Dance project program
Maaga kaming umalis ng mansion nila kuya Jigs at Logan ngayon na lang ulit ako dadalaw kay mama. Nabanggit ni Logan na may kapatid siyang nurse sa hospital kung saan naka-confine si mama kaya naman nabuhayan ako ng loob dahil siguradong hindi gusto ni papa na pumunta ako do'n.
Pagpasok namin ng hospital ay agad na lumapit sa amin si Dianne ang kapatid ni Logan at sakto dahil minsan naa-assign raw ito kay mama. May dala din akong libro may isang oras pa bago mag-umpisa ang program sa school.
Nagsuot ako ng hospital gown, mask, at iba pa bago makapasok sa silid ni mama. Halos tatlong buwan ko siyang hindi nakita pero pitong buwan na rin siyang comatose dahil sa aksidente.
Hindi pa naman ako nakakalapit ay tumulo na ang aking luha ngunit mabilis kong pinahiran 'yon.
"M-Mama.. I missed you and I love you so much." hinawakan ko ang kamay nito. "Please wake up na kasi hindi ko na po alam kung ano'ng klaseng buhay ang mayroon ako ngayon. Ikaw lang kasi ang pumipili sa akin at nagpaparamdam na sapat na akong mahalin na walang kahit na ano pang kondisyon o rason para kuhestiyonin ko ang pagmamahal mo. Sige na po ma gumising ka na.." mahina akong umiyak habang nakadukdok sa gilid ng hospital bed habang hawak ko pa rin ang kamay nito.
Kalahating oras pa ay sinabihan na ako ni Logan na baka mahuli ako sa school kaya inayos ko na ang aking sarili. Humalik ako sa pisngi ni mama saka umalis.
Doraity University
"Okay ka lang ba Zoey?"
"Thank you Logan ha.." nginitian niya lang ako.
"Zoey! Zoey!" Makulit na tawag ni kuya Jigs.
"Bakit po?"
"Sana 'yong sakit na nararamdaman mo e parang lobo," seryoso nitong saad.
"Bakit naman po kuya Jigs?"
"Na pwede mong bitawan kapag hindi mo na kaya." nagulat ako kasi ngayon lang nag-seryoso si kuya Jigs kaya ngumiti ako.
BINABASA MO ANG
My handsome sugar daddy
RomanceFor Zoey Andalio, what she's going through now is a nightmare. Her whole life, she tried to understand her father and sister because of their mistreatment of her, but she did not know that her father could do something worse just for his own selfis...