Chapter 2

674 15 0
                                    

Papa's birthday

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Papa's birthday

Dama ko ang tama ng sinag ng araw sa aking pisngi, bahagya akong dumilat at bumuntong-hininga. "Happy birthday papa. I love you, kahit hindi ninyo ako mahal!" Mahina kong sambit, naramdaman ko na lang na bumagsak ang luha ko.

Mayamaya pa ay sunod-sunod na katok ang aking narinig, hindi ko iyon pinansin nakatingin lang ako sa labas kung saan matatanaw ang balkonahe ng silid ko.

"Good morning little brat." pinahiran ko muna ang luha ko bago ko siya hinarap.

"Good morning, don't worry Doc. papasok po ako," tiningnan niya ako ng malamlam, naramdaman ko na lang ang paglundo ng kama sa pagkakaupo niya.

"Ang aga namang luha niyan Zoey," umiling lang ako.

"Maliligo lang ako, mauna ka na kumain sa baba," ewan ko ba parang pagod na akong makipag-away sa kaniya.

Halos 30 minutes akong naligo, paglabas ko nanlaki ang mga mata ko. "Kyle, magbibihis ako!" ngumisi siya tapos humiga pa sa kama, nakatapis lang ako ng tuwalya akala ko naman lumabas na siya gago talaga 'tong matandang hukluban!

"Magbihis ka na, magiging mag-asawa na rin naman tayo tulad nga ng sabi ko kaya isipin mo na lang na wala ako rito," gigil na gigil na talaga ako kaya isinara ko ng malakas ang pintuan ng banyo. Narinig ko ang pagtawa niya, humanda ka talaga sa akin matandang hukluban ka!

Ilang minuto pa nakapagbihis na ako, nandito pa rin siya binabasa ang libro ko. "Doctor Dela Cero pakidala na lang 'yan bababa na ako!" sumunod naman siya.

"Good morning po tita Claire," humalik ako sa pisngi nito, maganda ang ngiti nito sa amin ni Kyle.

"Good morning sa inyong dalawa, himala at sabay pa kayo. Nako Zoey lalo kang gumaganda ah nako siguradong maraming lalaki ang nagkakagusto sa 'yo."

Tumingin muna ako kay Kyle tapos ngumisi siya, matandang 'to! "Salamat po tita Claire, nako may crush nga po ako eh." nasamid bigla si Kyle tapos nagkatinginan kami ni tita, kumindat ito sa akin.

"Shall we eat?" taas kilay na aya ni Kyle, nagkibit-balikat na lang ako.


Lumabas na ako, hinihintay ko si kuya Jigs ng biglang lumabas si Kyle at hinila ako hawak sa kamay. "Ano ba Doc.?"

"Hop in.." I rolled my eyes. "Bakit ikaw ang maghahatid sa akin? Nasaan si kuya Jigs saka Logan?"

"Mahirap na at baka magtangka ka na naman tumakas. Zoey mag focus ka naman sa pag-aaral!" padabog akong sumandal sa upuan. "Don't be such a brat Zoey hindi ka na bata!"

"Hindi ako brat, matandang hukluban!" Pagkasabi ko nun bigla niyang inihininto ang sasakyan saka humarap sa akin.

"Matandang hukluban? What did you say? Ulitin mo nga!"

"Narinig mo 'di ba? Bakit mo pinapaulit?"

"7 years lang ang tanda ko sa 'yo! Don't call me that baduy!"

My handsome sugar daddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon