Nakailang beses na bumalik si Kevin sa bahay namin at talagang inalagaan niya ako hanggang sa gumaling ako. Kaya naman nang umayos na ang pakiramdam ko ay muli na akong nakapasok. Sa nagdaan na araw ay mas naging clingy na si Kevin at iba't ibang pakulo ang ginagawa niya. Halos mailang din ako dahil nag-iba na ang trato sa akin ng mga estudyante, lahat sila ay bigla na lamang naging mabait sa akin at pilit na nakikipag-close.
"Iris ang ganda mo ngayon, Iris can we be friends? Iris bonding naman tayo minsan blah blah. Mga plastik!" naiiritang saad ni Rica habang pilit na ginagaya ang mga sinasabi ng mga ka-schoolmates namin na gustong makipag-close sa akin. Tinitigan niya ako ng masama at dinuro-duro. "Hoy! Kapag talaga pinagpalit mo ako sa mga plastik na 'yon, sinasabi ko sayo... kakatayin kita ng buhay!"Napahalakhak ako. "You're crazy! Stop being jealous. Kahit may sayad ka ay hindi kita ipagpapalit sa mga taong gusto lang mapalapit sa akin dahil alam nilang nililigawan ako ni Kevin."
Agad na sumilay ang ngiti sa labi niya. "Buti naman at wala kang balak palitan ang bespren mong maganda. Pero grabe 'no? Mas naging ma-effort na si Kevin, tignan mo 'yang dala-dala mo ngayon na bulaklak, baka sa susunod ay wala ka nang mapaglagyan ng mga iyan sa sobrang dami niya nang naibigay," kinikilig niyang saad.
Naiiling ako na tinitigan ang bulaklak. "Rica, alam mo namang hanggang ngayon ay iniiwasan ko pa rin siya, hindi ba?"
Tumango siya. "Iyon na nga! Patuloy mo pa rin siyang iniiwasan habang siya naman ay mas pilit na gumagawa ng paraan para mapasagot ka."
I sighed. "We can't be together Rica, maya-""Mayaman siya at ikaw hindi? Duh! Bakit ba kasi nagpapaapekto ka sa sinasabi ng iba? Hello! Uso pakinggan ang puso at hindi ang ibang tao. Huwag ka nga kasing nega."
"Ewan sa 'yo! Halika na sa room at baka ma-late pa tayo." Hindi ko na siya pinagsalita pa at hinila na paalis.
Nang makarating kami sa room ang lahat ay nakatingin sa amin. Pero hindi iyon ang ikinagulat ko, kung hindi si Kevin na nakaupo na sa tabi ng upuan ko at marahan na nakatitig sa akin. "Yieee! Kilig much," panunukso ni Rica bago umupo sa seat niya.
"You look beautiful, bakit parang mas gumaganda ka bawat araw?" Nasapo ko ang noo ko nang marinig ko ang bulong ni Kevin. Damn, ayan na naman siya sa mga corny niyang banat. Nagkunwari na lamang ako na may isinusulat. "Sana papel ka na lang din, para puwede kitang pangalanan at nang malaman ng lahat na pag-aari na kita."
Parang may paru-paru na kumikiliti sa tiyan ko kaya naman napangiti na lang ako ng palihim. Buong class time ay wala siyang ginawa kung hindi ang mangulit, kapag may mga tanong din na hindi ko masagutan ay agad niyang itinuturo sa akin ang mga tamang sagot.
Mukhang hindi talaga siya titigil. Nang matapos ang class time ay agad niyang binuhat ang bag ko. "Hey!" gulat kong usal.
"Come on, iniintay na tayo ni Rica sa cafeteria, sabay-sabay na tayo kumain." Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at napansin kong wala na nga si Rica. Loko 'yon, ah!
Akmang magsasalita na ako nang bigla na lamang lumapit sa akin si Prof Salazar. "Iris, I think you need to go home now."
Kumunot ang noo ko. "But why, Sir?"
"Your Mother called a short while ago... nasa hospital daw ang iyong Ama." Halos manlumo ako sa narinig ko.
Dahan-dahan akong tumango at mabilis na inagaw kay Kevin ang bag ko. "I'm sorry, I have to go."
Nagulat ako nang bigla na lamang niya akong yakapin. "Everything will be alright, Bre. Come on, ihahatid na kita sa-""No! please, Kevin... kaya ko na ito. Gusto ko muna mapag-isa" mukha naman nakuha niya ang nais kong sabihin.
"Fine, ihahatid na kita sa main gate. Papasakayin lang kita ng taxi para makampante akong makakapunta ka doon ng maayos." Tumango na lamang ako at hindi na tumutol pa. Hinatid niya ako sa main gate at sinamahan ako hanggang sa makasakay na ako.
Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasan na hindi manlamig. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa nangyayari. Nang tuluyan akong makarating sa Hospital ay halos takbuhin ko na ang room number na sinabi sa akin ni Prof. Salazar.
Naabutan ko si Mama na naka upo at taimtim na umiiyak.
"Ma, anong nangyari?" Marahas niyang pinunasan ang luha niya nang makita niya ako.
BINABASA MO ANG
One Love To Go (PUBLISHED UNDER PIP)
Teen FictionHighest Rank Achieve; #1 Chicklit Noon pa man ay itinatak na ni Iris Morgan sa kaniyang isipan na walang magandang maidudulot ang mga mayayaman: dahil kapag mas mayaman, mas basura ang tingin sa mga mahihirap. Namuhay siyang simple at kontento na s...