I met her
Walang pasok ngayon at nag-usap kami nila ate Letty, ate Mina, kuya Jigs, at Logan na mag barbecue party at swimming na rin. Syempre nagpaalam kami kay tita Claire at hahabol daw siya dahil may mga investors daw siyang kakausapin para sa jewery business nito.
"Ate Letty kumpleto na po ba? Tara na? Oh 'yong swimsuit mo?"
"Ano ka ba bata ka sandali lang, nako baka mataba ako? Mapansin kaya ako ni Jigs?"
"Ako po ang bahala ate Letty at siguradong mapapansin ka rin ni kuya Jigs," humagikhik siya ng bongga.
Nagtungo na kami sa likod ng mansion sa pool.
"Naks ang pogi natin kuya Jigs ah kamukha mo na po si Empoy, tsk. crush ko 'yon eh."
"Si Empoy ang crush mo? Eh mas gwapo pa ako do'n eh," nagtinginan kaming lahat saka pigil ang tawa. "Ano hindi ba kayo naniniwala sa taglay kong kagwapuhan?" Sabay-sabay kaming umiling except lang kay ate Letty na pumupuso ang mga mata.
"Alam niyo baka gutom na tayong lahat kumain na tayo?" Sabay-sabay kaming kumain ng miryenda at tamang kuwentuhan lang.
"Zoey ano'ng paborito mong flavor ng kamote cue?"
"Ha?"
"Ako tanongin mo bilis.."
"Ano po?"
"Kamote!" Humagalpak ng tawa si ate Letty. Ako naman nagtataka, flavor?
"Ewan ko sa 'yo kuya Jigs ang corny mehehehe.."
"Zoey." lumingon ako kay Logan na mukhang seryoso.
BINABASA MO ANG
My handsome sugar daddy
Любовные романыFor Zoey Andalio, what she's going through now is a nightmare. Her whole life, she tried to understand her father and sister because of their mistreatment of her, but she did not know that her father could do something worse just for his own selfis...