For Zoey Andalio, what she's going through now is a nightmare. Her whole life, she tried to understand her father and sister because of their mistreatment of her, but she did not know that her father could do something worse just for his own selfis...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The magic of wine
Hindi ako sinundo ni Kyle ngayon dahil kasama daw ang girlfriend nito. Ewan ko ba kung bakit nag-iinit ang dugo ko, wala naman akong karapatang magalit e. Ginabi ako galing practice namin sa susunod na araw na kami sasayaw. Pagpasok ko ay naibagsak ko ang aking libro dahil sa malakas na basag ng bote kaya agad akong nagtungo kung saan 'yon.
"T-Tita Claire?" Agad akong lumapit sa kaniya, naibagsak niya kasi ang isang bote ng wine.
"Oh my dear Zoey, come here.." mukhang nakainom na siya pero lumapit na lang ako. Inabotan niya ako ng wine, tila mugto ang mga mata nito.
Nakita kami ni kuya Jigs kaya siya na lang ang nagligpit nang nabasag.
Nakasuot pa rin ako ng uniform at umupo kami sa sofa. "Tita may problema po ba?"
"Anniversary namin ng daddy ni Kyle," tila hirap siyang huminga, umusog ako at hinawakan ang kamay nito. "Alam ko ayos lang ako pero hindi pa rin pala kasi nararamdaman ko pa rin 'tong sakit simula nang mamatay si Max. Actually he's my first love. Siya ang first ko sa lahat ng bagay, mahal na mahal niya ako at gano'n din ako. Sobra niya kaming protektahan ni Kyle kaya kung naaalala mo pa noong ako dapat ang tatamaan ng bakal noong nasa mall dahil sa kaguluhan at iniligtas mo ako, grabe ang pagpapasalamat ko sa iyo dahil buhay pa ako. Tapos nang nasa hospital ka nakita ka ni Max na sinaktan ng papa at ate mo sobra siyang nag-alala sa iyo dahil hindi lang sa kilala niyang sugarol ang papa mo kun'di mahilig pa mambabae at ang alam niya ay nagbebenta ito ng drugs, nalaman niya iyon dahil sumubok ang papa mo na bentahan si Max. Muntikan na nga tumawag ng pulis si Max kaso dahil mabait siya hinayaan na lang niya! Naawa kami sa iyo lalo na sa kinabukasan mo kaya ginamit ni Max ang pagkakautang nang papa mo para mailayo ka sa kanila." Kusang dumaloy ang mga luha sa aking mga mata. Hindi ako makapaniwala sa mga ginagawa ni papa parang hindi ko lubos maisip.
"Noon ang dami ko pong katanungan pero siguro sapat na ito para tumigil na akong magtanong kung bakit ako pinambayad ng sarili kong ama. Ako po mismo alam ko sa sarili ko at ramdam kong hindi nila ako mahal at ang tanging kakampi ko lamang ay ang mama ko na hanggang ngayon ay comatose pa rin at hindi ko po alam kung ano'ng paliwanag na sasabihin ko dahil sa mga nangyari. Tita Claire hindi ko po alam kung matutuwa ako dahil sobra ninyong pinapakita ang pagmamahal sa akin pero sa kabila nun hindi ko po maiwasang masaktan pa rin, sorry po pero parang sa araw-araw na ginawa ng Diyos hindi ko alam kung bakit ba ako nandito? Bukod sa ayaw niyo akong masaktan mayroon pa po bang dahilan kung bakit pumayag si Kyle sa ganitong set up? Kasi tita hindi ko na po nagugustuhan itong nararamdaman ko!" Ibinaba niya ang baso nito at pinahiran ang luha ko.
"Agaw eksena ka rin," she chuckles. "M-Mahal mo na ba siya?"
"H-Hindi ko po alam kasi naiinis ako kapag hindi ko siya nakikita tapos parang hindi mabubuo ang araw ko kapag hindi niya ako inaaway at hindi niya po ako sinundo dahil kasama niya ang girlfriend nito," nalamukos ko ang aking mukha at bumuntong-hininga.
"Nagseselos ka Zoey, hmm alam kong bata ka pa pero ang pag-ibig walang pinipiling edad 'yan. Nakikita ko ang sarili ko sa iyo dahil katulad mo kami ni Max ay ahead siya ng pitong taon sa akin," namangha ako sa sinabi ni tita Claire para ba akong nagkaroon ng maraming pag-asa. "Pero sana wag mo kaming iwanan ha, malaking bagay na narito ka dahil napapasaya mo ako at ang lahat nang tao dito. Salamat Zoey.. Oh siya aakyat na ako bigla mo akong inagawan ng eksena sa pag e-emote e," tumawa siya ng malakas na tila napawi ang lungkot at hinalikan ako sa noo ko.
Iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni tita Claire kanina. Hindi ko alam pero halos maubos ko na ang wine at nakakaramdam na ako ng hilo.
Ilang sandali pa at narinig kong bumukas ang pinto. "Zoey!" Hiyaw nito at kahit lasing na ako kilala ko kung sino 'yon.
"K-Kyle." *hik* "Bakit ka umuwi ha?" Gumegewang akong lumapit sa kaniya. "Sha shushunod hindi na kita papayagan shumama sha jowa mo!" *hik*
Naramdaman ko na lang na binuhat niya ako at dinala sa aking silid.
"Zoey magbihis ka muna bago matulog, teka Kumain ka ba? Ano bang naisip mo at uminom ka?"
"Ha? Hindi mo ayaam? Anniversary ng mommy at daddy mo kaya sinamahan ko shaaaa." *hik*
Pinipilit niya akong magbihis hanggang sa mapasandal ako sa kaniya. Nararamdaman ko na lang na pinapalitan na niya ako ng damit. Hinaplos niya ang likod ko na may peklat dahil sa nangyari noon na kaguluhan sa isang Mall. Parang umiikot ang paningin ko, pinapahiran niya ako ng basang towel kaya parang naginhawaan ang pakiramdam ko.
"Gago ka, bakit hindi mo ako shinundo ha?" saka ako tumawa.
"Zoey umayos ka nga!"
"Matandang hukluban ka!" Bigla niya akong hinalikan kaya nasampal ko siya at siguradong nagulat 'to. "Hinalikan mo ang jowa mo tapos hahalikan mo ako? Nakakadiri! Get out!"
"Zoey.." sambit niya.
"Gago ka!"
"Zoey matulog ka na may pasok ka pa bukas."
Kinabukasan paggising ko daig ko pa ang zombie dahil sa sobrang sabog ko lalo na ang buhok ko tapos ang mga mata ko mugto na hindi mo malaman kung nasapak ba.
Dali akong nagtungo sa banyo saka naligo na pero hindi naman masakit ang ulo ko. Nagbihis na rin ako ng uniform ko, hindi na ako nagpatuyo ng buhok basta bumaba na ako.
"Ma'am Zoey mukha kang puyat? Napuyat ka ba sa pag-aaral mo?" Nag-aalalang tanong ni ate Letty.
"Ate Letty pwede po ba akong humingi ng cold water?"
"Oh sige.. Oo naman, heto." madali kong nilagok 'yon basta pakiramdam ko uhaw na uhaw ako. Hindi ko na hinintay si tita Claire at kumain na ako.
"Ma'am Zoey tara na?" Ani kuya Jigs.
Bitbit naman ni Logan ang mga libro ko at pinagbuksan ako ng pintuan ng sasakyan. Usually kapag ganito si Kyle ang naghahatid sa akin pero bakit ko ba iniisip 'yon?
"Kuya Jigs magpatugtog ka nga po,"
"Sure ma'am Zoey..
NP: Bagsakan by Parokya ni Edgar
Nagkatinginan kaming tatlo nila Logan at kuya Jigs at sabay-sabay nagulat dahil kabisado namin 'yong kanta.
Last part..
Bato-bato sa langit, ang tamaa'y 'wag magalit Bawal ang nakasimangot, baka lalo kang pumangit Pero okay lang, hindi naman kami mga suplado Sumabay ka sa'min na parang naka-eroplano Sa tunog ng gitara Kasama ng pinakamalupit na banda Pati si Kiko, magaling, hindi pa rin kayang tapatan Parang awit na lagi mong binabalik-balikan Stop, rewind and play mo Napakasaya na para bang birthday ko Alam mo na siguro'ng ibig kong sabihin Hindi na kailangan pang paikut-ikutin, baka lalong matagalan lang Lumapit at makinig para iyong maintindihan Mga salitang sinulat na hindi ko papelan pero pwede ilatag na parang banig na higaan 'Pag hinawakan ang mikropono, parang nabubuwang Eh, kasi naman siguro Gan'yan lang kapag gumagawa kami ng bago, medyo nabibilisan Hindi mo naisip na pwedeng mangyari Magkasama-sama lahat ay kasali, ge Ngayon lang narinig Hindi na 'to madadaig Nagsama-sama sa bagsakan at naging isang bibig Magingat-ingat ka nga at baka masindak Sapagka't andito na si Chito at si Kiko at si Gloc!
Tawa lang kami ng tawang tatlo hindi ko alam na mahilig sila sa gano'n kanta.
"Apir tayo diyan!" Nakapag-apir sila sa akin, ganito kasi kapag kasama ko sila parang magbabarkada lang. Kahit paano hindi ko naaalala ang napag-usapan namin ni tita Claire kagabi.