Nagising na lamang ako na nakahiga na ako sa puting kama. "Fudge! Buti naman at gising ka na. Nakakainis ka, sobra mo kaming pinag-alala," naluluhang sabi ni Rica.
"Nasaan ako?" halos pabulong ko ng tanong."Nasa clinic ka. Naiinis ako sayo! Alam mo ba kung ilang santo na ang natawag ko para lang magising ka, ah?"
"I'm fine... pero sino ang sumagip sa akin?"
Tumabi siya sa akin. "Si Kevin, masyadong mabigat 'yong kadenang nakakabit sa 'yo kaya naman nagpatulong siya sa mga life guard. Pero siya mismo ang bumuhat sa 'yo para makaahon ka at siya din ang nag cpr sa 'yo. Sabihin mo, sino ang may gawa-"
"Gusto ko ng umuwi," putol ko sa sasabihin niya.
"Ha? Hindi mo ba hihintayin si Kevin? Bumili siya saglit sa labas para daw kapag nagising ka ay mayroon kang makakain o maiinom."
Umiling ako. "Please, gusto ko ng umuwi."
Napabuntong hininga siya. "Fine! Pero Ihahatid na kita-"
"No! Kaya ko na." Akmang tututol pa siya nang muli akong magsalita. "I'm fine Rica, gusto ko lang muna mapag-isa." Parang naunawan niya naman ako kaya inalaayan niya akong tumayo at pinaalalahanan na lang na 'Mag ingat ka'.
Nang tuluyan na akong makalabas sa clinic ay doon ko lamang napansin na malapit na palang dumilim kaya binilisan ko sa paglalakad. Nang bigla na lamang may humigit sa akin.
"What do you think you're doing?" nag-aalalang tanong sa akin ni Kevin.Napatingin ako sa dala-dala niyang pagkain at inumin. Bakit ba niya ako inaalala? "Let me go, Kevin. Gusto ko ng umuwi," malamig kong saad,
"Don't act stupid, Iris! Malapit nang dumilim. Sa tingin mo hahayaan kitang umuwi ng mag-isa?"
Tuluyan na akong napaiyak dahil sa sinabi niya. "Bakit ba palagi mo na lang ako nililigtas? Bakit palagi mo na lang ako pinagtatanggol? Ano ba kita, ha?" Marahas kong pinunasan ang luha ko. "Ang dami nang nakakahalata na palagi tayong magkasama at lahat sila ay nagagalit na sa akin. They want me to stay away from you." Pagod ko siyang tinignan. "Kevin, nagsasawa na ako na palagi na lang nila akong iniinsulto at sinasaktan. Kanina muntik na akong mamatay. Siguro kung noon ito nangyari ay baka baliwalain ko lang. P-pero kasi, Kevin, kailangan ako ng pamilya ko." Napasinghap ako nang maramdaman kong parang dinudurog ang puso ko. "Please, do me a favor. If you really care about me. Then p-please, stay away from me."
"N-no," garalgal niyang sagot. Ngayon ko lamang napansin na umiiyak na rin pala siya. "Iris, I can't." Kaagad siyang lumapit sa akin at sinapo ang magkabila kong pisngi. "I know, dahil sa akin kaya ka napahamak. But, that's not enough for me to avoid you. I need you, Iris. And staying away from you isn't the only way for me. I seriously can't live without you and if guarding you all day is the other option, just to make sure that you'll be fine and y-you're not gonna leave me...then I will."
Napaatras ako nang ilapit niya ang mukha niya sa akin pero agad din niyang hinapit ang baywang ko kaya magkadikit na ngayon ang noo naming dalawa. "I love you Iris and if it's too fast for you, I'll work on it."
Umiling ako at sinubukan kong lumayo sa kaniya pero hindi niya ako pinakawalan. "Let me go, Kevin!"
"No! Come on, resist me all you want. But from this day onwards, I'll do everything I can, just to make you mine," He said firmly and then he crashes his lips into mine.
Tuluyan na akong nanghina nang maramdaman ko ang labi niya na nakalapat sa labi ko. Parang ayoko nang matapos ang oras na iyon.Pero bigla kong naalala ang katotohanan na hindi kami nababagay sa isa't isa, kaya kahit nanghihina na ang tuhod ko ay marahas ko siyang itinulak at sinampal. "Stay away from my life!"
Matapos ang araw na iyon ay halos isang linggo akong hindi nakapasok dahil na rin sa pagsumpong ng hika ko.
"Mama naman, bakit wala na naman po akong baon? Paano naman po 'yong mga dapat na babayaran ko sa school?"
"Tumigil ka na, Inigo. Hindi mo ba nakikita? May sakit ang Ate mo at kailangan nating bumili ng gamot niya."
Napapikit ako ng mariin nang marinig ko na naman na nag-aaway sila. Agad akong lumabas ng kwarto ko kahit nanghihina pa ako. "Ma, ayos lang ako. Ibigay niyo na 'yong pera kay Inigo para pang baon niya," sabat ko.
Nagulat ako nang bigla na lamang pumasok si Papa at lasing na naman. "Anong ayos ka lang? Nasisiraan ka na ba? Gusto mong lumala lalo 'yang sakit mo? Mag isip-isip ka nga, Iris. Wala na tayong pera kaya kapag iyan lumala pa-"
"Ayos nga lang po ako." Napahinga ako ng malalim. "Please Ma, Pa, huwag na natin gawing big deal ito, kailangan ko lang po ng pahinga." Matapos kong sabihin iyon ay agad akong bumalik sa kwarto ko at nahiga.
Balak ko na sanang matulog ulit nang biglang bumukas ang pinto at narinig ko ang pamilyar na boses. "Bakit hindi ka man lang nagsasabi na may sakit ka?"
"Rica? Anong ginagawa mo dito?" gulat kong tanong.
Umupo siya sa tabi ko at maharan na hinawakan ang kamay ko. "Sobra kaming nag-alala para sa 'yo." Saglit siyang hindi umimik. "He's miserable right now, Iris. Halos lahat na ng estudyante sa University ay pinag-iinitan niya, muntikan na nga niyang masaktan ng pisikal si Chloe nang malaman niyang siya ang may gawa sa 'yo niyon, mabuti na nga lang at naawat siya ng mga prof. Kaso ang Malala, kahit ako ay ginugulo niya. Kapag hindi ko raw sinabi kung nasaan ka ay papatalsikin niya ako sa University," naluluha niyang saad."Bwiset na 'yon! Akala niya tinatago kita, eh, talaga namang hindi ko alam kung nasaan ang bahay mo. Kahapon ko nga lang nalaman kasi nag tanong-tanong ako." Mahina niya akong tinapik sa braso. "Wala naman talaga akong pakialam sa nangyayari sa school, ang inaalala ko ay kung napano ka na, nakaka inis ka! Akala ko may masama ng nangyari sa 'yo, sobra akong nag-alala. Bakit hindi mo man lang ako tinawagan para sabihing maayos ang lagay mo?"
"Wala akong cellphone Rica, hindi pa ako nakakabili ng bago." Bigla siyang natawa sa sinabi ko. "Shit! Bakit nga ba nakalimutan ko 'yon? Pero kahit na, nagtatampo pa rin ako sa 'yo kasi pinag-alala mo ako," pagmamaktol niya."Oo na, kasalanan ko na. I'm sorry."
Isang oras kami na nag kwentuhan hanggang sa bigla niyang ini-abot sa akin ang isang sobre.
"Bukas na ang Prom natin. Alam ko na iniiwasan mo siya, pero hindi mo naman 'yon puwedeng gawin habang buhay. Tama na ang pagtatago mo sa kaniya." Nagbuntong hininga siya. "Wala akong kinakampihan sa inyo, pero kasi Iris, sobrang kawawa na si Kevin. Para na siyang mababaliw sa kakahanap sa 'yo. Para ngang wala na siyang matinong tulog at pahinga sa sobrang laki ng eyebags."
Napaiwas ako ng tingin. "Naduduwag ako na makita siya."
"Alam ko naman iyon, pero katulad ng sabi ko, hindi mo siya mapagtataguan habang buhay. Wake up, Iris! Harapin mo 'yong tao at tapatin mo na kung anong gusto mo na mangyari."Ilang minuto ako nawalan ng imik pero mayamaya lamang ay sumang ayon na ako sa gusto niyang mangyari.
Napangiti siya ng malawak dahil sa sagot ko. "Good, since bukas na ang prom natin, mas maiging magpahinga ka na ulit at babalik ako dito bukas para pagandahin ka. Saka may nahanap na rin ako na dress kaya wala ka ng aalalahanin pa." Ngumiti lamang ako at tumango bago siya pinanood na umalis.
I just hope na hindi magtagpo ang landas naming dalawa sa prom.
BINABASA MO ANG
One Love To Go (PUBLISHED UNDER PIP)
Teen FictionHighest Rank Achieve; #1 Chicklit Noon pa man ay itinatak na ni Iris Morgan sa kaniyang isipan na walang magandang maidudulot ang mga mayayaman: dahil kapag mas mayaman, mas basura ang tingin sa mga mahihirap. Namuhay siyang simple at kontento na s...