Chapter 16
"Gagawin natin dito?" pagtanong ni Keifer sa kaniya. Tumingala siya para makita ang pangalan ng store ng pinasukan nila.
"Ano bang ginagawa sa tindahan ng mga damit?"
"Bumibili"
"Alam mo naman pala,so shut up"
Hindi parin siya makamove on sa ginawa nila sa restroom kanina. Hindi siya komportable na ganito parin ang suot dahil malamang sa malamang makikilala sila ng mga taong yun dahil sa suot nila.
Hindi na niya hinintay pa si Keifer. Busy ito sa pagtingin sa paligid. Pagkapasok palang niya samo't saring damit ang nakalagay dun at isa rin sa napansin niya na puro couples ang nandito.
"Excuse me" pagtawag niya ng pansin sa isang saleslady.
"Yes ma'am?"
"Pwede bang bumili ng isang t-shirt?"
"Ay nako hindi po pwede ma'am. Couple shirt po lahat ng nandito. Ang weird naman pong tingnan na maiiwan yung isa at mawawalan ng kapareha di po ba?"
"Ahmm ganito nalang i'll pay you double" umaasa siyang tumango ito.
Umiling ito "sorry ma'am rules po talaga"
"If paying double isn't enough, how about triple?" pagpilit pa niya.
Umiling ito at doon siya nawalan ng pag-asa. Naglakad lakad siya para tumingin ng mga style. Nadako ang kaniyanh tingin sa isang red shirt.
That's nice!
Halos humiwalay ang kaluluwa niya ng may biglang umihip sa may batok niya "You want to buy?" boses palang nito kilala na niya.
"Hindi"
"Kaya pala dito mo ako dinala gusto mo lang pala ng couple shirt."
"Magkape ka"
"Bakit? Para kapeling ka?" pagbanat nito sa kaniya. Halos mamula na siya sa sinabi nito.
"Para kabahan ka naman sa sinasabi mo" pambara niya dito. Inirapan niya pa ito at binunggo. Hindi pa siya nakakalayo may biglang lumapit dito.
"Ahm hi" pagbati ng babaeng higad kay Keifer. Nagtago naman siya sa may hilera ng couple jacket.
"Hey"
"Are you alone?" tanong nito pero hindi sumagot si Keifer. Lalo siyang nainis hindi man lang sinabi nito na may kasama ito at siya iyon.
Gusto niya itong sigawan ngunit nanatili lang siyang tahimik habang nakamasid.
"None?" nakangiting tanong nito kay Keifer "May game kasi itong shop and i want you to be my partner. Tutal wala ka naman kasama ta....." hindi na niya kaya ang narinig at lalo hindi niya maatim ang paghimas nito sa braso ni Keifer. Wala itong karapatan sakaniya lang si Keifer.
"Excuse me" hinawi niya ang babae at dumaan sa gitna nito. Kinuha niya ang couple shirt na kanina pa niya gustong bilhin.
"What's your problem bitch?" angil sa kaniya ng babae.
"Nothing. Ikaw ba? Anong kailangan mo sa kaniya?" tinuro niya si Keifer na tahimik lang nakamasid sa kanilang dalawa. I hate cat fight para lang ito sa mga childish pero hindi niya mapigilan e. At eto namang lalaking to game na game sa panlalandi sa kaniya.
Win my heart pala ha.
"Why do you care?" singhal nito.
"Omo. Im scared" pag-aarte niya. Lalo itong naasar sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
MY SWEETEST SURRENDER (Obsession Series 1)
Ficção GeralSTATUS: COMPLETED (UNDER REVISION AND EDITING) You're my ecstasy fire and gasoline.