Chapter 5

575 14 0
                                    

Crush

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Crush

Doraity University

Hindi ako naturuan mag-swimming ni Kyle kahapon kasi naging busy siya. Tulad ng sabi niya ngayon na lang ako pumasok, ewan ko kung bakit nagiging masunurin na ako sa kaniya.

Ang balita ko isang linggo na suspended sina Lara at Ana, pero ilang araw din kasi akong hindi pumasok. Natuyo na din ang mga sugat ko kaya okay na rin ako.

"Zoey.." tawag ni Aron, hala ang gwapo. Natulala ako sa kaniya mukha siyang manika o kpop idol e. Hawig niya rin si Jameson Blake.

"Hi Aron," kinuha niya ang libro ko at siya ang nagdala nito. Sikat din siya dito kaya hindi maiiwasan na maraming matang nakatingin at kung ano-ano na naman ang ibibintang sa akin!

"Thank you nga pala no'n," naglalakad kami sa pathway tapos sagad ang ngiti niya, gusto kong pisilin ang pisngi niya.

"Wala 'yon, ngayon lagi na akong maaga baka kasi maulit na naman ang nangyari."

"Hindi na mauulit 'yon kasi lalabanan ko na sila," napahawak ako sa leeg ko kasi bahagyang kumirot.

"Oh masakit pa ba? Dapat hindi ka muna pumasok," pag-aalala niya. Nakapasok na kami sa room namin tapos lumipat siya ng upuan nasa likuran ko siya.


Lunch break na, pumunta ako ng canteen tapos pinagtitinginan nila ako, hindi ko na lang sila pinansin kasi baka hindi ako makakain ng maayos. Hay may sayaw kami, paano kaya ako makakapag-practice nito?

"Pwede bang sumabay kumain?" Pagtingala ko si Aron pala.

"Oo naman.." Masaya kong wika.

"Oo nga pala pansin ko lang, bakit hindi ko nakikitang may mga barkada ka dito?"

"Hindi naman kailangan saka hindi naman ako interesado, okay na magkakilala tayo. Okay lang ba na maging kaibigan kita?" Ewan ko ah pero kinilig ako shems!

"Oo naman saka wala rin naman gusto akong maging kaibigan dito. Simula ngayon magkaibigan na tayo, ay 'di ba magka-group tayo sa dance project? Mabuti na lang at nandoon ka baka kasi hindi ako makapag-sayaw ng maayos," kumuha siya ng tissue saka pinahiran ang gilid ng labi ko kaya bahagya akong napaatras, nagulat kasi 'ko.

"Maihahatid kita kapag may practice tayo," ang gwapo niya pa rin kahit kumakain. Si Aron kasi 'yong kagwapuhan niya nakakagaan ng loob at hindi delikado sa pakiramdam. Si Kyle sa sobrang gwapo nakakakaba kasi delikado ako sa kaniya ano man oras. Ibig ko na lang matawa sa naiisip ko.

"Hatid? Hindi pwede sinusundo kasi ako nung driver."

"Gano'n ba? May sumusundo pala sa 'yo," parang bigla akong nakonsensya at naawa sa kaniya.

"Ayos lang malay ko minsan makalimutan nila akong sunduin edi maihahatid mo na ako," natawa ako ng mahina saka kumain na lang. Medyo naiilang ako kasi tinititigan niya ako.

"Maiba nga tayo, hindi ka ba nahihirapan na pagsabayin ang modeling at pag-aaral mo?" Pagkatapos namin kumain inilagay na namin sa hugasan. Tapos may kalahating oras pa kami binilan niya ako ng ice cream at natuwa ako kasi favorite ko 'yon.

Umupo muna ulit kami bago niya ako sinagot. "Hindi naman nasanay na lang siguro saka wala rin naman akong gagawin sa bahay kung wala akong schedule sa modeling."

"May point ka diyan, pero aware ka ba na sobrang sikat mo?" Umiiling siya habang nakangiti, ay nako ang sarap niyang titigan.

"Wala naman sa 'kin iyon basta trabaho lang at pag-aaral ang focus ko pero na-appreciate ko naman 'yong mga taong humahanga sa akin," pinunasan niya ang kamay ko na nalagyan ng ice cream.

"Sorry ang kalat kong kumain."

"Ang cute mo nga," nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Hindi naman siguro ako malandi nito saka hindi naman malalaman ni Kyle na kaibigan ko si Aron.

"Thank you," magsasalita pa sana ako kaso tumunog na ang bell kaya pumasok na kami sa next subject namin.

"Alam niyo ba na sabay silang kumain ng lunch? Parang tama si Lara malandi talaga si Zoey."

Hindi ko alam kung sisilaban ko na lang sila ng buhay kaya tiningnan ko sila tapos umiwas sila ng tingin.

Lumipas ang maghapon ay sa wakas uwian na rin natapos na ang puro bulungan at chismisan.

"Pauwi ka na? Next week na 'yong practice ha magkita na lang tayo," masayang wika ni Aron, binitbit niya ang libro ko pero hanggang gate lang baka kasi makita kami ni Kyle, kung ano pa isipin nung matandang hukluban na 'yon!

"Sige, ingat ka pauwi.." ngumiti siya tapos sumakay sa kotse niya. Sana makasama ko siya minsan.

Uupo pa sana ako sa waiting shed pero nandito na ang sundo ko. Pagsakay ko ay, "K-Kyle? Bakit ikaw ang sumundo sa akin? Alam mo naaabala pa kita dapat si kuya Jigs na lang," parang ayaw niyang kumurap, hindi ko alam kung narinig niya ba ako o hindi.

"Dito ka maupo sa harapan."

Sumunod naman ako. "B-Bakit? Wala ka bang schedule ngayon? Oo nga pala may dance project kami at next week na umpisa ng practice kaya medyo gagabihin na ako," paliwanag ko pa pero parang hindi siya nakikinig.

"Sino 'yong nagdala ng libro mo? Hindi ba't si Aron 'yon?"

"Ha? Bakit mo siya kilala?" Ay model nga pala kaya malamang kilala niya.

"Kapatid siya ni Raver Gomez na classmate ko sa med. school," nagulat ako kasi gusto ko sana na hindi niya malaman ang tungkol kay Aron pero ang liit nga naman ng mundo. Natahimik na lang ako. "Do you like him?" Seryoso niyang tanong.

"Like? Crush ko kaya 'yon," tapos tiningnan niya ako ng masama. "Okay fine syempre classmate ko siya tapos kami lang ang magkaibigan, feeling ko kasi lagi akong pinag-uusapan sa University dahil sa nangyari saka ka-group ko siya sa dance project." dagdag ko pa.

"Susunduin kita kahit gabihin ka pa," nakakagulat naman ang reaksyon ni Kyle.

"Eh paano kung may training ka? Ang hirap ng pinag-aaralan mo dapat focus ka do'n."

"Wala ka bang tiwala sa akin? Huwag mong ipilit ang gusto mo, alam kong gusto ka nung Aron na 'yon!"

"Sandali nga, bakit ka ba nagagalit ha?" Bahagyang tumaas ang tono ko.

"Hindi ako galit, pagod lang!" Hindi ko na siya sinagot tumingin na lang ako sa bintana dahil siguradong mag-aaway kami hanggang sa maka-uwi kami sa mansion kaya minabuti kong manahimik na lang.

My handsome sugar daddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon