Ilang buwan na lamang ang natitira at malapit na kaming magtapos lahat sa college. At sa mga nagdaan na araw ay walang sinayang na oras si Kevin para patunayan kung gaano niya ako kamahal.
Masasabi kong mas naging maayos na ang lahat ngayon. Wala na si Chloe dito sa University, agad siyang umalis ng bansa nang matanggal siya sa pagiging cheer leader. Kahit marami pa rin ang may ayaw sa akin ay wala naman nang nananakit sa akin, lalo pa't lagi akong bantay sarado ni Kevin.
"Iris pakidala naman nitong tray sa pinakaunang table," utos ni Aling Enang. Agad ko naman itong tinanggap.
Malayo pa lang ay tanaw ko na ang isang lalaki na mag-isang nakaupo sa pinakaunang lamesa. "Sir, ito na po 'yong order niyo-"
"That's not my order." Nanlaki ang mga mata ko nang tumambad sa akin ang nakangising mukha ni Kevin.
"Anong ginagawa mo dito? Hindi ba't may practice kayo-" Napasinghap ako nang basta na lamang niya akong higitin paupo sa kandungan niya.
"There. You're my order." Napamaang ako sa sinabi niya."Damn, Bre! Your reaction was priceless," natatawa niyang saad.
"Hoy! Baka gusto niyo din akong ayain na kumain?" Biglang sumulpot si Rica at umupo sa tapat naming.
"Go on, eat all you want, Rica. Sagot ko." Sabay pa silang nag-approved sign at parang tuwang-tuwa sa nangyayari.
"Kevin," bulong ko sa tenga niya. "Please lang, bitawan mo na ako, nakakahiya ang dami nang nakatingin."Mas hinigpitan niya pa lalo ang pagkakahawak sa baywang ko na para bang nang-aasar. "I told you, I'm not gonna let you go."
I rolled my eyes on him. "Puwede naman kasing sa tabi mo na lang ako umupo, hindi ba-"
"But my lap was more comfortable, don't you think so?" I glared at him. "Damn, Bre! You're blushing. Mas lalo kang gumaganda kapag namumula ka."
"Heh! Tigilan mo nga ako!" suway ko sa kaniya.
"Fine, but kiss me first."
"Y-you-hoy! hindi pa kita sinasagot, ah!" nauutal kong saad na sabay nilang ikinatawa ni Rica.
"I'll wait then." He winked at me.
"Whatever!" Nang sinubukan ko ulit tanggalin ang pagkakayakap niya sa akin ay hindi na siya nagpumiglas pa. Umupo ako sa tabi niya at kumuha ng juice na nasa tray.
"Eat up! Kumain ka rin," saad niya at mayamaya pa ay tumayo na siya. "I need to go now, I'll see you later, Bre" tinanguan ko lamang siya.
Nang maiwan kaming dalawa ni Rica ay agad niyang kinurot ang pisngi ko. "Shit, nakakainis! Kinikilig ako sa inyo, kailan mo ba kasi siya sasagutin?"
Nagkibit balikat lamang ako.
"Kapag ni-busted mo pa siya, ewan ko na lang talaga sayo! Grabe na kaya 'yong ginagawa ng tao. Hinahatid at sunod ka, araw-araw kang binibilhan ng pagkain at bulaklak at kung ano-anong pakulo ang ginagawa. Kaya kapag siya ni reject mo pa, hindi ko na talaga alam sa 'yo!"
"Don't tell me he bribed you again?" mapang-uyam kong saad at napangiwi na lamang siya."Grabe ka naman, nagsasabi lang ako ng totoo, ah! Walang kinalaman 'yong bag na ibinigay niya sa akin."
Umiling-iling ako at nagkunwaring dismayado sa kaniya. Katulad ng dating gawi ay madali naming tinapos ang mga dapat gawin sa cafeteria.
Ilang oras na ang nakalipas at tapos na din ang class hours namin pero hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik si Kevin.
"Baka mabali leeg mo niyan," pang aasar ni Rica.
Nasa field kami ngayon at nagpapalipas ng oras. "Bakit wala pa siya? Sobrang tagal naman ata ng practice nila."
Ngumisi siya. "Hindi mo na lang kasi sabihin na nami-miss mo na siya." May dinukot siya sa bag niya at ibinigay sa akin.
"Ano naman ito?" tanong ko sa box ng cellphone na inabot niya, it's an iPhone.Napakamot siya sa ulo. "Actually, hindi naman talaga bag ang ibinigay niya sa akin, dalawang cellphone at tig-isa raw tayo."
"What the hell, Rica? No! Hindi ko ito tatanggapin-"
"E'di, itapon mo! Kapag ayaw mo raw tanggapin, itapon mo na lang daw." Muli siyang ngumisi nang mapansing natigilan ako. "Hinahanap mo siya, hindi ba? Tatawag siya d'yan mamaya. Kung ayaw mong nag-aalala kayo parehas, tanggapin mo na lang 'yan para puwede niyong tawagan ang isa't isa."
"At saan ka naman pupunta?" tanong ko nang mapansing aalis na sya.
"May lakad pa ako, ikaw na lang ang maghintay sa kaniya. Pakisabi na lang sa kaniya na thank you ulit sa matching cellphone natin. Ang cute kaya!" Napailing na lamang ako at pinagmasdan ang bulto niyang papalayo. Binuksan ko ang box at sakto naman na may tumatawag.your future boyfriend calling....
"So, do you like your new phone?" tanong ni Kevin sa kabilang linya.
"Whatever! Babayaran ko ito sa susunod."
"Just one kiss from you will be enough."Hindi ko na napigilan ang mapangiti sa ka corny-han niya. "Nasaan ka ba?"
"Go to the rooftop babe, I'll wait for you."
Magsasalita pa sana ako pero binabaan niya na ako, wala na akong nagawa kung hindi ang pumunta ng rooftop.
Nang makarating ako doon ay halos malaglag ang puso ko sa sobrang kaba. Nakaupo na naman siya sa Railings at nakatingin sa ibaba
"What the-no! please, Kevin, don't do this!" Halos hindi ko na alam kung ano ang dapat kong sabihin.
Napalingon siya sa gawi ko at nanlaki ang kaniyang mga mata. "Bre? You're already here?"
"You moron! Bumaba ka nga diyan," naluluha kong saad sa sobrang kaba na nararamdaman ko.
"What the fuck, Iris! Are you crying!" Agad siyang bumaba sa railings at niyakap ako nang mapansin niyang umiiyak na ako. "Why the hell are you crying? Are you okay? What happened?"
"A-anong binabalak mong gawin, bakit ka nakaupo sa railings?"
"Nothing, nagpapahangin lang ako at iniintay ka- wait! Don't tell me, inakala mong magpapakamatay na naman ako?" He chuckled. "Damn, Iris! You're really turning me on. Ang akala ko naman ay may nangyaring masama kaya ka umiiyak."Hindi ako umimik at nagpatuloy lamang ako sa pag-iyak. Nang mapansin niya iyon ay agad niya akong inalo. "Hey, shhh. I'm sorry. I swear, wala naman akong balak na mag-suicide, iniintay lang talaga-"
"Hindi ko na kailangan ng buong school year at ayoko na rin na ligawan mo ako, Kevin."
Halos mamutla siya sa sinabi ko. "Why-no! Iris, don't do this. I promise, mas pagbubutihan ko ang panliligaw sa 'yo just-"
"Because I already love you, Kevin."
"W-what?" Napamaang siya at para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Damn! What did you just say? come on, say it again-"
"Hindi mo na kailangan na manligaw dahil sinasagot na kita, I love you-" Napasinghap ako nang bigla na lamang niya akong sunggaban ng halik.
"I love you more, Iris. I love you so damn much!"I smiled at him sweetly and at that moment I realize that he's like my car and I'm the driver, I need him to be in a right path.
BINABASA MO ANG
One Love To Go (PUBLISHED UNDER PIP)
Teen FictionHighest Rank Achieve; #1 Chicklit Noon pa man ay itinatak na ni Iris Morgan sa kaniyang isipan na walang magandang maidudulot ang mga mayayaman: dahil kapag mas mayaman, mas basura ang tingin sa mga mahihirap. Namuhay siyang simple at kontento na s...