Chapter 9
Madaling araw palang ay nagising na ako.Ayos na rin ang pakiramdam ko,hindi katulad kanina na parang napapaso sa sobrang init. Medyo masakit ang balakang at pagkababae ko dahil sa paulit ulit na pag-angkin ni Keifer.
Maingat akong tumayo at naglakad papuntang banyo. Dagliang ligo lang ang ginawa ko sa takot na baka magising si Keifer. Napakatahimik at dilim pa ng bahay alas tres palang ng umaga. Nang matapos na ako magbihis. Maingat na pagpihit ng sedura ng pinto ang ginawa ko. Pigil hininga rin,pwede nako maging assassin sa ginagawa ko. Tumambad sakin ang madilim na pasilyo ng bahay. Ekspertong naglakad ako pababa at marahan ding binuksan ang front door. Pagkalabas ko ng gate nandun na agad ang tauhan ni lolo kasama ito.
"Morning lo" hinalikan ko ito sa pisngi pagkapasok ko sa kotse. Agad naman pinaandar ni manong driver ito.
"Morning apo...Musta ang gabi mo?" nakangiting tanong nito.
Napaiwas ako ng tingin dito "Errr.." nangangapa ako kung anong sasabihin dito.
Hindi ba ito naiilang?syempre pribadong ginagawa iyo tapos itatanong sakin.
"Sabi ko na nga ba" pumitik pa ang mga daliri nito at kitang kita ko pustiso nito.
"Alin?" painosenteng tanong ko.
"It's your first night kaya imposible na hindi kayo mag honeymoon,knowing Keifer aktibo pa ang libido nito." napangiwi ako sa sinabi nito kasabay ng pagtaas ng balahibo.
"Lo naman!" nagugulat na sigaw ko. Tumawa ito ng malakas kasabay ni manong driver.
"Okay okay hindi na." itinaas pa nito ang dalawang kamay tanda ng pagsuko.
"Ayos na ba mga damit ko dyan lo?" pagtanong ko.
"Yes. Lahat ng importanteng bagay na kailangan mo ay nasa maleta na. May ibang damit akong iniwan sa bahay niyo para hindi maging kahina hinala"
"The best ka talaga lo" nag thumbs up pa ko. Ngiti lang ang sinagot nito.
Maya-maya lang ay nakarating na kami sa airport. Si manong guard na ang nagdala ng maleta namin. Expected ko na agad na hindi public plane ang sasakyan namin,kundi ang private plan na pag-aari ng mga IVES.
Sumalubong samin ang mga tauhan ni Lolo pagkapasok namin sa eroplano. Good thing makakapagpahinga pa ako ng maayos .Medyo mahaba habang oras ang gugulin .
Nagserve naman agad sila ng breakfast. Masarap ito kaya naparami ang kain ko. Isama mo na hindi ako kumain kagabi tanging cake lang.
"I love this pancakes" nagniningning na wika ko habang nakatingin sa masarap na pancakes. Pangatlo ko na ito at mukhang hindi pa ako nabubusog . Napapikit ako sa sarap ng lumapat muli ito saking dila "Ugh sarap" i giggled.
"Hinay hinay lang apo walang aagaw sayo"
"Tse" tumatawang umirap ako dito saka pinagpatuloy ang pagkain.
----------------
Keifer's PoV
----------------Isang malakas na pagsigaw ang gumising sa mahimbing kong pagkakatulog. Madilim ang mukhang lumabas ako at pinagbuksan ang lapastangan na sumira sa tulog ko.
"Magandang buhay dre" masayang sigaw ni Darius. Maliban kay Clara si Darius ay maituturing ko din kaibigan.
Deretsong pumasok si Darius sa loob ng bahay. Naiiling na sinara ko ang gate pagpasok ko sa loob nakaupo na ito sa sofa .
"Bawal ang bwisita ngayon dito."
"Foul yun dre. Bisita ako,hindi bwisita"
"Anong kailangan mo?aga mo naman yata ngayon mangapit bahay"
BINABASA MO ANG
MY SWEETEST SURRENDER (Obsession Series 1)
Художественная прозаSTATUS: COMPLETED (UNDER REVISION AND EDITING) You're my ecstasy fire and gasoline.