His pastSecond week ng practice ginabi ulit kami, wala pa si Kyle. Umupo na lang muna ako at naghintay pa.
"Zoey sumabay ka na sa 'kin kasi gabi na at mukhang hindi na darating ang sundo mo, delikado pa." alam kong nag-aalala si Aron pero may isang salita si Kyle.
"Okay lang ako Aron baka parating na 'yon, mauna ka ng umuwi," tumabi siya sa akin at ibinaba ang bag nito. Kumuha siya ng chips saka niya ito inabot sa 'kin.
"S-Salamat, kaya ko naman maghintay na mag-isa."
"Hindi kita iiwanan dito delikado nga, baka pwede naman na ako na ang maghahatid sa iyo sa susunod na gabihin ang sundo mo," ngumiti ako sa kaniya, inalok ko siya ng chips na galing sa kaniya at kumuha naman siya. Dinig ko ang malutong na pagkagat niya do'n.
"Ikaw ang bahala.."
Mayamaya pa ay dumating na si Kyle nakasuot pa siya ng uniform mukhang galing school. Pagbaba niya ay lumapit siya sa amin ni Aron.
"S-Si kuya Kyle ang sundo mo?" Gulat na gulat siya pero tumango lang ako.
"Kumusta Aron?"
"Ayos lang, galit ka pa ba kay kuya?" Tinitingnan at nakikinig lang ako sa usapan nilang dalawa.
"Past is past. Sige mauna na kami ng fiance ko," mas nanlaki ang mga mata ni Aron sa sinabi ni Kyle. Matandang hukluban talaga na 'to, binanggit pa 'yon!
"F-Fiance?"
"Sige umuwi ka na, ingat."
Iniwan namin na gulat na gulat si Aron na parang hindi makapaniwala.
"Sorry natagalan ako, gutom ka na ba?"
"Okay lang sinamahan naman ako ni Aron kasi ayaw niya akong mag-isa na maghintay. Magkakilala pala kayong dalawa, bakit ka naman magagalit sa kuya niya?" Hindi ako sinasagot ni Kyle pero mamaya pag-uwi malalaman ko rin 'yon, kukulitin ko talaga siya. Holiday naman bukas at walang pasok kaya pwede kaming magpuyat.
Pagkadating namin kumain na kami at nagpahinga ng isang oras at umakyat na. Naligo lang ako at nagmamadaling magbihis para pumunta sa silid ni Kyle.
Kumakatok ako pero walang nagbukas kaya pinihit ko na ang doorknob. "Doc.?" Isinara ko ang pintuan saka nagtungo sa kama niya. Baka naliligo pa, magbabasa muna ako ng libro niya.
"Grabe naman ang kapal ng mga libro na 'to!" Hindi ko na lang binuklat dahil agad akong tinamad.
Ilang sandali pa at lumabas na si Kyle sa banyo. "Ahh!" Napasigaw ako kasi nakatapis lang ng tuwalya ang baywang niya. Halatang nagulat siya sa reaksyon ko.
"Zoey! Bakit ka ba nandito? Matulog ka na nga, hindi ka ba pagod? Papasok ka dito tapos magtatakip ka ng mata, kabastusan 'yan!" I heard him chuckles. Gago 'to ah!
BINABASA MO ANG
My handsome sugar daddy
RomanceFor Zoey Andalio, what she's going through now is a nightmare. Her whole life, she tried to understand her father and sister because of their mistreatment of her, but she did not know that her father could do something worse just for his own selfis...