Chapter 2

192 112 1
                                    

CHAPTER 2

Kahit saan ako pumunta ay halos mabingi ako sa sobrang ingay ng mga tao sa paligid. Lahat ay busy sa pagpapaganda, sa pagbibihis at pagkuha ng mga litrato. Program lang kasi namin ngayon at lahat ay kailangan na sumali sa cosplay event na gaganapin mamaya sa Event Hall ng University namin. Kasalukuyan akong nasa loob ng isa sa mga cubicle dito sa restroom sa second floor.

Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi nang bigla akong makarinig ng sunod-sunod na katok, mukha yatang natagalan ako sa pagbihis. Agad kong binuksan ang pinto at saka ako lumabas. Ngunit ganoon na lamang ang gulat ko nang tumambad sa akin ang matalim na titig ni Chloe, kasama niya sina Nicole at Kyla na mga kaibigan niya. "Ahm, sorry kung natagalan ako," hingi ko ng paumanhin sa kanila.

Narinig ko ang mapangkutya na tawa ni Nicole. "What the hell is that?" turo niya sa puting dress na suot ko. "Wait, pfft! Sinong ginagaya mo, Nerdy?"

Napatingin ako sa suot ko, maayos naman ito. Hiniram ko pa ito sa Ate ng kapitbahay namin. White long sleeve dress na below the knee. What's wrong with this? Disente namang tignan pero bakit parang nandidiri wa kung makatitig? "B-baka mag Disney princess na lang ako, puwede naman na itong pang Cinderella, hindi ba?" alanganin kong tanong sa kanila.

Sabay-sabay silang humagalpak ng tawa. "Disney princess? Cinderella? Geez! You're so funny! Mas mukha pang Cinderella 'yong katulong namin kaysa sa 'yo, Nerdy."

Napaiwas ako ng tingin. "I-im sorry, wala naman kasi talaga akong alam sa ganito, eh. May ideya ba kayo kung sino ang puwede kong gayahin gamit itong dress na ito?" Kailangan kong kapalan ang mukha ko, isa-isa kaming magpapakilala mamaya at sasabihin kung sino ang pino-portray namin. Sa puntong ito, alam kong nagsasabi lang sila ng totoo. Siguro nga hindi ako puwedeng mag Disney princess gamit ang bestidang ito, baka nga naman mapahiya lang ako.

Nagtinginan silang tatlo. "I know something that will suits you and your dress," Chloe said.

Marahan akong napangiti. "Talaga? Ano ba ang character name niya para makikigamit ako ng wifi sa library saglit. Ise-search ko na lang kung anong hitsura niya at mga famous line niya para magaya ko-"

"Sshh! Chill out, Nerdy, we'll help you. Hindi mo na kailangan na mag-research para magaya siya," putol ni Kyla sa sasabihin ko.

Nagulat ako nang bigla na lamang nilang ibinuhos sa akin ang dala-dala nilang red liptint, face paint at pintura na mukhang pang-props nila. "Oh, wait! May ketchup pa pala ako dito sa bulsa ko," pagkasabi ni Nicole no'n ay agad niyang ibinuhos sa akin ang ketchup na dala niya na nasa sachet.

"See? You look great, Nerdy! Talagang binaon namin ang mga 'yan para sa 'yo. Alam kasi naming hindi ka pa nakakapag-decide kung sino ang gagayahin mo. Sayang nga at wala pa 'yong mga uling na ipinabili ko. Akala ko kasi mamaya ka pa papasok, who would have thought na saktong pagpunta namin dito sa restroom, eh, ikaw agad ang makikita namin," mapang-uyam na saad ni Chloe.

"You should be glad, Iris! At least, tinulungan ka na namin mag-isip kung sino talaga ang bagay sa 'yo na gagayahin mo. Hindi mo na kailangan pang mag-research, white lady suits you well!" natatawang sambit ni Nicole.

Napatingin ako sa suot ko. Para akong naligo ng dugo dahil sa ginawa nila. Kung titignan akong mabuti, magmumukha nga akong white lady katulad sa mga horror movie. "H-hindi sa akin ang damit na ito, sana hindi n'yo na lang dinumihan."

Muli silang nagtawanan na tatlo. "Oh, well, good luck to you, Nerdy! Nanghiram ka na nga lang ng basahan nadumihan mo pa. Ano sa tingin mo ang gagawin sa 'yo ng nagpahiram sa 'yo niyan? Mukha pa namang tagong-tago sa baul ng may-ari iyang dress na 'yan," nakangising wika ni Kyla.

Naiyukom ko ang kamao ko. Gusto kong makipag bangayan sa kanila pero alam kong walang magandang mangyayari kapag ginawa ko iyon, kaya nagpasya na lamang ako na umalis sa lugar na 'yon.

Bawat madaanan ko ay pinagtatawanan ako at pinandidirihan. Lahat kasi sila ang gaganda ng mga ayos, parang ako lang yata ang naiiba. Parang ako lang 'yong mukhang pupunta ng halloween party.

Sa sobrang hiya ko ay agad akong tumakbo. Ni hindi ko nga alam kung saan ba ako pupunta, basta ko na lang namalayan na pataas na nang pataas 'yong dinadayo ng paa ko.

Agad akong napahinto nang maramdaman kong kinakapos na ako ng hininga. Napagtanto ko na lamang na nasa rooftop na pala ako. Napatingin ako sa paligid, mukhang wala namang nakasunod sa akin kahit isa.

Uupo na sana ako para makapagpahinga nang biglang may mahagip ang mata ko. May isang lalaki ang nakaupo sa railings ng rooftop at nakatingin sa ibaba. Wait, what the hell? Magpapakamatay ba siya?

"W-wait! Stop!" sigaw ko at agad akong lumapit sa kaniya. "D-don't do that, please! Bumaba ka diyan," pakiusap ko sa kaniya. Hindi ko siya mamukhaan dahil sa costume at vampire mask na suot niya.

Bumaling siya sa akin. "Why would I listen to you?" he yelled.

Napalunok ako, paano ko ba siya mapipigilan sa binabalak niya? Napapikit ako ng mariin bago ako tumabi ng upo sa kaniya. Halos atakihin ako sa kaba nang mapatingin ako sa ibaba. Isang maling galaw lang naming dalawa ay parehas kaming mamamatay.

"What do you think you're doing, Retard?" he asked.

I glared at him. "Don't call me that! Kung may retard dito, ikaw iyon at hindi ako!" I sighed. "Alam kong may pinagdadaanan ka. But seriously, it doesn't make sense, hindi mo kailangang gawin ang bagay na ito."

"You know nothing, Retard. So, could you please-just shut up and leave me alone."

I shook my head. "Mahirap lang kami. Pero ni minsan, hindi ako nagreklamo kasi okay na ako sa kung anong mayroon kami. Not until, I become a sick person. Kitang-kita ko kung gaano naghirap lalo 'yong pamilya ko. Nang dahil sa akin ang almusal nila naging murahan, tanghalian nila sumbatan at gabihan ay sakitan. Sobrang sakit sa part ko na dahil lang sa pabigat na katulad ko ay naging miserable ang buhay ng mga mahal ko. Halos pinakyaw ko na lahat ng sakit, kaya naman napatanong na lang ako kung bakit ako pa? Bakit ako pa, eh, mas mahirap pa nga kami kaysa sa daga."

I slowly looked at him. "Ilang beses kong sinubukan na magpakamatay, kasi naisip ko na baka kapag nawala ako mas maging okay sila, baka guminhawa buhay nila. Pero naisip ko, sino ba ako para magdesisyon kung kailan ko gustong mamatay? Suwerte pa nga ako kasi sa mundong ito, ang daming nag-aagaw buhay na hiling nang hiling na sana mabuhay pa para makita 'yong mga kaibigan nila o mahal nila sa buhay. Hindi kita kilala, pero sa tingin mo ba matutuwa 'yong pamilya mo kapag nalaman nilang ipinahamak mo ang sarili mo?"

Umiwas siya ng tingin. "T-they are gone." He shook his head. "They're dead, ako na lang ang naiwan sa amin. Niligtas nila ako at sabay-sabay silang n-namatay." Ilang segundo akong natahimik. Kung ako ang nasa kalagayan niya, baka hindi ko rin kayanin. Napatingin ako sa balikat niyang nanginginig, mukhang umiiyak siya.

Dahan-dahan kong inilapat ang kamay ko sa likod niya at hinimas-himas iyon para patahanin siya. "I-im sorry. I didn't know." Muli akong napabuntong hininga. "But seriously, hindi mo pa rin dapat ituloy itong binabalak mo. I mean, alam kong mahirap pero isipin mo na malaki ang utang mo sa kanila. Nagsakripisyo sila dahil gusto nilang mabuhay ka pa, sasayangin mo lang ba 'yon? Gusto mo bang mas masaktan sila kapag nalaman nilang nabaliwala lang 'yong sakripisyo nila para mabuhay ka?"

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at basta ko na lang siyang niyakap. Naramdaman kong natigilan siya pero mayamaya lang ay narinig ko ang mahina niyang pag-hagulgol.

Ilang saglit kaming nanatili na ganoon hanggang sa naramdaman kong huminahon na siya.

Tumikhim ako. "Sama ka sa akin?"

"Where?"

Ngumiti ako ng marahan. "Basta, halika sama ka sa akin." Dahan-dahan akong bumaba sa railings at saka siya maingat na hinawakan sa kamay para hilahin pababa. Nakahinga ako ng maluwag nang parehas kaming nakaalis ng maayos sa railings.

"Where are we going?"

I just shrugged my shoulder. "Come on, Sumama ka na lang."


One Love To Go (PUBLISHED UNDER PIP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon