Chapter 16

427 15 2
                                    

Memories

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Memories

Flashback

"Hoy matandang hukluban tulungan mo naman akong malinis 'yong kisame ang daming sapot oh.."

"Sino ba kasi ang nagsabi sa 'yong maglinis ka?"

"Eh kawawa naman sila ate Mina saka itong silid lang naman," parang nakonsensya naman siya.

"Ano ba ang gagawin ko?"

"Buhatin mo 'ko."

"Ang dali naman," binuhat niya ako pero pahiga ako.

"Matandang hukluban hindi mo ako bubuhatin na para tayong papunta sa honeymoon. Buhatin mo ako na maaabot ko ang kisame tsk."

"Ayoko nga! Gusto ko ganito eh."

"Ginigigil mo talaga ako! Bwiset ka!" Bumaba na lang ako at pilit kong inabot ang mga sapot sa itaas ng kisame gamit ang walis, ginagamit kasi ang panga-agiw do'n sa ibaba.

Tumayo si Kyle at inagaw sa akin at siya na ang nag-agiw. "Magpatangkad ka nga minsan," pang-aasar nito.

"Ang yabang mo! Sige na taposin mong lahat 'yan ah," ako naman ang umupo.

"Hoy Zoey umalis ka nga riyan maalikabok!"

"Lalabas ako?"

"Lumihis ka lang hindi ko sinabing lumabas ka. Kapag lumabas ka wala na akong inspirasyon sa paglilinis dito."

"Mehehehe.. Funny!"

"Hindi ka kinilig?"

"Hindi!"

"Ikaw ang bukod tangi!"

"Ano?"

"Bukod tangi kong mahal.." gago talaga naiihi na nga ako sa kilig ayaw pa rin tumigil eh.

"Alam mo mamaya ililibre na lang kita baka gutom lang 'yan."

"Ililibre mo ako ng pagmamahal mo?"

"Matandang hukluban habang tumatagal sobrang corny mo, last mo na 'yan ah.."

"Oh ayan tapos na, walisan mo ang kalat!" Saka padabog siyang lumabas ng silid. Sinundan ko siya sa baba. "Bakit ka sumusunod?"

"Sumusunod kaagad? Hello! Iisa ang hagdanan alam mo namang mag-transform akong si darna para lumipad pababa!" Sabay irap tapos pinitik niya ako ng malakas sa noo pakiramdam ko namumula.

"KYLE!" Hiyaw ko saka siya tumakbo pababa. "Huwag kang magpapahuli sa akin matandang hukluban ka!" Tumakbo siya sa likod ng mommy niya.

"Bakit na naman ba kayo nag-aaway?"

"Mommy mangangagat si Zoey oh.."

"Tita Claire si Kyle po ang nauna pinitik niya po ako sa noo ko ng malakas," biglang kinurot ni tita Claire si Kyle sa tagiliran nito. Humagalpak lang ako ng tawa hanggang sa makalapit ito sa akin at binuhat ako bigla. "Kyle!"

My handsome sugar daddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon