Chapter 11

489 15 3
                                    

P

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

P.S Pakinggan ang theme song ng "My handsome sugar daddy"
Tahan na by Jason Marvin

_________________

Love

________
Library

Pagkatapos ng klase ko ng alas-singko ay diretso library na ako hanggang alas-siete ako dito.

"Aron? Ano'ng ginagawa mo rito?" Pabulong kong tanong.

"Hihintayin kita.."

"May sundo ako."

"I don't care basta hihintayin kita."

"Tsk. Bahala ka."

Bumalik na ako sa pag-aayos ng mga libro, itinali ko ang buhok ko dahil kahit may aircon pinapawisan ako.

Habang nag-aayos ako ay kinukuhan pala ako ng litrato ni Aron kaya lumapit ulit ako sa kaniya. "Hoy bawal dito ang cellphone saka wag mo na akong kuhanan."

"Kahit ano'ng ayos o ginagawa mo maganda ka pa rin," ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Sh*t mula kay Aron Gomez ang isang sikat na modelo sa buong bansa, bakit hindi ako kiligin 'di ba?"

"Hmp ang korny mo, umuwi ka na."

"Hihintayin kita." he pouted, shocks ang gwapo niya sh*t!

Hinagisan ko siya ng papel na lukot saka siya gumanti, wala naman ng masyadong tao eh.

"Baliw!"

"Ang ganda mo."

"Sira-ulo."

"Mahalin kita diyan eh!" Nahinto ako sa pagbalibag ng papel sa sinabi niya.

"Sige na matatapos na ako baka mahuli pa tayo."

"Yes Mahal!" he winked.

Tama ba ang dinig ko? Mahal daw? Ano ba Aron, baka ma-fall ako pero okay lang wala naman masama eh.

Dalawang oras din ang lumipas at natapos na, hindi pala biro ang mag-part time tapos ang gulo pa ng ibang libro walang disiplina ang ibang estudyante palibhasa mga sunod ang luho. Ni-lock ko na ang library at inabot dinala sa office ang susi.

"Zoey.." nakangiting tawag ni Aron at may dalang ice cream.

"Hindi mo naman ako kailangan hintayin eh, basta last na 'to ha baka kasi may mga gagawin ka pa."

"Okay kapag walang schedule hindi ako maghihintay pero kapag free ako hihintayin kita," inabot ko na lang 'yong ice cream. Lumabas na kami at umupo sandali sa waiting shed.

Habang nag-uusap kami ay biglang umulan ng malakas. "Nako ang lakas.." pag-aalala ko.

"Tara?"

My handsome sugar daddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon