Chapter 6

533 11 2
                                    

Dance practice

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Dance practice

"One, two. One, two and then back. Hold your partner tightly and turn around together. Okay that's it for today guys, see you next week."

Pagkatapos ng unang practice ay agad kong tiningnan ang cellphone ko nagkamali ako ng text kay Kyle tsk.

"Zoey oh tubig," kinuha ko naman 'yon mula kay Aron na katulad ko'y pawisan. Pero kailangan ko ng maunang lumabas alas-nuebe na kasi ang sabi ko hanggang alas-otso lang ang practice.

"Aron salamat dito ah, bawi ako next week kailangan ko ng umuwi emergency lang."

"Emergency? Ihahatid na kita."

"Hindi na nandiyan na kasi 'yong driver ko, sige ha." lumakad na ako ng mabilis, halos takbuhin ko na kung saan naroon ang sasakyan ni Kyle.

Pagkasakay ko salubong na ang dalawa niyang kilay. "Ano'ng oras na?"

"Sorry Doc. mali ako, hindi ko masyado narinig 'yong nagtuturo sa amin."

"Magpalit ka na ng damit basa ka ng pawis," utos niya. Tumingin ako sa kaniya kasi nawiwili siyang dito niya ako pinagbibihis manyak na 'to! "Zoey alam mo ba na pwede kang magka-pneumonia? Hindi ako titingin." Ang seryoso naman niya ngayon, nagpalit ako ng mabilis at hindi naman siya sumilip.

Pinaandar na niya ang sasakyan.

Hanggang makarating kami ng mansion hindi niya ako kinakausap. "Doc. Sorry talaga."

Hinila niya ako at dumiretso sa kitchen, tapos naalala ko hindi pa ako kumakain. "Umupo ka muna, iinit ko lang 'yong ulam na ipinaluto ko kanina," naninibago talaga ako kasi hindi niya ako sinigawan kanina. Tumango lang ako.

Kumain na ako tapos siya hinintay niya akong matapos. Paakyat na kami sa taas. "Ang bagal mong kumilos Zoey, maligo ka na at nakapag-pahinga ka naman na kaya pwede na. Tapos matulog ka pagkatapos mong tuyuin ang buhok mo."

"Mr. Dela Cero, ikaw nga ang pagod diyan dapat magpahinga ka na." nasa harap kami ng silid niya, hinihintay ko siyang pumasok. Nilingon niya pa ako. "S-Salamat Doc., ngayon ko lang kasi naranasan na tratuhin ng ganito kasi noon kahit kasama ko si papa at ate Tricia hindi ko naramdamang nag-aalala sila sa 'kin," pagkasabi ko nun pumasok na ako sa aking silid.

Kumusta na kaya sila? Hindi ako mapakali kaya kung may oras pupunta ako sa bahay namin gusto kong kausapin sila papa. Hindi ako makapunta sa hospital dahil baka harangin ako ni papa.

Kinabukasan maaga pa rin akong nagising at ramdam ko ang pananakit ng buong katawan ko tsk. Ang tagal ko kasing hindi na sumasayaw parang nabigla yata kagabi,

Pagtayo ko parang lumagutok ang baywang ko. "Aray!" Napasandal ako sa pintuan ng banyo, pero pinilit kong maligo.

Nasa ibaba na pala si Kyle at mukhang hinihintay akong kumain, gago na 'to nagpapaka-gentleman pa. "G-Good morning," bungad ko, ngumiti si Kyle. Uupo pa lang ako pero hirap na ako kaya napapikit ako ng mariin.

"May masakit ba?" May pag-aalala sa tono niya.

"Ah, medyo masakit lang ang buong katawan ko siguro nabigla sa pagsasayaw."

"Pagkatapos mong kumain diretso tayo sa hospital," naibagsak ko ang kubyertos pero hindi ko iyon sinasadya.

"Hospital? Teka okay lang ako tapos may mga quizes kami ngayon," daig ko pa ang nagmamadali sa pagsasalita.

"Sandali lang 'yon para malaman natin at mainom ang tamang gamot."

"Look, Kyle! Ang sabi ko okay lang ako saka hindi na ako sasabay sa 'yo ngayon dapat mag-focus ka rin sa studies mo dahil pangarap mo ang nakataya rito kaya si kuya Jigs na lang ang maghahatid sa akin or mag-commute na lang ako," bigla siyang tumayo, lumapit siya sa akin at bigla niya akong binuhat, tapos naman na kaming kumain pero hindi ko maintindihan si Kyle. "Ano ba? Ibaba mo nga ako! Aray!" Halos maiyak ako dahil seryoso na ang sakit ng katawan ko, marahan niya akong ibinaba.

"I'm sorry, tara na sandali lang tayo sa hospital tinawagan ko na ang kaibigan ni daddy please."

Wala akong nagawa hindi na ako tumanggi o nagmatigas pa kasi ang sakit talaga. "S-Sige.."

Nang matapos ay binigyan lang kami ng gamot,  tapos napansin ko kay Kyle na nawala na ang inis sa mukha niya hindi katulad kanina.

"Ahm.. Pwede ba tayong bumili ng fried chicken at ice cream?" Bahagya siyang nagulat at ngumiti.

"Sige.."

Dumaaan kami sa isang restaurant kung saan mayro'ng bilihan talaga ng fried chicken, take out at may ice cream din sila.

"Thank you Kyle! Yehey!" Sobrang saya ko talaga, noon kasi kapag ako ang nagpapabili kay papa ay ang palaging sinasabi wala daw pera pero kapag si ate Tricia grabe kung bilihan.

Si Kyle Dela Cero mabuti siyang tao nakakasiguro ako riyan kahit na madalas niya akong inaaway. Minsan naisip ko na lang mabuti at sila Kyle ang pinagkautangan ni papa, ewan ko pero kapag sila ang kasama ko parang kamahal-mahal din pala ako.


Flashback

Pag-uwi ko galing school naabutan ko si papa kaya dali akong lumapit sa kaniya.

"Papa may tour po kami hanggang sa friday na lang ang bayaran," busy si papa at parang may ka-chat.

"Hindi ka sasama dahil may mga projects si Tricia, next year na lang."

"Papa naman mawawalan ako ng grades nito, kahit 'yong baon ko na lang para sa susunod na linggo." Patuloy ko.

Bigla siyang tumayo at hinagis ang unan sa akin.
"Hindi ka ba makaintindi? Kung ipipilit mo 'yan wag ka ng mag-aral saka wala ka rin namang pakinabang dahil bobo ka! Huwag mo akong iiyakan riyan!" Dinuro-duro niya ako pigil ang pag-iyak na nais lumabas ngunit pinigil ko upang hindi magalit si papa.

Dapat sanay na ako kay papa pero nasasaktan pa rin ako. Si mama ay busy palagi at hindi niya alam na sinasaktan ako ni papa.

Alam kong hindi naman ako matalino pero hindi naman ako bumabagsak sa mga subjects ko. Oo si ate Tricia matalino talaga siya, at mahal na mahal siya nina mama at papa kahit 'yong mahal na lang sana maibigay nila sa akin. Si mama lang ang kakampi sa mundong ito.

Pero bakit ba ako nagrereklamo? Dapat magpasalamat ako dahil pinapakain nila ako at pinag-aral. Kahit baliktarin ko pa ang mundo sila lang ang pamilya ko.

Ipinapangako ko sa aking sarili na magtatapos at makakakuha ako ng magandang trabaho at magiging proud din sila sa akin!


End of flashback

Pero gano'n pa rin ba ang dapat kong paniwalaan? Na kahit ano pang mangyari ay pamilya ko pa rin sila?

Dati pangarap ko na sana may mga taong mamahalin ako hindi dahil sa kung ano ang kaya ko kun'di tanggap ako maging sino pa ako at ngayon natagpuan ko 'yong mga tao na iyon na sigurado akong kaya akong mahalin kahit ano pa ang mangyari.

My handsome sugar daddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon