Game

6K 171 1
                                    

Chapter 23

"Hmm try na natin kung hanggang saan ang galing nyo sa pag-arte" pinaliwanag na niya ang gagawin kanina. Labag man ito na gawin iyon wala silang magagawa dahil utos niya.

Nakailang beses narin tumawag ang walanghiyang babae na 'yon. Hindi man lang niya sinagot dahip nagplaplano niya.

"Remember once you betrayed me hindi lang kayo ang mamatay pati ang mahal nyo sa buhay."  nakadikit sa may semento ang mga larawan ng asawa,anak,o mga magulang nito. She used her connections and nandito si Samuel and Laura. Kung nagtataka kayo kung bat wala ito sa ibang bansa? Well nandito ang mga misyon nito.

Tahimik na nakaupo lang si Samuel sa may gilid habang nagtitipa sa laptop nito. Habang si Laura naman ay umiinom ng kape na binili pa daw nito sa Starbucks bago pumunta dito. Nakahanay rin ang iba't ibang klase ng armas sa may lamesa at   nililinisan iyon ni Lauren . May sariwang dugo pa ang naroroon. Kitang kita na bagong gamit pa lang iyon. Sinadya ni Lauren na ipakita ang dugong tumatagaktak rito. Namutla ang mga ito at pinagpapawisan.

"Well, tawag nalang ng kliyente nyo ang hinihintay. Kaya kapag tumawag na ito galingan nyo sa pag-acting"

"Handa ko lang yung camera hihi for filming" parang batang wika ni Lauren. Inayos pa nito ang camerang hawak.

"Handa na ang mga tauhan ko sa bawat pamilya nila. Kaya im just waiting for those na magkakamali at magtataksil"

"Narinig nyo naman siguro. Kaya kung ako sainyo sakin kayo sumunod hindi kayo bubuhayin ng putang babae na 'yon" natatawang wika niya. Nakaupo siya sa harap ng mga ito habang may hawak na katana. Mas gusto niya itong gamitin para pangkitil ng buhay ng mga taksil.

Sa kabilang kamay naman niya ang phone ng leader nito. Ilang minuto pa ang kanilang hinintay ang tawag nito. Gabi narin at malamang hinahanap na siya ni Keifer.

Sinampal rin niya ang kaniyang pisngi para mas kapanipaniwala na may nangyaring hindi maganda sa kaniya. Pumutok rin ang gilid ng kaniyang labi. At namumula ang kaniyang pisngi. Para na siyang nakipag-away.

Lahat sila napatingin sa phone na hawak niya ng biglang tumunog iyon.

"Well let's begin" inilapit niya sa lider ang phone na hawak niya nakaloud speaker'yon isang malutong na mura agad ang sumalubong sa kanila.

"Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?" galit na sigaw nito sa kabilang linya.

"Naging busy ako sa pinapagawa mo boss" kinakabahan pa ito sa bawat linyang pinapakawalan. Natatakot na magkamali.

Yan feel more fear.

"Yun lang?" nagdududang tanong nito sa kabilang linya.

"Oo" pinipilit nitong tinapangan ang boses .

"Anong ginawa mo sa kaniya?"

"Gaya ng pinapagawa mo samin boss. Binigyan na namin ito ng leksyon" tumango tango siya sa naging sagot nito.

"Good good i want to hear her voice" sabi nito. Napangisi siya dahil alam niya na ganito ang mangyayari.

Sinampal niya ang kaniyang pisngi ng malakas kaya napadaing siya sa sakit. Tiningnan niya ng masama yung lima at hinihintay ang susunod nitong sasabihin.

"Boss nagmamatigas kaya nasampal ko na" wika ng isa sa mga tauhan nito.

"Gusto kang kausapin ni madam" wika naman ng lider nito. Ngumisi siya sa naging sagot nito.

"Damn you" kunwaring nasasaktang wika niya.  "Pakawalan nyo ko" sigaw niya.

"Sa tingin mo papakawalan ka namin hangga't hindi pa inuutos ng boss namin?" tumawa ito ng malakas.

Isang malakas na tawa ang pumailanlang sa kabilang linya.  "Siguraduhin nyong matatakot yan. Mamaya nyo nalang yan pakawalan. Tatawag nalang ako sainyo and you can do whatever you want. Much better kung pagsawaan nyo muna ang katawan nyan" isang malakas na tawa na naman ang pinakawalan nito. Nanginig siya sa galit dahil sa sinabi nito.

Pinatay niya ang tawag at saka galit na tinapon ang katana sa may bandang uluhan nito.

"Ituloy nyo lang ang pagsunod sakin siguraduhin ko na mabubuhay kayo" tiim bagang na wika niya.

Tumingin siya sa dalawang kasama niya. "And the both of you. Magpadala kayo ng assassin para bantayan ang galaw ng limang ito. Pag nagkamali silang traydurin ako, patayin nyo agad"

"Areglado captain"

"Good"

Kahit ahensiya siya ng gobyerno wala itong pakialam sa gagawin nya. Hindi ito illegal dahil una palang siya na ang pinagtangkaan ng buhay. Kung lampa at mahina siya malamang patay na siya ngayon.

Nag dial si Lauren at alam niyang assassin ang kausap nito.

"Ayos na Captain. They will arrive in a few minutes." sumaludo pa ito sa kaniya. Tumango siya at tiim na tiningnan ang mga bisugo na to.

Makalipas ang Sampong minuto nakita na niya ang mga assassin na tinawagan ni Lauren. Nakapwesto ito sa tagong lugar dahil malakas ang pakiramdam nilang tatlo alam nilang nandito na ito. Hindi naman ito dumadaan sa pinto sa halip dumaan ang mga ito sa bintana at kaniya kaniyang tago

"They're here" malamig na wika ni Samuel.

Hindi ito gumagalaw sa kanilang pwesto. Isang oras din silang naghintay bago tumawag ang muli ang babae.

"Pakawalan nyo na yan. Make sure na natakot nyo yan at siguraduhin nyo na hindi yan magsusumbong"

"Yes boss"  pinatay niya ang tawag. Lumapit siya sa gawi ng mag ito. Kinalagan niya ang tali dito.

"I'm leaving" pinagpagan niya ang kaniyang kamay "good job ang galing nyo palang umarte" mapang-asar na tono ang ginawa niya.

"Ayusin nyo ang buhay nyo." nilapitan niya ang lider nito at tinapik sa balikat "Lalo na ikaw. Isang maling galaw nyo lang pugot ang ulo niyo. Kayo na ang bahala kung maniniwala kayo na may nakabantay sainyo. Pero kung ako sainyo just believe it para tumagal pa ang buhay nyo." binigyan niya muna ang mga ito ng isang matalim na titig at malamig na ngiti.

Nagbigay siya ng senyas kay Samuel at Lauren. Alam na nila kung ano iyon. Sabay itong tumayo at lumapit sa gawi niya. Sabay sabay silang naglakad palabas.

Habang ang limang naiwan ay tulala at hindi makapagsalita. Dahil na rin sa takot sa nakabangga nila. Labis nilang pinagsisihan na tinanggap nila ang trabaho ng babaeng yun. Ni hindi sila gumawa ng galaw dahil sa takot na baka magkamali sila at mapatay agad ng mga sinasabi nitong nagbabantay sa galaw nila.

MY SWEETEST SURRENDER (Obsession Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon