong masiyahin at palabirong Nanay ay naging malungkutin at bihira ko na lamang makausap ng matino. Ang nag-iisa kong bunsong kapatid na lalaki na dati kong kabiruan palagi ay naging iwas na rin sa akin, dahil para daw mas binibigyan pa ako ng atensyon nila Mama at Papa kaysa sa kan'ya.
Sa school ako umaasa na baka sakali maging masaya ako, na baka sakaling makalimutan ko lahat ng problemang pinagdadaanan ko kahit ilang oras lang sana. Pero nagkamali ako. Kahit sa school ay marami pa rin pala akong pagdadaanan.
High school pa lang ako, palagi na akong binu-bully dahil sa wala akong gaanong kaibigan at sa ayos ko palagi na mukhang manang. Tiniis ko lahat 'yon hanggang sa maka-graduate ako at maging college. Nakapasa ako sa isang sikat at mamahaling University na karamihan sa mga estudyante ay mayayaman, artista o hindi kaya ay anak ng mga sikat na opisyales. Sobrang saya ko noon, akala ko kasi hindi ko na mararanasan 'yong mga naranasan ko noong Highschool ako, akala ko totoo 'yong sinasabi ng iba na lahat ng nasa college ay mature na kaya hindi na uso ang salitang 'Bully'.
Napasinghap ako nang bigla na lamang may bumangga sa akin dahilan para parehas kaming matapunan ng juice na inutang ko pa sa Cafeteria namin.
"Stupid! Punasan mo 'yan, hindi mo ba alam na mas mahal pa 'yan kaysa buhay mo!" sigaw ni Chloe na isa sa mga cheerleader ng University namin. Mayaman siya kaya katulad ng iba ay basahan lang din ang tingin niya sa akin.
"P-pero ikaw 'yong bumangga sa a-akin," hindi ko na napigilan na hindi sumagot, nakakasawa na rin kasing sila na lang palagi ang tama.
Isang malakas na sampal ang ibinigay niya sa akin. Napatingin ako sa salamin na suot ko kanina na ngayon ay nasa sahig at basag-basag na. Bigla akong napalunok nang maramdaman kong parang naninikip ang dibdib ko.
"Huwag mo isisi sa akin ang katangahan mo!" Akmang sasampalin niya ulit ako nang bigla na lamang mapuno ng sigawan ang paligid namin. "K-kevin," namamangha niya na saad habang nakatulala sa taong nasa likod ko.
Kahit hindi na ako lumingon ay alam ko na kung sino ang tinitilian nila. Si Kevin Wilson ang anak ng may-ari ng school na ito. Sinong hindi magkakagusto sa mayaman, gwapo, matalino at may matikas na pangangatawan?
Kalaunan ay napilitan akong tumingin sa likod ko nang maramdaman kong parang may nakatitig sa akin. Bumungad sa akin ang walang emosyon na mukha ni Kevin. Hindi na rin nakakapagtaka ang bagay na 'yon, kilala rin kasi siya bilang 'cold hearted prince'. Iwas siya sa lahat ng mga tao sa paligid niya, wala ni isa ang tumatagal na kausapin siya dahil para ka lamang nakikipag-usap sa hangin sa sobrang tahimik. Maski ang mga mata niya ay nakakatakot din na titigan ng matagal dahil para bang lagi iyong nag-aapoy sa galit.
"What the hell is the meaning of this?" he asked in a serious tone.
Nakaramdam ako ng kaunting saya. Siguro naman ipagtatanggol niya ako, hindi ba? Siya ang anak ng may-ari ng school na ito at sinasabing kilala ang mga magulang niya bilang isang mababait na tao at pantay ang turing sa lahat. Siguro naman, kahit kasing lamig siya ng yelo ay pantay din ang tingin niya sa lahat ng mga estudyante dito. Hindi naman niya siguro sisirain ang reputasyon ng school na ito hindi ba? I mean, he should be fair.
"Kevin... it's her fault. Si Iris kasi, binuhusan ako ng dala niyang juice," pagsisinungaling ni Chloe. Aangal na sana ako nang biglang magsalita si Kevin. "I don't give a fuck! Do whatever you want to do." Tinitigan niya ulit ako ng masama. "Just make sure to clean up your mess, ayoko nang may nagkakalat sa school na ito. Huwag niyo nang pahirapan ang mga janitor," pagkasabi niya no'n ay agad siyang naglakad palayo.
Halos mapangiwi ako sa sakit nang biglang hablutin ni Chloe ang buhok ko. "Hear that bitch? Linisin mo 'yang kalat mo!" Marahas niya akong itinulak dahilan para mapaupo ako sa sahig.
Napuno ng tawanan ang paligid ko. Ang ilan pa sa kanila ay kumuha ng mga lukot-lukot na papel at ibinato sa akin.
"Siguraduhin mong wala kang ititirang kalat, Nerdy!" sigaw ng isa sa kanila pero hindi ko na inalam pa kung sino 'yon.
Dahan-dahan kong pinulot ang mga papel na ibinato nila at saka isinuksok 'yon sa loob ng bag ko. Muli akong napatingin sa salamin ko na sira-sira na. Hindi ko na napigilan pa na mapaiyak. Ilang gamit ko na ang nasira nila at lahat 'yon ay matagal ko nang iniingatan dahil bigay sa akin nila Mama at Papa. At kahit pa gusto kong magpabili ng mga bago kong gamit ay hindi ko gagawin, sobra-sobra na akong pabigat dahil sa sakit ko.
Napailing-iling na lamang ako nang maalala ko si Kevin. Akala ko iba siya, akala ko katulad siya ng mga magulang niya. Pero sinong niloloko ko? Mas mayaman siya kaya dapat hindi na ako umasa na tutulungan niya ako. Dahil kapag mas mayaman, mas basura ang tingin sa aming mga mahihirap.
Isa 'yon sa mga pagkakataon na nagtagpo kami ni Kevin Wilson. Pero hindi ko naman alam na masusundan pa iyon.
BINABASA MO ANG
One Love To Go (PUBLISHED UNDER PIP)
Roman pour AdolescentsHighest Rank Achieve; #1 Chicklit Noon pa man ay itinatak na ni Iris Morgan sa kaniyang isipan na walang magandang maidudulot ang mga mayayaman: dahil kapag mas mayaman, mas basura ang tingin sa mga mahihirap. Namuhay siyang simple at kontento na s...