Halos limang araw na ang naklipas simula nang mamatay si Kevin. Nakalabas na rin ako ng hospital at ngayon ang huli niyang burol.
Nasa labas pa lamang ako ng chapel ay rinig ko na ang boses nila Mama at Rica na nag-uusap.
"Rica, nag-aalala na ako sa anak ko, halos hindi na siya lumalabas sa kwarto ni Kevin. Sa tuwing tinatanong namin kung gusto niyang sumama dito sa burol ay puro iyak ang sinasagot niya."
"Tita, masyado po kasi talagang masakit sa part niya ang pagkawala ni Kevin."
"Alam ko naman 'yon Rica, pero nag-aalala na talaga ako sa kaniya. Baka naman puwede mo siyang tawagan at papuntahin dito, huling burol na ngayon ni Kevin at bukas na ang libing. Ayoko naman na pagsisihan niya kapag hindi niya nakita ang katawan ni Kevin sa huling sandal."
Tumango si Rica. "Sige po Tita, susubukan ko po na tawagan siya-"
"No need," putol ko sa kanila.
Halos lahat sila ay nagulat nang makita ako, ngayon lang kasi talaga ako dumalaw sa burol.
"Iris anak, okay ka na ba?""Fren, kumain ka na ba? May masakit ba sa 'yo?"
Ni isa sa mga tanong nila ay wala akong sinagot at dumiretso lamang ako sa kabaong ni Kevin.
Gwapo pa rin siya kahit pumayat na. Kung titignan ay para lamang siyang mahimbing na natutulog. "Hi." Pinilit kong ngumiti kahit para na akong nasasakal. "Walang nagbago hon, mahal na mahal pa rin kita." I squeeze my eyes shut. "H-huwag kang mag-alala tutuparin ko ang sinabi ko ko, pangako na magiging maayos ako at masaya hanggang sa pagtanda."
Bumaling ako kay Rica na nasa tabi ko. "Puwede mo ba ako tulungan na-"
Agad siyang umiling. "Iris, no! Alam ko kung anong binabalak mo."
"P-please? Please help me... gusto ko lang siyang maramdaman sa huling sandal," pagmamakaawa ko sa kaniya kaya wala na rin siyang nagawa pa kung hindi ang tulungan ako na itaas ang salamin ng kabaong ni Kevin.
Siguro para sa iba ay isa itong kabaliwan at nakakadiri na tignan. Pero wala na akong pakialam pa, gusto ko lang na mahawakan siya sa huling sandal.
I slowly bow down my head and kissed him on his lips.Dinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa paligid.
Hinawakan, hinalikan at niyakap ko ang malamig na bangkay ng lalaking pinakamamahal ko sa huling sandali.
"Iris, tama na 'yan, please tama na." Agad akong inilayo nila Rica at ipinaupo sa malayo habang ang iba maman ay muli nang ibinaba ang salamin ng kabaong ni Kevin.
Ilang oras akong umiyak lamang nang umiyak. Halos lahat sila ay walang ginawa kung hindi ang patahanin ako at bigyan ng maiinom.
Pero wala ni isa ang nakapagpagaan ng loob ko.
Humugot ako ng malalim na hininga at muling tinitigan ang kabaong ni Kevin. Nang maramdam kong kaya ko ng tumayo ay agad kong binaklas ang pagkakayakap nila sa akin at naglakad palabas ng chapel.
"Ate uuwi ka na po ba? Ihahatid ka na po namin ni Papa," pigil ni Inigo sa akin.Agad akong umiling. "H-huwag na, pakiusap lang, hayaan niyo na muna akong mag-isa." Muli kong tinignan si Rica. "H-huwag niyo na rin akong isama sa libing bukas, hindi ko talaga kaya." Naunawaan naman nila ang ibig kong sabihin kaya sabay-sabay nila akong tinanguan.
Nang tuluyan na akong makalabas sa chapel ay agad akong dumiretso sa kalapit na Simbahan nito at nagdasal.
Pinagsiklop ko ang dalawa kong kamay at lumuhod saka siya kinausap.
"Noong hindi ko na alam ang gagawin, ikaw po 'yong and'yan para pagaanin ang loob ko. Then I asked you to make me happy and you did it. Ibinigay mo siya sa akin."
"Before I met him, I feel so lost and lonely. Ni hindi ko rin alam kung saan ba ang tamang daan para lang sumaya. Pero noong ipinakilala mo siya sa akin, it feels so great! Ang dami kong natutunan at sumaya ako. K-kaya salamat po sa lahat." Saglit akong huminga ng malalim.
"I know I'm asking you too much... but please God, please take care of him. Kung puwede po sana ayoko nang muli siyang maghihirap o mag-iisa.""I love him so much! Kaya kahit sobrang hirap at sobrang sakit na ay pipilitin kong mabuhay hanggang dulo sa tulong mo at sa tulong niya."
BINABASA MO ANG
One Love To Go (PUBLISHED UNDER PIP)
Teen FictionHighest Rank Achieve; #1 Chicklit Noon pa man ay itinatak na ni Iris Morgan sa kaniyang isipan na walang magandang maidudulot ang mga mayayaman: dahil kapag mas mayaman, mas basura ang tingin sa mga mahihirap. Namuhay siyang simple at kontento na s...