Prologue

1.3K 21 0
                                    




Zoey Andalio's POV


Unang araw

Nagising na lang si Zoey na yakap ang picture frame nilang buong pamilya. Nagdasal siya kagabi na sana'y panaginip lang ang lahat pero mali siya.
Bumangon na siya para makaligo dahil sa sobrang pagod kakaiyak kahapon ay hindi niya na nagawang ayusin pa ang sarili.

Habang bumabagsak ang tubig mula sa shower ay hindi nito maiwasang maiyak ulit. Pakiramdam niya ay manhid na siya para hindi maramdaman ang lamig.

Pagkatapos ay nagbihis na siya na parang wala sa sarili. Mayamaya pa ay may kumakatok hindi niya na iyon pinansin hanggang sa iniluwa ng pintuan ang isang magandang babae.

Lumapit ito at ngumiti, biglang gumaan ang pakiramdam niya. "Hija, kumain ka na muna kasi kagabi nakatulog ka na kakaiyak mo. Pasensya ka na dahil ako man ay walang magagawa." Marahil ay mommy siya nung Kyle," sabi niya sa kaniyang isip.

"Pasensya na po.."

"Tita Claire na lang hija, wala si Kyle ngayon nagpunta sa puntod ng daddy niya." Oo nga pala nabanggit ng papa niya ang tungkol do'n na naaksidente ito pero dahil nasa kontrata ay kailangan pa rin nilang ipambayad si Zoey para sa utang ng ama. Kung hindi lang nalulong sa casino ang papa nito marahil ay hindi mangyayari 'to.

"Tita Claire ang lungkot po dito sa bahay ninyo parang bawat sulok ay walang saya."

"Masanay ka na hija." bumuntong-hininga ito. Medyo nalungkot siya, siguro ay nasa 40 na ito. Pero ang ganda niya talaga." Sige kumain ka na muna pagkatapos mo magpahinga ka ulit kapag maayos ka na saka kita pasasamahan sa driver para makapag-enroll ka na bukas. Tumango na lang siya saka lumabas ito.

Hanggang sa kubyertos ay tila mga ginto, hindi siya sanay sa ganito dahil simple lang ang buhay nila noon nila ate Tricia nito kasama ang mama at papa niya pero hindi na ngayon. Hindi na siya parte ng pamilya, ibig na namang tumulo ng luha niya pero buong lakas niya itong pinigilan.


Kinabukasan ay sinikap ni Zoey na maging malakas dahil gusto na rin naman niyang pumasok ng school, nasa grade 12 pa lang siya dahil naghinto ng isang taon. Ang sabi pa ng papa niya noon may malaking problema daw kaya hindi muna siya makakapasok. Ngayon naintindihan na niya kung bakit.

Pagkabihis ay nagsuot ng rubber shoes at hinayaang basa ang kaniyang buhok basta nagsuklay lang ito.

Dahan-dahan siyang bumaba, nabungaran ang isang matangkad, maganda ang pangangatawan, maputi at sobrang gwapong lalaki. Nabigla siya dahil ngayon lang nakita ni Zoey in person itong si Kyle Dela Cero, bagay sa kaniya ang uniform niya pero ang alam niya ay nag-aaral pa rin ito para maging isang surgeon.

"Good morning." Bati nito pero walang makapang emosyon mula rito.

"G-Good morning po." He chuckles.

"I'm Kyle, 24 years old." Inilahad nito ang kaniyang kamay at nakipag-kamay na lang din siya.

Pitong taon ang tanda nito kay Zoey pero para lang silang magka-edad kung titingnan.

"Ready ka na?" Tanong nito, tingnan ko lang kung hindi ka magsawa sa akin hanggang sa ibalik mo na ako sa mga magulang ko! Sabi ni Zoey sa sarili, kailangan kong magpanggap na kaya ko at malakas akong tao! Kailangan kong gumawa ng paraan upang maibalik sa dati ang buhay ko. Dagdag pa niya sa kaniyang isipan.

"Saan?" Bigla siyang nagkalakas ng loob, hindi na siya sweet 16 kyeme! Kaya niya ito, 17 na siya! Makikita mo Mr. Dela Cero!

"Ako ang mag e-enroll sa 'yo sa bago mong school." Hindi na siya nagtaka kaya sumama na lang si Zoey.


Doraiti University

Grabe ang laki ng Unibersidad na ito, dito kasi sa Fundeli City ito ang pinakasikat na school. Ang sabi pa niya kanina kaya raw dito siya pinasok para diretso college na dahil katabi nito ang Doraiti Medical School. Alam ni Zoey na doon nag-aaral si Kyle.
"Sige lang mag-decide ka para sa akin!"
Bulong niya sa sarili.

"Alam mo Mr. Dela Cero ako na lang ang mag e-enroll sa sarili ko at baka naaabala na kita," taas kilay niyang wika. Ngumiti ito at nalaglag ang panga niya dahil ang gwapo talaga. Pero hindi dapat doon mag-focus dahil gusto niyang ipakita kay Kyle na hindi siya karapat-dapat para magpakasal dito!

Pinitik niya si Zoey sa noo. "Hindi mo kaya, sasamahan na kita!" Hinila niya si Zoey, hawak niya ang kamay at pinagtitinginan na silang dalawa parang umakyat ang lahat ng init sa pisngi nito. Naiinis siya kasi kung bakit ganito ang trato nito sa kaniya! Kung alam niya lang na ang iniisip nito ay barya lang siya sa utang ng papa niya sa daddy ni Kyle!

Siya na talaga ang nag-enroll kay Zoey, hindi na lang din siya kumikibo at hinahayaan na lang sa gusto nito. Magsasawa din 'to at siya na mismo ang magpapalayas sa akin! Isip pa niya.

"Papasok ka na bukas Zoey, may sarili kang driver, bodyguard, at yaya." Paliwanag pa ni Kyle.

"Yaya? Driver? Bodyguard? Seriously? Ano ba ako bata? Kaya ko na ang aking sarili saka pwede naman akong mag-commute na lang papunta dito sa school." Hindi siya sumasagot parang nakaramdam si Zoey bigla ng takot, grabe kasi ang titig nito parang siya na ang pinakamasamang tao sa buong mundo.

"Bata ka naman talaga Zoey, ilang buwan pa bago ka tumuntong ng 18 kaya wag kang mangarap o umastang akala mo ay matanda na at alam ang lahat!" Nakanguso lang siya at parang gustong magwala sa harapan nito dahil sa inis. "May driver, bodyguard, at yaya ka dahil baka mamaya takasan mo pa kami! Ibinilin ka ni daddy sa amin kaya kung pwede lang bawasan mo 'yang pagsagot-sagot mo ng ganyan! Masuwerte ka pa rin at sa amin may utang ang papa mo, paano kung sa iba? Baka kung ano pa ang gawin sa 'yo!"

"Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko! Palibhasa hindi ikaw ang nasa katayuan ko!"

"Alam mo Zoey kung mahal ka ng papa mo hindi niya maiisipang ipang-bayad ka lang dahil anak ka niya!"

"Oo na alam kong hindi niya ako mahal kahit yata noong ipinanganak pa lang ako pero sila lang ang pamilya ko, ang mama ko comatose siya paano kapag nagising siya at nalaman niyang ganito ang sitwasyon ko? Siya lang ang kakampi ko pero wala e!" Bumagsak ang luha ni Zoey at lumakad na lang papunta sa sasakyan.

Natahimik si Kyle at narinig ang pagbuntong-hininga nito.

My handsome sugar daddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon