P.S Pakinggan niyo po ito habang binabasa niyo ang chapter na 'to.👇🏻
Tahan by Jason Marvin
(c) Cornerstone Music__________
A nightmare
Pagkaligo ay mabilis na akong nagbihis, ngayon kasi ang enrollment sa East University nakapasa kami ni Aron doon noong nag-entrance exam kami. Nasa Macau pa rin yata siya ngayon, ka-chat ko siya kagabi na uuwi siya this week.
Simpleng dress na may sleeves ang aking suot saka puting rubber shoes.
"Zoey baka marami ng tao mamaya bilisan mo kakain ka pa," hiyaw ni ate Letty mula sa ibaba, gano'n kalakas ang boses niya.
Pagbaba ko ay naghihintay si kuya Jigs at take note mag-aaral na ulit si Logan kaya may schedule lang siya sa pagbabantay sa akin tapos si kuya Jigs pa rin ang mag di-drive para sa akin.
"Good morning mommy.." humalik ako sa pisngi nito.
"Dalaga ka na talaga anak at lalong gumaganda, hindi na ba talaga kita mapipilit na mag-enroll sa Doraity Medical School?"
"Mommy napag-usapan na po natin 'yan, saka mas mababa po ang tuition sa East University. Huwag na po kayong mag-alala okay? I love you.."
"Hay ano pa nga ba hindi na kita mapilit, I love you too.. Oh teka, bakit kaunti lang ang kinain mo? Baka magutom ka niyan?" Pag-aalala ni mommy Claire. Uminom na ako ng fresh milk.
"Marami na po kasing pila, alis na po kami.." paghalik ko kay mommy Claire lahat sila ay natigilan at nakatuon ang paningin sa gawing pintuan.
Ako naman ay nagtataka kaya marahan akong humarap. Halos manlambot ang aking mga tuhod at pakiramdam ko mabubuwal ako sa aking nakikita ngayon.
"Kyle, anak.." masayang yumakap si mommy Claire sa anak nito.
Ilang buwan na ba ang lumipas?
Kung noon gwapo lang siya pero ngayon sobrang gwapo niya, mas pumuti at bahagyang lumaki ang pangangatawan na bumagay sa kaniya. Ang mapungay na mga mata niya na tila nangungusap, ilong na matangos, pink niyang labi, at makinis nitong mukha. He looks so perfect. At tulad nang dati mabait pa rin siya.
BINABASA MO ANG
My handsome sugar daddy
RomanceFor Zoey Andalio, what she's going through now is a nightmare. Her whole life, she tried to understand her father and sister because of their mistreatment of her, but she did not know that her father could do something worse just for his own selfis...