Chapter 4

150 79 1
                                    

Halos dalawang araw na ang nakalipas simula noong matapos ang cosplay event. Mas naging busy na ang lahat dahil malapit na ang exams namin.

Pero hindi ko alam sa sarili ko kung bakit imbes na mag-review ay iba ang inaatupag ko. Dalawang araw na akong aligaga at parang baliw na iniikot ang buong school. Ewan ko ba, pero parang may kung ano sa akin na gusto ko ulit makita 'yong lalaking naka-motor na naghatid sa akin. Siguro kasi gusto ko lamang masigurado na ayos lang siya at hindi niya na ulit ipinahamak ang sarili niya. Siguro nga 'yon lang 'yon.

Kasalukuyan akong nasa likod ng field ng school. Mapuno dito at walang gaanong tao kaya naman madalas ako dito na tumatambay. Feeling ko kasi mas safe ako dito, alam ko kasing walang manggugulo sa akin kapag nandito ako.

Naupo ako sa bench at inilabas ang libro na hiniram ko kanina sa library. Hindi pa man ako nagsisimulang magbasa nang makarinig ako ng ingay sa hindi kalayuan. Mayroon akong naaninag na bulto ng mga tao pero hindi ko makilala kung sino dahil natatakpan ng puno na nasa pagitan naming.

Agad akong tumayo at pasimpleng sumilip habang nakatago sa likod ng puno ang katawan ko.

"What the hell is your problem Kevin? Tell me, ano bang kulang sa akin at hindi mo man lang ako mabigyan ng chance?" That voice... si Chloe 'yon. Magkaharap sila ni Kevin at parehas na masama ang tingin sa isa't isa

"I told you, you're not my type, Chloe. You're totally desperate and it disgusts me-" Hindi na natapos ni Kevin ang sasabihin niya nang bigla na lamang siyang sampalin ni Chloe ng malakas, nakita kong tumama ang suot na singsing nito sa labi ni Kevin. Damn! Siguradong masakit 'yon. Mukha pa man ding matulis ang malaking design at bato sa singsing ni Chloe. "Are you done? Be my guest and leave me the fuck alone," mariin na saad ni Kevin na parang wala lamang sa kaniya ang malakas na sampal ni Chloe.

"I so hate you, Kevin! I did everything I can para lang mapansin mo." Narinig ko ang hikbi ni Chloe. "S-sumali ako sa cheer dancing kahit hindi ako mahilig sumayaw p-para lang mapansin mo. Damn you, for being heartless! Ginawa ko lahat, Kevin. Highschool pa lang tayo, sobrang dami ko nang sinakripisyo para lang sa 'yo. Pero bakit hanggang ngayon hindi mo pa rin ako matutunan na mahalin?"

"Like I said, you're not my type Chloe and you'll never be." Halos manghina si Chloe sa sinabi ni Kevin, para na siyang matutumba. Mayamaya pa ay tuluyan nang tumakbo palayo si Chloe habang sapo-sapo ang bibig na para bang pinipigilan niya na mapahikbi.

Ilang segundo akong tulalang nakatitig sa likod ni Kevin. Hindi ko alam kung bakit, pero para bang may tinatago rin siyang problema o lungkot. Napansin ko na 'yon noong una ko siyang makita.

"You don't have to hide. If you want to tell me something, then talk," saad niya na ikinagulat ko. Ako ba ang kinakausap niya?

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko at kusa na lamang akong lumapit sa tabi niya. Napasinghap ako nang makitang dumudugo ng kaunti ang gilid ng labi niya. Mukhang malakas nga talaga ang pagkakasampal ni Chloe at mukhang tumama nga talaga ang singsing nito sa labi niya. "You're bleeding," wala sa sarili kong saad. "Here." Abot ko sa kaniya ng panyo ko, pero agad din akong nakaramdam ng hiya nang makitang tinitigan lamang niya ito.

Nakalimutan kong mayaman nga rin pala ang isang ito. Kaya malamang ay nandidiri din siya sa akin at sa mga gamit ko. "N-nagdudugo kasi 'yong gilid ng labi mo, malinis naman ito pero kung ayaw mo, okay lang-" Nagulat ako nang bigla na lamang niyang hablutin ito sa kamay ko.

Ilang saglit kaming nawalan ng imik pero siya rin ang bumasag. "Aren't you afraid of me? I'm a bad guy Iris at ilang babae na rin ang napaiyak ko."

"You know me-" I shook my head. "I mean-no I'm not." I slowly look into his eye. "Hindi mo puwedeng pilitin o diktahan ang puso mo kung sino ang iibigin mo, nagpapakatotoo ka lang. Yes, nasaktan sila at umiyak nang dahil sa 'yo, but I'm sure, kung nagkunwari kang kaya mong suklian ang nararamdaman nila at basta ka na lang nagsawa o bumitaw sa huli dahil hindi mo na kayang magpanggap pa, siguradong mas masasaktan sila. Sabi nga nila, it's better to hurt you with the truth than to comfort you with a lie."

Nakita kong sumilay ang ngiti sa labi niya. Ang sarap titigan no'n at para bang nakakahawa. "So we're really friends now, right?"

Napamaang ako sa sinabi niya. Gusto niya akong maging kaibigan? Bigla kong naalala si Chloe. Hindi makakabuti sa akin kung mapapalapit ako sa lalaking iniibig niya. Agad akong umiling. "I ahm... I'm sorry, but I can't"

Kumunt ang noo niya. "And why is that?"

Nakagat ko ang labi ko. "D-dahil hindi naman ako mayaman na katulad niyo-I mean, mayroon na akong nag-iisang kaibigan. I met him two days ago. Okay na ako sa kaniya. It'll be better kung maghahanap ka na lang ng ibang kakaibiganin mo na kasing yaman mo."

He smiled at me again. "Well guess what, Iris." Napaatras ako nang dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin at bumulong ng, "Mas binigyan mo lang ako ng rason para mas magustuhan ka. You can resist me all you want, pero hindi ako titigil hangga't hindi ka pumapayag na makipagkaibigan sa akin." Matapos niyang sabihin 'yon ay agad na siyang naglakad papalayo habang ako ay tulala pa rin sa mga sinabi niya.

Nasisiraan na yata ako ng bait dahil parang nilalagyan ko ng malisya ang sinabi niyang 'Mas binigyan mo lang ako ng rason para mas magustuhan ka'. Geez! Bakit ako kinikilig? No! wake up self! Hindi puwede

Naiiling ako na umalis sa lugar na 'yon hanggang sa namalayan ko na lamang na nasa tapat na pala ako ng main gate ng school, pero hindi 'yon ang nakakuha ng atensyon ko. Mayroong lalaki ang nakasakay sa motor at nakasuot ng helmet sa hindi kalayuan. Alam kong siya 'yon.

Agad ko siyang nilapitan. "V-ver?" alanganin kong saad at dahan-dahan naman siyang lumingon sa akin. Hindi ko pa rin makita ang mukha niya dahil sa Helmet.

"Bre! You came back," masaya niyang saad.

Nginitian ko siya. "It's nice to see you again, Ver"

"Likewise, Bre. Wait, uuwi ka na ba? Ihahatid na kita," alok niya.

Agad akong umiling. "Hindi na, may pupuntahan pa kasi ako na part time job ko. Puwede bang mag kwentuhan tayo sa ibang araw? Kailangan ko na rin kasi umalis ngayon. Saan ka ba tumatambay palagi? Para pupuntahan kita kapag free time ko."

He chuckled. "Nah, Bre. Ako ang maghahanap sa 'yo, so don't you dare to hide from me, okay? "

Natawa na lamang din ako. "Sira! Bakit naman kita pagtataguan, eh, magkaibigan na nga tayo, hindi ba? Noong isang araw pa nga kita hinahanap-" Napatigil ako nang mapagtanto ko ang sinabi ko. Geez! Baka iba ang isipin niya.

"Don't worry, from now on, palagi na tayong magkikita."

Tumango na lamang ako. "Aasahan ko 'yan, ah!" I sighed. "Ang dami ko pang gusto sabihin, eh, mas gusto pa kita makilala ng lubusan, kaso nagmamadali na talaga ako. So ahm, ingat na lang sa byahe."

"You too. I can't lose you."


One Love To Go (PUBLISHED UNDER PIP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon